C H A P T E R 74

473 6 0
                                    

May 31, 2019. Friday.

CALIXTA'S POV

Tanghali na akong nagising at may matigas na bagay akong nahihigaan, kinapa ko ito.

Cellphone ko pala.

Binuksan ko ito at bumungad saakin ang text ko kagabe para kay Jax, hindi ko pala nai-send, siguro sa kapaguradan ko hindi ko na napansin na di ko napindot ang send button.

I erase my message and composed a new one.

'Goodmorning Baby Jax ko, kakagising ko lang. Mag pe-prepare na din ako para pumasok sa resto. May balita na ba sa result ng exam mo? Update moko agad ha. I love you!'

Sent √

Saka ko lang na-realize na wala pading message si Jax simula kagabi.

Ang huli niyang text ay yung nag paalam siya.

Naipailing ako.

Mamaya may message na yun. Baka may inaasikaso lang sa school.

---

Matapos kong mag bihis ay bumaba na ko at naabutan kong nag pe-prepare ng breakfast si mommy habang hawak ang kaniyang cellphone.

'Goodmorning mom!' bati ko.

Bahagya siyang nagulat. 'Diyos ko Cali, basta basta ka nalang nasulpot!' sabi niya.

'Sa kabute moko pinag lihi diba'

'Hay nako bata ka, kumain kana dyan'

Naupo na ako at sinimulan nang kumain.

'Kamusta ang resulta ng exam ni Jax? Wala paba?' kaswal niyang tanong.

Umiling ako. 'Hindi pa nga po sya nag te-text simula kagabe eh'

'Baka naman tulog pa.'

'Sobrang haba naman ng tulog niya' sabi ko.

'Malay mo gumimik diba'

'Mag papaalam naman po yun sakin mom'

'Baka nakalimutan--

'Mom naman, kilala ko si Jax. Hindi yun nakakalimot mag paalam, mag sasabi yun. Hindi niya ugali na lalabas nang hindi ko alam.'

'Sabagay' maikli niyang sagot.

'Di naman pati mahilig yun mag party. Alam mo naman kung ganon kasuplado yung lalaki na yon'

Natawa si mommy. 'Tama ka anak, anyway dumaan sila Alex at Kaye dito kahapon kaso sabi ko sobrang busy ka sa Resto.'

'Sayang naman! Miss na miss ko na sila. Kelan daw po sila babalik?'

'Hindi sinabe eh'

---

Nang matapos na kami kumain ni mommy ay umalis na ako para pumasok.

Buti nalang nang dumating ako ay hindi pa gaano marami ang tao.

'Goodmorning Chef'

'Goodmorning, how's the kitchen?'

'Smooth sailing Chef'

'That's good. I'll be in my office iche-check ko yung mga inventory natin kasi tatawagan ko yung supplier' sabi ko.

'Okay po Chef.'

---

Pumunta na ako sa opisina at kinuha ang mga inventory.

Habang nasa kalagitnaan ako nang pag ka-calculate ay tumunog ang cellphone ko.

Drew Calling...

Napakunot ang noo ko.

(Answer)

'Hello Drew, what's up?' bungad ko.

'Uh.. Cali..' iba ang tono ng boses niya.

'Teka bat ganyan ka? Kasama mo ba si Jax? Hindi niya kasi ako mine-message eh.' napaayos ako ng upo.

'Yun na nga eh kaya ako napatawag si J-Jax..'

'Drew ano ba yon? Wag mo naman akong pakabahin'

Bigla akong pinagpawisan at ang bilis ng tibok ng puso ko.

'Papunta kasi siya dyan sainyo... Supposedly isu-surprise niya kayo...' mahina niyang sabi.

'And?? Ano nangyare?? Asan na siya?!' tumataas na ang boses ko.

'N-naaksidente si Jax.. Nasa hospital siya ngayon...

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.... He's in a critical condition.'

---

FetishWhere stories live. Discover now