C H A P T E R 7

915 15 0
                                    

CALIXTA'S POV



August 5, 2009



Nasa kwarto ako ngayon at naisipan kong linisin muna ito ang kalat na kasi e. Atsaka ginaganahan ako kasi nakita ko yung mga picture namin ni Calix nung bata pa kame, ang laki ng ngiti ko tapos sya laging nakasimangot ang cute cute nya talaga.




*Knock Knock*



'Anak, may I come in?'


'Sige po mom nag lilinis lang naman po ako e.' tugon ko.



Umupo si mama sa kama ko. 'Anak 2 months nalang mag de-debut kana!' masigla nyang sabi.


'Hala oo nga no!' napatingin ako sa kalendaryo.



Oct. 17 may bilog ito sa kalendaryo. It's my birthday. Yaaayy!



'So what's your plan anak?' tanong ni mommy.



'Escort ko po si Jaxon!! Hihihi'



Napatawa naman si mama.





'Syempre anak given na yon e, automatic na! Haha kawawa talaga si Jax sayo' napanguso naman ako.



'Gusto ko mom nakagown ako parang princess!' excited kong sabi.




'Anything you want anak, because you will always be mommy's princess' at hinalikan ako nito sa noo.



'Sige bababa muna ako anak, mag plano ka muna dyan ha?'


'Opo mommy thank you!'


Pag kaalis ni mommy ay tinuloy ko na ang aking ginagawa. Nakita ko ang lumang picture namen ni daddy na buhat buhat ako.



I miss him so much, 2yrs. old palang ako ay namatay na sya, sa car accident yon ang kwento saakin ni mommy, kaya lumaki ako na hindi ko manlang nafeel na may daddy.


Pinunas ko ang luha na tumulo sa king mga mata. Sayang, sya sana ang first dance ko sa debut ko, kasi ang last ni Jaxon.


Tinapos ko na ang pag lilinis ng aking kwarto at nag simula nang mag plano.



---



JAXON'S POV



'Oo ikaw! At wala nang iba.' nakangising sabi ni Cali.


'Kailangan mo pa ba talaga ng escort? Ang laki laki mo na!' sabi ko.



'Jaxon! Ano kaba naman. Alam mo ija excited na ko sa debut mo! Para mo na din kaming magulang ng tito Robert mo kasi nakita namen ang pag laki mo' sabi ni mommy.




'Awww so sweet niyo po talaga tita. Buti pa kayo ni Tito!' bumaling naman ang tingin nila sakin.




'Okay fine. Then I'll be your escort' walang emosyon kong sabi.









'YEHEEEYYYYY!!!!'

---


Lumipas ang mahigit isang buwan at halos lahat ng plano ay naisaayos na. Formal ang debut ni Calixta, na may mga kulay na Royal Blue at Silver na kombinasyon.


Gown √

Glam team √

Flowers √

Tables √

Foods √

18s √

Guests √

At syempre ang Escort √



CALIXTA'S POV

'Baby Jax.. Kinakabahan ako, bukas na yung debut ko.' nasa kotse kami ngayon at kukunin na namin ang ilan pang mga kailangan para sa Venue.


'It's your day, don't be nervous.' seryoso nyang sabi.


'Kasi naman e sobrang daming tao!' napakapit ako sa braso nito.




'Wait Cali! Baka mabangga tayo---








May biglang tumawid na lalake at biglang napa preno si Jaxon, nasa 40's ang edad naka formal attire eto at muka syang business man.



'Shit!' mura ni Jaxon. 'Are you okay???' tanong nya sakin. At tumango ako, bigla syang bumaba at kinausap ang lalake. Hindi ko masyado makita ang mukha ng kausap nya dahil nakatalikod ito.



Matapos ang ilang minuto ay muka namang mabait ang lalake at pinalampas nalang ang nangyare.



Jusko ka Cali! Ang likot mo kasi! Muntik na tuloy may mabangga!


Bumalik si Jax at nag alalang tiningnan ako.

'Sure ka? Okay ka lang?'

'Oo.. Sorry.. Di na ko mag lilikot..' sabi ko.


'Be careful next time? Okay? Birthday mo na bukas.' pag papaalala niya.




'You ready?' muli nyang tanong.








I nodded.

---

FetishWhere stories live. Discover now