C H A P T E R 64

484 6 0
                                    

JAXON'S POV

Isang araw na ang nakakalipas matapos ang pangyayare sa hospital.

Nasa apartment kami at nag aayos sila Cali dahil sasama kami sa pag hagis ng abo ng daddy niya.

Ini-cremate siya dahil yun daw ang bilin niya kay Margarette kaya iyon ang ginawa.

Habang naliligo si Tita Bea ay pinuntahan ko si Cali sa kwarto, hanggang ngayon ay matamlay padin siya.

Nadatnan ko syang nakaupo sa kama kaya tumabi ako sakanya. 'Baby are you hungry? Gusto mo kumain? Or double dutch? Anything?'

Umiling sya.

Marahan ko syang nilapit saakin at niyakap.

'Atleast, nakapag usap kayo at nakapag patawaran bago siya mawala, diba? Yun naman yung importante dun. Kesa nawala na siya na may galit at poot sa mga puso niyo' sabi.

Narinig kong humikbi sya. 'I know, thank you for bringing me here.'

'No, thank you for coming. Ang tapang tapang ng baby ko.'

'Kasi alam kong nasa tabi ko lang kayo ni Mommy, thank you kasi lagi kang andyan para saakin.'

Hinarap ko siya sakin.

'You are always welcome my love. Mahal na mahal kita.' I kissed her forehead.

'Kaya dapat, wag kana masyado malungkot kasi I know masaya ang last breath ng daddy mo, kasi nakausap ka niya at nasabi mo sakaniya na mahal mo siya'

Tumango siya.

'Smile now my princess'

She gave me light smile.

I chuckled.

'I love you Jax' she whispered.

----

Andito kami ngayon sa Hacienda ng tatay ni Cali at dito niya gustong isaboy ang kanyang abo.

Ito daw ang paborito niyang lugar kaya dito niya napili.

Hawak hawak ni Margarette ang abo at nakasuot siya ng mahabang itim na dress at saklob, mapapagkamalan mo talaga na siya ang asawa.

Walang ibang tao kundi kami lang tatlo at si Margarette kasama ang isang driver.

Walang imikan na nagaganap. Lahat kami ay nakatingin lamang sa gagawin ni Margarette.

Humagulhol siya ng malakas ng buksan na niya ang lalagyan.

'Mahal na mahal kita alam mo yan. Andaya mo talaga kahit kailan, ayaw mo na iiwan ka, pero ikaw 'tong nang iiwan.' sabi niya.

Kumuha siya ng abo at isinaboy sa paligid.

Mas lumakas ang kanyang iyak.

Si Cali at Tita Bea ay naluluha din pero mas kalmado na sila ngayon.

Biglang humarap si Margarette kay Cali at inabot ang lalagyan.

'It's your turn..'

Kita kong nag aalinlangan si Cali pero tinanggap niya padin ito.

Siya naman ngayon ang nag saboy sa kaniyang ama. At binigay niya ito kay Tita Bea.

'I hope hindi po nakakabastos sainyo' pag papaalam ni Cali kay Margarette at umiling naman siya kaya nag saboy na si Tita Bea.

'May you rest in peace.' bulong niya.

---

Nang aalis na kami ay biglang may tumawag saamin.

'S-sandali lang, baka gusto niyo muna mag meryenda. Kahit saglit lang?'

Nag katinginan si Cali at Tita Bea.

'Hindi ako mag i-iskandalo. Pangako.' dagdag niya.

'Maupo kayo'

Umupo kami at umalis siya saglit.

Pag balik niya ay may dala siyang tea at pagkain na di ko malaman kung ano.

'Hindi ko na patatagalin pa dahil baka may lakad pa kayo.' panimula niya. 'Cali, Beatrice, I'm sorry sa mga kagagahan ko. Nadala lang ako ng galit at inggit sainyo. Kinakapalan ko na ang mukha ko dahil ayokong mabuhay ng mga kagalit, patawad sa lahat.'

Sa nakikita ko ay sincere siya sa kaniyang sinasabi.

'Kalimutan na ho natin ang mga nangyare.' sabi ni Cali.

'Hindi magandang mabuhay na puno ng negativity, pinapatawad ka namin at humihingi rin kami ng paumanhin sa mga nasabi namin noon.' sabi ni Tita Bea.

'Salamat sa inyo'

'Uhmm.. Sana po makarating kayo sa kasal namin, kahit kayo nalang po ang mag representa ng presence ni Daddy' sabi ni Cali.

Ngumiti naman si Margarette at tumulo ang luha.

'Oo naman pupunta ako, salamat talaga sainyo.' masaya niyang sabi at may kinuhang envelop sa likudan niya.

'Ito ay ang mga titulo ng daddy mo, nakapangalan ito saakin at sayo Cali, kaya anytime pag gusto mong bumista dito para maalala ang daddy mo, welcome na welcome ka. Pati ikaw Beatrice. '

Napangiti naman si Cali.

'And I hope tanggapin mo ito, iniwanan ka ng malaking halaga ng ama mo. Ito nalang daw kasi ang kanyang maitulong sa future mo. Take this Cali, for your father.'

'Pero--

'Please Iha, para ito sa ama mo'

Marahang tumango si Cali.

I hope lahat ng nangyayareng ito ay simula ng panibagong yapak sa lahat ng aming gagawin.

---

FetishWhere stories live. Discover now