Chapter 60 : Ending - Beginning ( Part 1 )

15K 295 97
                                    

Isang part lang dapat 'to pero hindi kinaya ng powers ko at hindi pa ako tapos sa kalahati na naglalaman ng totoong finale. Hahahaha. Medyo magulo 'to kasi halo-halong emosyon ang nagsasabay-sabay sa katawan ko habang nagsusulat ako eh. Intindihin niyo na  lang. Alam kong marami na namang magagalit dyan kaya naghahanda na ako. Hahaha. XD

Anyways, ito ang regalo ko sa inyo ngayong birthday ko. Sana ma-enjoy niyo 'to kahit na papaano.

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~

ALLEN'S POV

Ah, 2nd sem na. Natapos ang 1st sem ng ganun-ganun lang. Actually, hindi pala ganun-ganun lang ang nangyari. Sa loob ng mga panahong yun, nagkalabuan kami ni Karl, nagkagulo, naghiwalay, nag-away pero nagkaayos din naman bago matapos ang sem. Masasabi kong masaya ako ngayon sa takbo ng relasyon namin.

No, hindi kami nagkabalikan. Hindi pa. Pero hindi naman malabong mangyari yun diba? Kapag nalusutan niya na yung hinaharap niyang problema, saka ako magdedesisyon. Nagkasundo naman na kami eh.

Kuntento muna kami sa pagiging malapit namin bilang magkaibigan. Pero minsan, hindi namin maiwasan ang ilang mga bagay. Tulad ng alam niyo na. Hehehe. Kiss lang naman. Hindi na kami umaabot sa home base kasi ako na mismo ang tumitigil pag ganun.

"Dinumog ka na naman?" tanong ko sa kanya kasi nakita ko siyang humihingal na nakasandal sa pader na katabi ng pinto.

"Oo, umiwas na nga ako eh. Ang alam ko, walang taong dumadaan dun. Nagulat na lang ako, para silang mga paparazzi na naka-umpok sa gilid at may dala-dalang mga camera." sagot naman niya tapos ay inilapag niya ang bag niya sa sahig saka siya nagbukas ng isang butones sa polo niya.

Simula nung ma-announce na runner-up siya, pinagkaguluhan na siya ng mga tao. Mas sikat pa nga siya kesa dun sa nanalong taga-BSE eh. Nandyang nagpupunta sila sa labas ng room namin para lang kumaway sa kanya at batiin siya. Nandyan ding may naglalakas loob na pumasok sa CR ng mga lalaki kapag nandun siya sa loob. Meron pa, minsan, sinasalubong siya sa daan tapos biglang ililingkis yung kamay nila sa braso ni Karl. Siguro, kung seloso akong boyfriend, baka nangudngod ko na sila sa lupa. Pero sorry na lang kasi hindi ako seloso, at hindi kami mag-boyfriend. Hahahaha.

"To think na runner-up ka lang ha? Paano kaya kung ikaw ang nanalo diba? Baka naman hanggang sa bahay niyo, dinumog ka na." biro ko habang inilalabas ko yung libro ko mula sa bag. Nalimutan ko kasing gawin yung assignment ko kagabi eh. Ira-rush ko na lang ang pagsagot.

"Wag ka namang ganyan. Baka magdilang-anghel ka." dinig kong sabi niya na mukhang nasa likod ko.

"Sus! Alam mo namang demonyito ako eh." nakangiti kong sabi habang binubuklat ko yung libro at hinahanap yung page ng sasagutan ko. Pagtigil ko sa page na yun, biglang may humawak sa balikat ko. May mainit na hanging dumaan sa tenga ko at...

"Pero para sa akin, ikaw ang angel ng buhay ko." bulong niya.

Whaaaat!? Ang corny niya ha? Ang corny niya! Ang corny niya. Okay! Oo na! Aamin na! KINIKILIG AKO!

Medyo inilayo ko ang ulo ko mula sa kanya tapos ay nag-focus na ulit ako sa paggawa ng assignment.

"Ano yang ginagawa mo?" tanong niya. Hindi pa rin niya inaalis yung pagkakaakbay niya sa akin kahit na kinakabig ko na yung balikat ko para alisin niya yung kamay niya.

"Assignment ko. Nalimutan kong gawin kagabi eh." sagot ko naman. Binasa ko yung unang tanong pero hindi ko maintindihan kasi masyado siyang malapit. Gusto ko siyang itulak palayo kaso baka naman magtampo 'to bigla.

So Into You (BxB)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin