C H A P T E R 76

605 8 0
                                    

JAXON'S POV

August 17, 2019. Saturday.

6:45 am.

'Anak, si Mama na ang mag bo-botones niyan.'

Tumango naman ako at sinumulan nang i-botones ni Mama ang polo ko.

'Thank you for everything Ma.' sabi ko.

Narinig ko siyang suminghot. 'Ano ba yan anak, hindi pa nag sisimula pero pinapaiyak mo na agad si Mama.'

'I am very lucky kasi kayo po ang naging magulang ko .' tumingin ako kay Papa at ngumiti siya saakin.

'Thank you so much sa suporta niyo, I promise bibigyan ko po kayo ng magandang lahi.' biro ko para gumaan ang atmosphere.

'Loko loko ka talagang bata ka!' sabi ni Mama at kinurot ako sa tagiliran.

'Are you ready Son?' tanong ni Papa at inakbayan ako.

'Yes Pa, I'm ready.' sagot ko.

---

7:38 am.

Nag karoon kami ng pictorial kasama sila Mama at Papa.

'Okay sir solo naman po kayo' sabi ng Photographer.

We took several shots and we're done.

Sinuri ko ang aking paligid.

'Damn.. It's finally happening..' bulong ko.

'Yow!! Doctor Drew in the houseeee! I mean in the Resthouseee!' napalingon ako saaking likuran at dumating na sila Drew kasama si Mika at Steve.

'Congrats Jax!' sabi ni Mika.

'Salamat.' yumuko naman ako para mag kapantay naman kami ni Steve. 'Hey, little boy. Ready to hold Ninong and Ninang's rings later?'

'Yes Ninong'

Ginulo ko ang buhok niya.

'Ang ganda dito sa Resthouse niyo no' sabi ni Drew.

'Kaya nga dito namin napili ni Cali eh. Atsaka andami naming memories dito..'

We've decided na dito kami mag pakasal sa resthouse.

Beach Wedding.

Unti-unti nang natatapos ang mga nag aayos kung saan kami ikakasal.

Si Cali ang nag decide sa lahat ng mga ito. That's why it's so beautiful.

3 months preparation is so hectic. But I want to marry her this soon.

I can't wait to see Cali, to finally call her my wife, and spend the rest of my life with her.

Damn..

9:00 am ang start ng aming kasal.

Mahigit isang oras na lamang ay makikita ko na siya.

---

Unti-unti nang nag sisidatingan ang mga bisita at ang mga abay.

'Hi fafa Jax na daks-- este! Hi fafa Jax ni Cali! Congrats!' sabi ni Alex.

'Thank you, at salamat din sa pag papanggap na boyfriend ni Cali.' pag bibiro ko.

'Ay! Ano kaba fafa open din naman ako na maging girlfriend mo. Mistress fafa! Bet mo?!'

Natawa ako. 'No thanks..' at umiling iling ako.

'Ay ligwak ang baklita!' sabi naman ni Kaye.

'He tumigil ka!!'

FetishWhere stories live. Discover now