Chapter 13

2.3K 103 8
                                    

Special thanks to lilychubs for my new book cover.. Thank you ulit 😊😊😊😊

------------------

* Jisoo's PoV

"Good morning Chichu." Napangiti ako ng makita si Taehyung.

"Good morning Tae." Nakangiting bati ko.

Kadarating ko lang dito sa set para sa taping namin ng WGM. Siya pa ang nagbukas ng pintuan ng van na sinasakyan ko kaya natutuwa talaga ako sa kanya.

Binati ako ng mga staff at excited na daw sila para dito. Lahat sila ay kinikilig dahil first time daw na mag guest para sa show ang real life couple na tulad namin ni Taehyung. Ngiti na lang ang naipapakita ko dahil fake lang naman ang relasyon namin.

Walang script na binigay sa amin. Maging natural lang daw kami sa isa't isa. Binigyan lang kami ng ilang instruction.

"Lights! Camera! Action!" Sigaw ng direktor ng maging okay na ang lahat.

Sa first scene ay magkikita kami sa isang coffee shop. Ito ang naiibang scene dahil yung mga naunang couple ay pinalabas na hindi pa nila kilala ang isa't isa pero kami ni Taehyung ay alam nang kami ang magkasama.

Nandoon na siya at hinihintay ako. Sobrang gwapo niya habang humihigop sa coffee niya. Hindi ko alam pero bigla akong kinilig. Feeling ko kasi ay date namin ito.

"Hi babe." Nakangiting bati niya at tumayo para halikan ako sa pisngi.

Nginitian ko lang siya at inalalayan na akong umupo.

"Kinakabahan ako. First time kong makasali sa ganitong show." Kinakabahan talaga ako. Hindi ko nga lang alam kung dahil talaga sa show o dahil sa presensiya ni Taehyung.

"Wag kang kabahan babe." Nakangiting sabi ni Taehyung. "In the near future masasabi na din natin ang mga salitang "We got Married". Tumawa siya kaya natawa na din ako.

Next naman ay may inabot na isang sobre sa amin ang isang staff pero hindi siya kita sa camera. I mean, yung sobre lang ang kita ng viewers.

Inabot ko ito at binuksan.

" Good morning to our newly wed couple." Basa ko sa nakasulat. "We're so happy to have you here in this show. The address of your new house is in the back of this paper. Go there and fill the house with your everlasting love."

"Let's go?" Tanong sa akin ni Taehyung habang nagtataas baba ng kilay.

Nakangiti akong tumango sa kanya. Inalalayan niya ako sa pagtayo at magkahawak kamay kaming lumabas ng coffee shop.

We Got Married (COMPLETED)Where stories live. Discover now