C H A P T E R 42

572 8 0
                                    

JAXON'S POV

I'm packing my things. Karamihan sa mga gamit ko ay dadalhin ko na sa Manila.

Matagal na siguro uli akong uuwi dito. I'll focus on my studies first.

'Ahemm grabe ah para sa America ang punta mo!' napatingin ako sa may pintuan.

'I just need to bring some more Julia.' sabi ko.

'Bukas ba tayo babalik sa Manila?'

Tumango ako. 'May pasok na sa Monday, masyado kang napapasarap sa weekend.'

'Ang sarap kasi mag luto ng mommy mo eh! Feeling ko tataba ako dito!'

As I pack my things nahagip ng mga mata ko ang pictures na sana'y surpresa sakin ni Cali.



My girl...

I'm gonna miss her so much.




Kailan ko kaya uli makikita ang mga ngiti mong walang katumbas?

Tumulo nanaman ang aking luha.

'Huy.. Jax, are you okay?' lumapit saakin si Julia.

'Yeah.. I'm alright' sagot ko .

'Alam mo, you can take back what you said, anlapit lang ng bahay niyo oh, wag niyo nang pahirapan ang isa't-isa.'

'No.. Kailangan namin to pareho, for the past 19 years, mag kasama kami. It's time for us to separate ways. We need to be matured enough para sa mga bagay bagay. Mas mabuting unahin muna ang mga dapat unahin. Kung kame talaga, kahit ilang taon pa ang lumipas, It will find it's way..'

---


Hindi ako makatulog, naisipan ko munang bumaba sa kusina.

Nakita ko ang mga koleksyon ng alak ni Papa.

Kahit ngayong gabi lang, I want to forget things.

Kumuha ako ng alak na hindi ko alam kung anong klase ang magiging tama saakin.

Sinalin ko ito sa baso at tinikman, mainit ang hagod sa dibdib at hindi ko gusto ang lasa.

Muli akong uminom at napapikit sa sobrang pait nito.

Pinag patuloy ko lang ang pag inom at unti unti ay nagugustuhan ko na ang lasa.

'Sana naman ay niyaya mo ako.' napatingin ako sa nag salita.


'Pa...'

Umupo siya sa aking tabi at nag salin din ng alak sa baso.

'Sorry, pinakielaman ko ang mga alak mo' sabi ko.

He tapped my back 'It's okay anak. You can open as many as you can!'

I drank another glass.

'Oh hinay hinay anak, hindi ka naman sanay uminom e.'

Habang tinitingnan ko ang alak na nasa harap ko ay pumasok nanaman sa isip ko si Cali.

Everytime her tears fall, my heart breaks.

Lalo na't ako ang dahilan ng pag luha niya.

'I'm a jerk Pa..' muli akong uminom.

'Paano mo naman yan nasabi anak'

'I hurt the girl I love.. I don't have the balls to stand for her' I drank another glass.

'Is that it?' uminom din siya.

'If you chose to let each other go, to grow, does it make you a Jerk? If you chose to let go to be ready enough to avoid reckless decision does it make you a jerk?' he said and laughed.

'Pa, ni hindi ko nga kayang panindigan si Cali.. I love her so damn much! Pero heto ako ngayon..'

Umiling iling siya. 'Mga bata pa talaga kayo, malay niyo. When the right time comes you'll both understand why is this happening..'

---

Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama saaking mukha.

It's 10:00 am.

Oh fuck!

My head hurts like hell!!




'Ahhh!!' daing ko.

Napapikit ako at hinilot hilot ito.

Bumukas ang pinto ng aking kwarto at niluwa nito si Julia na may dalang tubig at gamot.

'Heto, sabi ng mama mo ibigay ko daw sayo pag nagising ka, umalis lang siya saglit dahil bibili daw ng mga babaunin mo para sa pag alis natin mamaya.'

Kinuha ko ang gamot at ininom.

'Salamat.'

'Sige labas muna ako, tumawag ka nalang pag may kailangan ka.'

Tumango ako at humiga na uli.

---

'Sure ka anak hindi na masakit ang ulo mo?' tanong ni mama.

'Opo ma. Okay na ko'

'Buti nga at naka-survive ka sa first ever hang over mo anak!' singit ni Papa.

Hinarap naman siya ni Mama at kinurot 'Ikaw kasi Roberto! Kinunsinti mo ang anak mo!'

'Aray ko naman sweetheart! Mamaya mo na ko kurutin pag tayo nalang dalawa hehehehe..'

Natawa kami sa sinabi ni Papa.

'Ang cute niyo po talaga!' sabi ni Julia.

'Hay nako iha wag mo na nga pansinin ito. Mag iingat kayo sa biyahe. ' sabi ni mama.

'Sure kabang kaya mo na mag maneho anak?'

Tumango ako. 'Sure na sure ma, I'll miss you.' sabi ko .

Niyakap ako ni mama at narinig kong umiiyak siya. 'Ikaw talagang bata ka! Kelan kaba uuwi ha?!'

'Hindi ko pa po alam ma, basta kayo din ni Papa mag iingat dito ha? Lagi ko po kayong tatawagan, pangako.' sabi ko. 'Di pa nga ko nakakaalis ma, miss mo na ko agad' biro ko.

'Syempre! Ikaw lang ang anak ko malamang mamimiss kita agad!'

Bumitaw siya sa yakap. 'Ma, we'll go ahead na, baka gabihin pa kami.' pag papaalam ko.

'Mag iingat ka anak'

'Opo Pa.'

'Paalam po! Thank you po sa pag papatuloy saakin dito' sabi ni Julia.

'Walang anuman Iha, balik ka pag may pag kakataon'

'Oo naman po!' sumakay na siya sa kotse.

Muli akong humarap kila mama at papa.

'Pano po uhmm.. Una na po kami..'

Tumango sila.

Bago ako sumakay sa kotse ay sinilayan ko muna ang bahay nila Cali.



I'll miss you my Cali.



I love you.

Bulong ko saaking isip.

Sumakay na ako sa kotse at inistart ito.

'Bye!' at kumaway ako kila mama.












Hindi pa kami nakakalayo ay may nahagip ang mata ko sa side mirror.




'JAXXXX!!!'


















Si Cali...









She's running to my direction.

----

FetishDove le storie prendono vita. Scoprilo ora