C o n t i n u a t i o n

534 9 0
                                    


• c o n t i n u a t i o n

JAXON'S POV

'Sa birthay ni mama, uuwi na ko'

'WHAATTT-- Teka next week na ang birthday ni Tita ah!' sabi ni Julia.

'I know, kaya nga hindi ako umiimik nung tinatanong ako nila mama kung kelan ako uuwi kasi balak ko silang isurprise.' sagot ko.

'Wow! Exciting yan pre' sabi ni Drew.

'Andayaaa, wala kami ni Tita next week, aalis kami at pupuntang La Union, remember?' sabi ni Julia.

Oo nga pala, dadalaw sila sa puntod ng mga magulang nya.

'Maiintindihan naman siguro ni mama kung bat hindi ka makakasama' sabi ko naman.

Sumimangot sya, 'Pero gusto kong sumama, panigurado ang sasarap ng luto nila!'

'For sure yon! Ang sarap sarapppp kaya mag luto ni mama ' pang aasar ko sakanya.

Ngumuso naman sya kaya natawa ako.

---- 

Kinabukasan ay maaga akong nag handa dahil binyag ngayon ni anak ni Drew at Mika.

Inaayos ko na din ang ilan kong damit na dadalhin sa pag uwi ko, balak ko muna na sa resthouse namin dumiretso at mag palipas doon kahit isang araw para pag punta ko sa birthday ni mama hindi ako pagod sa biyahe.

Atsaka I want to have some fresh air. These past few days tutok na tutok kami sa aral.

Kaya gusto ko muna mag relax.

Nag suot ako ng light blue polo at pants.

I put on my watch at nag shades.

Lumabas na ako ng apartment at sumalubong saakin si Julia suot ang kanyang puting dress.

She looks simple but hmm.. Pretty?

'So ano? Bagay ba?' tanong nya.

Inaalis ko ang salamin ko at seryosong tumingin sakanya.

'Baka naman akalain ng ibang bisita ikaw ang ina' pang aasar ko.

Sinamaan nya ko ng tingin at kinurot.

'Aray!! Hahahaha!'

Nag dadabog syang sumakay sa kotse kaya napailing ako.

---

Nag kakaroon ng picture taking at buhat buhat ko ngayon si Steve, ang anak nila Drew at Mika.

'Ang cuteee! Hi baby boooyyy!' nilalaro sya ni Julia.

'Picturan ko kayo!' sabi ni Mika.

Wala na kong nagawa kaya ngumiti nalang ako.

*click!*

'Ay ang cute oh!'

Matapos ang handaan ay kami kami nalang ang natira sa venue.

'Ahemmm! The party's not overrrr!!' nag labas si Drew ng mga alak.

'Wow! Ang damiii! I wanna drink!' sabi ni Julia.

'Hay nako hinay hinay kayo sa pag inom ha!' paalala ni Mika.

'Kahit hard drink pa yan no! I'm already 22 so why bother?!' masiglang sabi ni Julia.

'Hay nako nababaliw na naman' komento ko.

'Here's your shot pare!' abot saakin ni Drew at ininom ko.

Kinuha saakin ni Mika si Steve. 'Papatulugin ko muna si Steve sa taas tapos bababa uli ako dito' paalam nya.

'Sige hon.' sagot naman ni Drew.

'Taasan mo yung shot ko!' hyper na sabi ni Julia.

'As you wish!' sabi naman ni Drew.

Hindi ako masyadong iinom dahil mag mamaneho pa ako atsaka ihahatid ko pa tong si Julia sa kanila.

'I'll posting our picture sa sa FB tapos ita-tag kita' sabi nya kaya tumango nalang ako.

---

Makalipas ang mga ilang ikot ng alak ay tatlo palang ang nas-shot ko.

Alam naman nila na hindi ako mag papakalasing ngayon dahil baka mamaya ay maaksidente pa kami.

Pero etong si Julia, kulang nalang laklakin ang alak.

'One more shot pa... Ahhhh!!' sigaw nya at sinalinan naman ito ni Drew na lasing na din.

'Tamana kakainom Julia, baka pagalitan ka ng Tita mo' saway ko.

'Buti pa si Tita hahahahaah! Magagalit pag nag pakalasing akooo! Eh ikaw Jax... Magagalit kaba?'

Huh? Pinag sasasabi nito?

'Bakit naman ako magagagalit?' nag tataka kong tanong.

'Kasi concern ka na ayaw moko malasing ganun! Hahahahahaha!'

'Kagustuhan mo naman yan Julia so bat kita pipigilan, ang gusto ko lang naman maihatid ka kasi kargo kita ngayon' sabi ko.

'Ganun lang yun?? Kasi kargo moko? Hahahaha pero kung si Cali, panigurado hindi pa nakakashot pipigilan mo na! At ibe-baby mo pa yun!' at muli syang uminom.

Teka bat naman napasali si Cali dito?

'Hay nako Drew wag mo na nga salinan si Julia ng alak. Nababaliw nanaman yan' sabi ko.

'Oh tamo tapos saka moko papakielaman! Ganyan ka naman Jax! Pag sinabe ko saka mo lang gagawin!!' bulyaw nya.

'Umuwi na tayo Julia'

'Tagal tagal mo na kong kasama Jax!' inayos nya ang buhok nya. 'Pero bakit di moko nakikita? Kalimutan mo na si Cali pwede ba! Di kana mahal non!'

'You're drunk Julia.' malamig kong sabi.

'Ako yung nandito Jax! Pero wala ka nang ibang tiningnan kundi si Cali lang!'

----

Fetishजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें