C H A P T E R 65

477 7 0
                                    

CALIXTA'S POV

Nakabalik na kami sa apartment at nag papahinga lang kami sa sala.

Nakahiga ako at nakaunan sa lap ni Jax at si mommy naman ako nakaupo sa kabilang upuan.

'Jax, maraming salamat at dinala mo kami dito' sabi ni mommy.

'Wala po yun Tita' sagot niya.

'Masakit ba ulo mo baby?' tanong nya saakin at hinahimas ang aking ulo.

Umiling ako. 'Medyo pagod lang. Matutulog muna ako' sabi ko at tumango siya.

'Sige matulog ka muna' at hinilot hilot niya ang aking sentido.

Nakatulog ako sa pag mesahe na ginagawa ni Jax.

---

Naalimpungatan ako at nagising na nasa kwarto na ni Jax pero wala siya.

'Jax?' pag tawag ko.

'Jax?'

Pumasok si mommy sa kwarto 'Nako anak umalis si Jax may biglaan daw silang meeting.'

'Ah ganun po ba anong oras daw po sya uuwi?'

'Hindi nag sabi eh, i-text mo nalang sya at itanong mo'

Tumango ako.

'Nakaayos na din pala ang gamit natin sa pag uwi natin bukas, ako na din nag ayos ng sayo.'

'Thanks mom'

Kinuha ko ang aking cellphone at tinext si Jax.

'Ano oras ka uuwi?'

Sent √

*toot* 

1 message receive.

(Open)

'Mga 7 pa baby, madaming sinasabi yung prof. namin eh.'

Antagal naman.

3 pm palang apat na oras ko pa sya iintayin, gusto ko sana sya makasama kasi uuwi na kami bukas, kung pwede lang mag paiwan ako dito kaso lang may aasikasuhin na ko para sa graduation.

Eh kung puntahan ko nalang kaya sya sa school nila.

Nag bihis ako at nag ayos ng kaunti.

'Mom, lalabas lang po ako saglit' paalam ko.

'Teka anak--

Dire-diretso akong lumabas at pumara ng Taxi.

'San po tayo ma'am?'

May kantadaan na ang driver.

'Uhmm.. Sa Meds University po.' sabi ko.

Sumilip muna siya saakin at ni-lock ang pinto.

Nag simula na siyang mag maneho. 'Okay Ma'am'

Hindi ko masyadong kabisado ang daan nang pumunta kami ni Jax sa school nila, kaya tahimik lang ako at walang imik pero ang driver ay kanina pang lingon ng lingon saakin.

Halos mag iisang oras na ang biyahe at parang paikot ikot lang kami.

Samantalang 15 mins. lang ang naging biyahe namin ni Jax non.

Parang kinakabahan na ako, dapat siguro di nalang ako umalis.

Biglang tumigil ang Taxi. 'Ma'am dito na po tayo'

Tumingin ako sa paligid. 'Teka manong parang di naman dito yun eh.'

'Dito ho iyon, mag tanong tanong nalang kayo diyan. 650 ho ang bayad'

Nagulat ako sa kaniyang sinisingil saakin.

Pero di nalang ako umimik at binigay ko nalang ang pera.

Bumaba na ako at para akong sa kanto, maraming nag iinom at mga nag yoyosi na mga matatanda pati mga binata ay mayroon din.

Nagulat ako ng biglang may mag suntukan at napalakad ako ng mabilis palayo.

Kinapa ko ang aking cellphone saking bulsa.

'Bullshit!' bulong ko nang maalala ko na naipatong ko ang aking cellphone sa may drawer ni Jax.

Pano na 'to?

Nilakasan ko ang aking loob at nag tanong sa lalaking dumaan saaking harap.

'Uh.. Kuya excuse po, may itatanong lang po ako. Saan po ang sakayan papuntang Meds University?'

'Aba ang ganda naman ni Ate' naamoy ko ang kanyang hininga na amoy sigarilyo.

Napaatras ako.

'Hahahaha! Wag ka matakot saakin, ano kamo? Meds university?'

Tumango ako.

'Hahaha pano yan miss di ko alam eh!'

Napalunok ako. 'Asige po salamat'

Aalis na ako pero hinawakan niya ko sa kamay 'Pero alam ko kung saan may mga motel dito, sama ka sakin?' at ngumisi siya.

Hinila ko ang aking kamay. 'BASTOS!!' sigaw ko sakanya at dali daling tumakbo.

Dapat pala ay hindi na ko umalis. 

Patuloy lamang ako sa pag takbo at naluluha na ako dahil sa takot.

Habang tumatakbo ako ay may mga nalalampasan akong lalaki at kung ano ano ang mga sinasabi nila na mas lalong nag bibigay ng takot saakin.

'Aba ang kinis ni ate'

'Mukhang masarap ikama'

'Hahaha oo nga pre!'

'Wawasakin ko yan!'

'Whoo ate wag ka tumakbo!'

Naiiyak na ako at wala akong mahingan ng tulong.

Jax..

Asan kaba..

---

FetishWhere stories live. Discover now