Chapter 60 : Ending - Beginning ( Part 2 )

Start from the beginning
                                    

"Jake..."

Tinaggal niya ang kamay ko at tumayo siya.

"Ano bang dinadrama-drama ko? Yun naman talaga ang totoo eh diba?" tanong niya sa akin na parang hindi siya makapaniwala. "Simula pa lang nung una alam ko nang hindi mo siya kayang kalimutan. Oo nga't hiningi mo ang tulong ko na kalimutan siya, pero, ako lang talaga 'tong umaasa sa loob ng isang buwan na mawawala siya dyan sa isip mo at ako ang papalit." pagpapaliwanag niya habang paikot-ikot siya sa kwarto ko.

"Jake naman. Wag mo ngang isipin yan." pang-aalo ko sa kanya.

"Kahit naman sabihin mo yan, hindi ko mapipigilan ang sarili ko eh. Saksi ako sa nangyari sa inyo. Alam kong mahal na mahal mo siya. Hindi mo siya malilimutan kahit na ano pa ang gawin ko."

"Tama na yan. Wag mong sabihin yan."

"Hindi, Allen. Tama na rin siguro 'to. Itigil na natin 'to. Tanggap ko noon na siya ang pinili mo. Tanggap ko rin ngayon na siya pa rin ang pipiliin mo." bigla niyang sabi.

Napayuko na lang ako sa narinig ko dahil na-guilty ako.

Mahal ko pa nga si Karl. Tama siya, kung papipiliin man ako sa kanilang dalawa, walang kakurap-kurap kong masasabi ang pangalan ni Karl.

Bigla ulit siyang lumuhod sa harap ko at hinawakan ang kamay ko. Seryoso siyang tumingin sa akin at hinalikan ang kamay ko.

"Hindi mo man sabihin sa akin, alam kong si Karl lang ang laman ng isip mo." sabi niya tapos ay binitawan niya ang kamay ko at umupo siya sa tabi ko. "Sa tuwing lalabas tayo, tahimik ka. Pag madadaan tayo sa isang lugar na alam kong may memories niyong dalawa, parang gusto mong umiyak. Pag magkausap tayo, parang may iniiwasan ka. Pag nagkikita tayo, hindi mo ako matignan sa mata. Allen, masakit para sa akin yun, alam mo ba? Pero natutunan kong tanggapin yun dahil sa mahal kita at naisip kong nagkaroon ako ng chance na mapasaakin ka kahit na papaano. So, in a sense, masaya ako. Yun nga lang, wala akong panama sa ex mo dahil siya pa rin ang pinili mo." nakatingin ako sa kanya habang nagsasalita siya at napansin ko na nakangiti siya kahit na malungkot yung mga pinagsasasabi niya.

Martir si Jake. Nagawa niya yun para sa akin. Alam ko naman na gagawin niya lahat para sa akin eh. Alam kong mahal niya ako. Pero ako lang talaga 'tong hindi marunong mag-reciprocate ng feelings.

"Jake, I'm s--"

"Wag mo nang ituloy yan." pagpapatigil niya sa akin. "Ipapamukha mo lang sa akin na hindi ako karapat-dapat sa'yo eh. Mas masakit yun, alam mo ba? Hayaan na lang natin na ganito ang nangyari." sabi pa niya tapos ay dahan-dahan siyang tumayo. Tumukod pa nga siya sa tuhod ko na para bang hinang-hina siya eh.

"I love you, Jake."

"Ha-ha-ha. Katawa." nakatalikod niyang sabi sa akin. "Dati gusto kong marinig sa'yo yan, ngayon parang gusto kong umiyak at iuntog ang ulo ko sa pader."

"Bestfriend pa rin naman kita diba?" tanong ko sa kanya. Tumayo na rin ako sa kama kasi parang tumitigas na rin yun dahil sa mga nangyayari ngayon. Nangangalay na pwet ko.

"Hindi ko alam. Sa sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon, sa tingin mo ba magagawa ko pang makipagkaibigan sa'yo? Siguro in time, oo, pero hindi mangyayari yun ngayon." sabi pa niya.

Hindi ko maiwasang maluha dahil naisip ko ang pagkakaibigan namin. It may not have been the coolest or the greatest but it was sure fun being around him.

"Sor--"

"Sinabi nang wag mong sabihin yan eh! Ayoko ng pampalubag-loob. Mahal kita, Allen. Pero kung sa kanya ka talaga sasaya, handa akong pakawalan ka."

Hindi na lang ako nagsalita dahil alam kong 'sorry' lang naman ang lalabas sa bibig ko. Hinawakan ko na lang ang kamay niya at niyakap ko siya ng mahigpit. Sa ganitong paraan, maipaparamdam ko na nagso-sorry talaga ako sa nangyari sa amin. At the same time, ay makakapagpasalamat din ako sa lahat ng ginawa niya para sa akin.

So Into You (BxB)Where stories live. Discover now