Chapter 30

1.6K 80 10
                                    

* Jisoo's PoV

Halos isang buwan kaming hindi nagkita ni Taehyung dahil umalis sila sa bansa para sa "Wings Tour" nila sa Brazil at Osaka. Namimiss ko na siya pero wala naman akong magagawa. Naging busy din ako sa taping ng Inkigayo at nagpapractice din kami para sa darating na "Seoul Music Awards". Bago umalis sila Taehyung ay nagtaping din kami para sa tatlong episode ng WGM. Nakakapagod pero masaya lalo na at gusto mo ang trabaho mo.

2 days from now ay "Seoul Music Awards" na at bukas naman ang uwi nila Taehyung. Nag aalala na nga ako sa kanya dahil alam ko ang pakiramdam ng sunod sunod na trabaho. Sinusubukan ko siyang tawagan pero lagi siyang busy at kapag siya naman ang tumatawag ay tulog na ako kaya naman hindi na kami nagkakausap. Ang tanging nagagawa ko na lang ay ang manood sa YouTube ng nangyari sa tour nila.

"Unnie?" Napatingin ako sa pintuan ng marinig ko ang boses ni Jennie.

"Hmm?" Tanong ko habang naghahanap sa computer ng mga bagong video na uploaded ng fans tungkol sa tour nila TaeTae.

"May package ka."

Napatigil ako sa pagscroll ng marinig ko ang sinabi ni Jennie.

Package??

"Kanino daw galing?" Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko. "Wala akong inaasahan na package." Naguguluhang tanong ko.

"Hindi sinabi nung nagdeliver eh." Sagot ni Jennie at sabay na kaming naglakad papunta sa sala. "Wala ding nakalagay na pangalan sa box."

Napatingin ako sa napakalaking box na nasa harapan ko ngayon. As in ang laki talaga niya. Feeling ko kasya ang tao dito. Nandito din sila Rose at Lisa na tila inuusisa din ang laman ng box. Saan kaya ito galing? Inumpisahan ko ng tanggalin ang tali ng box at nagulat na lang ako ng makita ang laman nito.

"Surprise!!"

Hindi ko alam kung matatawa o maiiyak ako ng lumabas si Taehyung sa loob ng box at may hawak pa ng isang bouquet ng bulaklak.

"Oh my god! Ikaw pala yan oppa." Sabi ni Lisa.

Agad akong niyakap ni Taehyung. Sobrang higpit na para bang ayaw na niya akong pakawalan pa.

"I miss you." Bulong niya.

"I miss you too." Bulong ko din.

Umalis sila Jennie para makapag usap daw kaming dalawa at magkaroon ng quality time. Napailing na lang ako. Kumuha ako ng pwedeng makain sa ref bago bumalik sa sala. Nakangiti na agad sa akin si Taehyung.

"Lalo kang gumaganda." Bola niya sa akin kaya napailing ako. "Baka may iba ka ng pinapagandahan?" Taas kilay niyang tanong sa akin.

"Wala no!" Sagot ko at naupo na sa tabi niya. Inabutan ko siya ng cookies. "Akala ko ba bukas pa ang balik niyo?"

"Nabago." Kibit balikat niyang tanong. "Okay na din yun para makapagpahinga muna kami bago ang SMA." Napatango tango ako. Tama nga naman. "May appointment ka bukas?"

We Got Married (COMPLETED)Where stories live. Discover now