C H A P T E R 35

559 12 0
                                    

CALIXTA'S POV

'Anak.. Wake up.. Anak...' naalimpungatan ako ng gisingin ako ni mommy.

Nakaupo ako sa may gutter, at nasubsob saaking binti. Nakatulog pala ako dito sa gilid ng kalsada.

Napatingin ako saaking relo. 9:45 pm

'A-andyan na po ba si Jax mommy?' tanong.

'Wala pa din siya anak mas mabuting pang pumasok ka m---


Umiling ako.

'Ayoko po... Iintayin ko lang dito si Jax..' binaling ko ang aking tingin sa may paanan ko.

Dadating yun e.

Alam ko.

Narinig kong napabuntong hininga si mommy.

'Sige anak, kung yan ang gusto mo, papasok muna ako sa loob ha?'

Tumango ako ng hindi lumilingon.

---

Unti-unti nang pumapatak ang ulan, kasabay nito ay ang pag tulo din ng aking mga luha.

10:00 pm.

Sabi mo uuwi ka.

Pinaasa mo lang ako Jax.

Isang malakas na kulog at kidlat ang aking narinig.

Mas lalo pang bumuhos ang ulan.

Nakita kong nasisira na ang mga pictures na nasa damuhan.

No..


Ang surpresa ko para kay Jax.

Napaupo ako at napatakip sa aking mukha, di ko na napigilan at tuluyan na akong napaiyak.

Wala na akong pakielam kung mabasa ako ng ulan.

Pati ang mga hinandang kong pagkain sakanya, ang mga pagkain na inaral ko para lang makuha ang tamang timpla.


Nasayang at nabasa na.

Nang hihina ang aking mga tuhod.

Pinag paguran ko ang lahat ng 'to para sayo Jax.


Pero bakit wala kapa?

Napaupo ako sa upuan na nasa may lamesa kung saan kami kakain ni Jax.

Niyakap ko ang aking sarili dahil sa lamig na aking nararamdaman.

I can wait...


Hihintayin padin kita Jax.

May dalawang oras pa bago matapos ang birthday mo.

---

Lumipas na naman ang kalahating oras..

Ibang lamig na ang nararamdaman ko, napapa-ubo na ako at kumikirot na ang aking ulo.

Pakiramdam ko ay babagsak na din ang mga mata ko.

Kinuskos ko ang aking mukha para mawala ang mga patak ng ulan dito.

Habang patagal ng patagal, mas palakas ng palakas ang ulan.

Napaangat ako ng tingin ng may busina akong narinig.

Busina ng kotse ni Jax.

Nakita ko siyang lumabas sa kotse at bumilis ang tibok ng puso.






'Jax...' bulong ko.



Nakatingin siya saakin at parang gulat na gulat sa itsura ko.



'Cali! Bat nag pakabasa ka?!' sigaw niya.

Nahagip ng mata ko ang direksyon kung saan may babaeng nasa loob ng kaniyang kotse.

May masakit na gumuhit sa aking puso.





Sino siya?


Nanlambot ang aking tuhod at napaluhod..

'CALI!'














Iyon ang huli kong narinig bago ako lamunin ng dilim..

---

FetishWhere stories live. Discover now