Chapter 15

2.1K 112 12
                                    

* Taehyung's PoV

Nakangiti ako habang nakatingin sa salamin. Ang gwapo ko ngayon! Aba syempre! Makikilala ko na ang future mother in law ko kaya naman kailangan maging disente akong tignan. Naka blue na polo at black pants ako. Nag suot lang din ako ng black na rubber shoes. Inayos ko pa ulit ang buhok ko bago ako nakangiting lumabas sa kwarto.

"Ayos ang pormahan ah!" Sabi ni Jimin hyung paglabas ko.

"Well." Nakangising sabi ko.

"Umayos ka Taehyung ha!" Paalala ni Jin hyung. "Baka naman tawagin mo talagang mama ang mama ni Jisoo. Mahiya ka kahit konti."

"Hindi no, pero kapag gusto niyang yun ang itawag ko sa kanya edi mas maganda hehehehehe."

"Sabi nila manager mag ingat ka at wag masyadong magpapagabi." Paalala ni Rapmon hyung.

"Opo. Bye!"

Nakadagdag pa sa sobrang saya ko ng sabihin ni Jisoo na doon kami magdidinner sa mismong bahay ng parents niya. Oh di ba? Meet the family na hehehehehe. Wala pa man pero pakiramdam ko kami na talaga. Next time, ikaw naman ang ipapakilala ko sa family ko.

"Hi Jisoo." Nakangiting bati ko kay Jisoo nang sunduin ko siya sa dorm nila.

Ang ganda niya. Naka blue na blouse, jeans at saka sandals. Bigla tuloy akong kinilig nang mapagtanto kong pareho kaming naka blue. Soulmate talaga kami hahahahaha.

"Hi Tae. Tara na?" Nakangiting aya niya na tinanguan ko naman.

Habang nasa biyahe kami ay marami kaming napag usapan kaya naman sobrang saya ko talaga dahil parang date namin ito hahahahaha.

Sana sa susunod. Totoo na lahat ito.

"Oo nga pala Tae. Next week na ang airing ng WGM." Napasulyap ako sa kanya ng marinig ko ang sinabi niya.

"Talaga? Excited na excited na sila hyung na mapanood yun eh hahahahaha."

"Hmm. Sila Jennie din excited na." Natatawang kwento niya.

Nang makarating kami sa tapat ng bahay nila ay parang biglang nawala ang kapal ng mukha ko. Bigla akong nakaramdam ng hiya. Ganito ba talaga ito? Nakakakaba. Magustuhan kaya nila ako? Magustuhan kaya nila ako para kay Jisoo?

"Tae? Okay ka lang ba?" Napatingin ako kay Jisoo nang magsalita siya. "Bigla kang natulala. Are you okay?" Nag aalalang tanong niya.

"Ah oo. Bigla lang akong kinabahan."

"Wag ka ng kabahan." Nakangiting sabi niya at talagang kumabog ang dibdib ko ng hawakan niya ang kamay ko. "Just be yourself. Magugustuhan ka nila."

Bumalik lahat ng kapal ng mukha ko dahil sa sinabi niya. Hay Jisoo! Kung alam mo lang kung ano ang ginagawa mo sa akin.

"Mama! Papa! Nandito na kami."

Ngiting ngiti si Jisoo nang makita ang mama at papa niya. Halata ding miss na miss niya sila.

"Anak!" Sinalubong siya ng yakap ng mga magulang niya at bigla ko ring namiss sila mama.

"Namiss ko kayo." Naluluhang sabi ni Jisoo. Ngumiti siya at tinignan ako. "Ma, pa si Taehyung nga pala. Tae, sila mama at papa."

"Good evening po ma'am, sir." Magalang kong bati at nagmano sa kanila.

"Aba! Ang gwapo mo pala talaga sa personal hijo!" Nakangiting sabi ng mama ni Jisoo at niyakap ako.

"Ganyan din ako kagandang lalaki noon." Natatawang sabi ng papa niya at nakipagkamay sa akin.

Sobrang saya kasama at kausap ng parents ni Jisoo. Hindi nila pinaramdam sa akin na hindi ako totoong boyfriend ng anak nila. Masaya daw sila na ako ang napabalitang boyfriend ng anak nila dahil mukha daw akong mapagkakatiwalaan at mabait pa.

Tawa kami ng tawa kapag nag aasaran ang mag asawa. Para lang silang mga bata na nag aasaran kaya naman hindi ko naiwasan mapatitig kay Jisoo na may maganda ding ngiti habang nakatingin sa mga magulang niya.

Sana ganyan din tayo kapag tayo na ang nasa ganyang edad.

We Got Married (COMPLETED)Where stories live. Discover now