Chapter 37

1.1K 43 8
                                    

* Jisoo's PoV

"B-bakit?" tanong ko sa lalaking nakahawak pa din sa aking braso.

Magsasalita sana siya ng biglang may umagaw ng aking braso mula sa kaniyang pagkakahawak. Sobrang bilis ng pangyayari at nakita ko na lang ang likod ni Taehyung.

Ramdam ko kung paano natigilan at nagkaroon ng tension ang buong paligid. Nagpapatuloy pa din ang performance sa stage pero alam kong nasa amin na ang atensiyon ng halos lahat.

Nang nilingon ko sila Jennie ay kita ko din ang pagpapanic at takot sa kanilang mga mata.

"What do you need?" malalim at matigas ang boses ni Taehyung ng sabihin iyon.

Hindi na din naman nakasagot pa yung lalaki dahil dumating na din ang security. Napakapit ako sa damit ni Taehyung ng titigan ako noong lalaki bago siya tuluyang mahila paalis ng security.

Agad akong hinarap ni Taehyung at hinawakan ang aking mukha.

"You okay?" nag aalalang tanong niya.

Sa sobrang gulat ay wala akong nagawa kundi ang tumango na lang. Nang marealize ko na mahigpit pa din ang hawak ko sa kaniyang damit ay agad akong bumitaw at lumayo. Nakita kong nasaktan siya sa ginawa kong pag iwas pero mukhang narealize din niya kung bakit ko iyon ginawa kaya naman wala na siyang nagawa at umupo na lang ng tahimik.

Agad akong tinanong nila Jennie kung okay lang ba ako na sinagot ko na lang ng tipid na ngiti. Naririnig ko sa aking likod ang pagtatanong ng mga kagrupo niya sa kaniya pero hindi ko na narinig kung sumagot ba siya.

May lumapit na babaeng staff sa akin at inabutan ako ng bottled water at humingi din ng tawad dahil sa nangyari. Nagpasalamat na lang ako at agad uminom para makalma ang aking sarili.

Hindi ko na tinangkang lumingon ulit kay Taehyung. Paniguradong may mga nagvideo sa nangyari at baka makahalata pa sila na kami pa kaya pinigilan ko na ang aking sarili.

"Unnie, hindi kaya yung lalaki kanina at yung fan mo na creepy ay iisa?" tanong ni Lisa ng makauwi kami sa dorm.

Napaisip din tuloy ako. Pwede nga. Baka nga iyon yun. Habang nasa sasakyan pauwi ay panay ang reklamo ng mga manager namin. Nagreklamo din sila sa management ng MMA at sinabihang ayusin ang security sa susunod. They assured me na hindi na mauulit iyon pero ng tanungin ng manager namin kung nasaan na yung lalaki at sinabing nakatakas daw ay nabahala ulit sila. Paano daw sila makakasiguro na hindi na mauulit iyon eh hindi nga nakita ang buong mukha noong lalaki lalo na at nakamask ito.

"Tingin niyo? Kung siya nga yung creepy fan mo parang may itsura ha pero nakakatakot pa din." comment naman ni Jennie.

Totoo din naman iyon. Kahit kasi nakamask yung lalaki ay mahahalata mo pa rin na may itsura nga siya at medyo malaki pa ang katawan. Natakot nga ako dahil baka kung anong gawin kay Taehyung pero buti naman at dumating din agad ang security.

"Unnie! Viral yung nangyari kanina oh." napatingin kami kay Rose na nakatutok sa kaniyang cellphone. "Trending din sa twitter yung #VSooTogetherAgain."

Kinuha ko ang cellphone ko at nakita agad iyon. Ang daming comments at nagreact. Pati sa instagram ay marami rin. Hindi ko naiwasan ang hindi basahin ang ilang comments.

"Waahh!! VSoo is sailing again! #VSooTogetherAgain"

"Feeling ko hindi talaga sila naghiwalay. #VSooTogetherAgain"

"Nagkabalikan ba sila? #VSooTogetherAgain"

"Nagkabalikan agad? Syempre concern si Taehyung sa ex niya. #VReneForever"

"Gentleman lang talaga si Taehyung oppa. #TaeTzuIsReal"

"Hala! VRene and TaeTzu? Nangarap na naman kayo! Hindi niyo ba nakita kung paano tumitig si Taehyung oppa kay Jisoo unnie? That's called love! And never mangyayari sa mga ships niyo! #VSooTogetherAgain"

Natigil ako sa pagbabasa ng makareceive ng text mula kay Taehyung.

From: Baby 💜
Are you okay baby? I'm sorry. Alam kong dapat ay break na tayo sa mata nilang lahat but I can't stop myself. Hindi ko napigilan. I hope you're not mad. I love you.

Napabuntong hininga ako at napatingala saglit.

Okay lang yan Jisoo. Gamitin mo na lang yung dahilan na concern pa din siya sayo kapag nagtanong si Papa YG.

Agad akong nagtipa ng reply nang mahimasmasan.

To: Baby 💜
I'm okay and I'm not mad. Nag aalala lang ako sa magiging reaksyon ni Papa YG. I love you too.

----------

Ako talaga yung nagfefeeling hahahahaha 😂😂😂😂

We Got Married (COMPLETED)Where stories live. Discover now