iniiwasan kong gumawa ng kahit na anong ingay hangga't maaari.. mahirap na dahil marami ang pwedeng makahuli saakin sa bahay na ito, marami kaming kasambahay, maraming gwardya inshort marami akong bantay -_________-

dahan dahan akong naglakad sa kusina, balak ko kasing magdaan doon sa likurang gate dahil alam kong bihira na lang binubuksan yun kaya malamang sa malamang walang gwardya ang tiyak na nakabantay roon at sakto pa dahil may susi ako ng kandado noong gate na iyon.

*shinggggggggggggk*

thank God! nakalabas ako ng maayos at tahimik sa aming bahay ng walang nakakahuli saakin, ngayon ang problema ko na lang ay kung paano ako makakalabas at makakatakas ng village na ito ng hindi nalalaman na isa akong Pangilinan..

***

naglakad ako mula sa bahay namin hanggang sa main gate ng Pangilinan Village. habang naglalakad ako eh nag-iisip ako ng paraan kung paano ko maiisahan yung gwardya nung main gate para nga makalabas ako..

buti na lang talaga walang mga nagpapatrolya sa streets na dinaanan ko..

hindi ko nga alam kung aakyat ba ako sa pader na bakod ng village tapos tatalon ako pababa para makalabas, or kung aakyat ako sa puno tapos tutulay sa pader tapos saka tatalon pakabila.. waaahh! hindi ko na alam! basta ang kailangan ko lang naman eh makalabas dito ng ligtas at walang nakakakilala sa akin..

"oyy oyy miss, saan ka pupunta?!" tanong saakin nung gwardya na nakabantay sa main gate ng village namin noong dirediretso sana akong papalabas..

"hoy miss, sino ka kako?!"

hindi ko siya pinapansin. nakayuko kasi ako eh.. habang nakasuot yung hood ng jacket ko sa ulunan ko. dire diretso lang akong naglalakad.. hanggang sa siya na mismo yung lumapit saakin at bigla niyang hinawakan yung kaliwang braso ko..

dahan dahan kong itinaas ang ulo ko sabay sigaw ng "RAWR!" sabay tanggal sa ulunan ko nung hood ng jacket ko

"ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!!!!!!!" natakot si manong guard! sino ba naman ang hindi matatakot eh halos paliguan ko na ng foundation at pulbos yung mukha ko saka ako naglagay ng lipstick para magmukhang dugo at mas nakakatakot yung itsura ko..

kaya naman noong nagtatakbo si manong guard eh agad agad akong tumakbo kung saan ko sandaling ibinaba yung mga bag ko tapos nagtatakbo palabas ng village..

sakto dahil may napara agad akong taxi sa may kalsada.

"ahhhhhhhhhh!" napasigaw si manong noong nasilayan niya yung itsura ng mukha ko na kasalukuyan kong pinupunasan para matanggal at maging maayos ulit yung itsura ko..

akmang isasara na niya yung bintana ng taxi niya ng harangan ko ito..

"oyy manong teka sandali naman.. tao ako, tao ako.. wag kang matakot make-up lang to oh.. manong naman ehh.." sabay pakita ko nung bimpo ko na punong puno ng lipstick at pulbos..

"sus, tinakot mo ako miss.. dali sakay na nga.."

agad akong nagpahatid kay manong driver sa malapit na 7-eleven dahil balak ko munang doon magpalipas ng oras hanggang sa magliwanag para sana bumyahe patungong probinsya tapos maghahanap ako ng matutuluyan na apartment o boarding house roon..

nag-ipad lang ako habang nagpapalipas ng oras dun sa 7-eleven, tapos every 30 minutes bumibili ako para hindi naman nakakahiya yung pagtambay ko dun?!

bumibili ako kada 30 mins ng isang polvoron na nagkakahalaga ng 8 pesos. hahaha atlis bumibili ako di ba?! hindi yung tumatambay lang ng wala lang?! 8 pesos din yun noh! saka imagine every 30 minutes?! ilang polvoron din yun. hahahaha

My Personal "BODY" Guard by spunchbobWhere stories live. Discover now