C H A P T E R 72

459 7 0
                                    

JAXON'S POV

May 27, 2019. Monday.

5:00 am.

Maaga palang ay gising na ako. 8:00 am pa ang exam namin at 10 mins. lang ang biyahe ko papunta sa school pero nag advance ako.

Ayokong ma-late dahil pag nahuli ka kahit isang minuto ay hindi kana pu-pwedeng mag take ng exam.

Habang naliligo ako ay hindi ko maiwasan na hindi kabahan, hanggang sa pag bibihis ay natataranta ako.

Suot suot ko ang polo na binigay saakin ni Cali almost 10 years ago. Medyo sikip na ito saakin pero pinilit ko padin na pag kasyahin, because this is my lucky charm.

Napatingin ako sa mga librong inaral ko nang napaka habang panahon.

Walang akong balak na mag basa ngayon dahil kapag ganitong may exam mas mabuti na i-relax ang mind para makapag isip ng tama at maalala lahat ng inaral.

Inhale....

Exhale....

Kaya mo 'to Jax.

Antagal mo nang pinag hihirap 'to.

*toot*

1 message receive.

'Goodmorning Baby Jax ko, today is the big day! I know mani-mani lang sayo ang exam na yon. Sus! Baka nga ngisian mo lang yung test paper at sagutan mo nang nakapikit! But seriously, I know you got this, ngayon palang gusto na kita i-greet. Congratulations! My handsome Doctor, I love you Doctor Jaxon Lopez.'

Damn..

I can't hold back my tears sa message saakin ni Cali.

It boost me up.

Isang malakas na buntong hininga ang binitawan ko.

'We got this baby' bulong ko.

---

Habang nag mamaneho ako ay tumigil muna ako sa isang fast food para mag breakfast, kailangan ng nutrients ng utak.

I also bought a bottle of beer dahil nakakagising ito ng cells sa utak.

Dagdag confidence narin.

---

7:09 am nang makadating ako sa school.

Pumunta muna ako sa garden para sa sariwang hangin.

I silently prayed na masagutan ko ng tama ang mga questions.

'Goodluck later.'

Napatingin ako saaking likuran.

'Uhm.. Thanks, Goodluck din sayo Julia.' sabi ko.

She smiled. 'Sana naman bago tayo mag kahiwa-hiwalay, maging okay na tayo Jax. I'm sorry sa mga nagawa ko sayo at kay Cali.' sabi niya.

Marahan lang akong tumango.

'Sakanya ka dapat mag sorry wag sakin.' sagot ko.

'Gagawin ko yun, pag may chance.'

'Sige mauna na ko don' hindi ko na siya nilingon at pumunta saaking assigned room.

Wala pang estudyante, ang tanging naroon ay si Dragonita lamang at nahimik lang na nakaupo.

Sa may unahan ko napiling umupo at napansin kong nakatingin saakin si Dragonita.

'You.' matalim niyang sabi.

Napaturo ako saaking sarili.

'Ako po?'

She stood up.

'Yes. May iba pabang tao dito?'

'Kayo po' sagot ko.

Biglang syang tumawa. 'I know makakarating ka dito, by judging you since day one. Isa ka sa mga estudyante na na-meet ko na napaka taas ng passion.'

Na-flattered ako sa sinabi nya.

'Show me your best shot. AND.PASS.THIS.MOTHERFUCKING.EXAM.'

Nagulat ako sa kaniyang term na ginamit.

Napatango na lamang ako.

'Yes ma'am.'

---

Ilang minuto pa ay nag sidatingan na ang ibang estudyante.

Napatingin ako saaking orasan. 7:58 am na biglang kumabog nang malakas ang aking dibdib.

'TWO MINUTES AND WE WILL START THE EXAM!'

May isang estudyante na hingal na hingal na nasa pintuan.

'Aba tingnan mo nga naman, nakahabol kapa. Pag may 50/50 na pasyente pwede mo pa maisalba. GO TO YOUR SEAT!' mataray na sabi ni Dragonita at agad na umupo ang estudyante.

'ALISIN NIYO NA ANG DAPAT NIYONG ALISIN SA DESK NIYO. YOUR NOTES, BOOKS, CELLPHONES, OR WHAT SO EVER! ONLY YOUR BALLPENS WILL REMAIN. AND, IF I CAUGHT YOU CHEATING AND TALKING TO YOUR SEATMATES.. MALAKI ANG PINTUAN AT MAKAKALABAS NA KAYO!'

'THE EXAM STARTS NOW!'

----

FetishWhere stories live. Discover now