Chapter 42 : Engagement - Faith

17.4K 328 38
                                    

AY SHET! Pasensya na sa 48 years niyong paghihintay! Masyado kasi akong naging abala sa emosyon ko. At saka nagni-ninja mode ako pag nandito yung mga pinsan ko! (Hindi kasi nila alam na nagsusulat ako, bukod sa isa, ng BOYXBOY na genre. Hahaha!)

Medyo hinabaan ko na 'to para naman makabawi ako sa matagal kong pagkahimlay mula sa paggawa ng mga story! :)))

And BALITA: Mawawala po muna ako for the whole month (30 days, so isang buwan pa din yun! Hahaha.). May gagawin lang po akong importante. Sana po ay maintindihan ninyo. SALAMAT!

Paabutin natin ang reads nito ng 100K ha? Matutuwa ako pag nangyari yun! :))

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~

KARL VINCENT'S POV

Hay, Linggo na naman. Isang araw ko na namang hindi makikita ang 'Baby' ko. Kumusta kaya ngayon yun? Panigurado tulog pa yun. Nagpakapuyat kasi kagabi eh.

*FLASHBACK*

"Buti wala si Ma'am 'no? Napaaga ang uwi natin!" masayang sabi ni Jason na kinakalkal na naman ang lalagyanan ko ng mga PS3 games.

"Par, may bagong episode na ba One Piece?" tanong naman sa akin ni Jomar.

"Hindi ko alam eh. Hindi ko pa nakikita." sagot ko naman sa kanya habang binubuksan ko ang PC ko.

Binulungan kasi ako ni Allen kanina na pagdating namin dito ay buksan ko daw agad yung PC para matignan niya yung ginawa niyang bahay sa The Sims 3. Chineck ko yun kagabi at natawa ako! Napaka-unrealistic gumawa ng bahay ng taong 'to.

Nung ma-open ko na ay agad na umupo sa swivel chair si Allen at humarap na sa computer.

Hinayaan ko na lang muna siya dahil alam kong hindi ko siya makakausap ng maayos.

Pumunta muna ako sa closet ko at nagpalit ng damit. Nung balikan ko sila ay nakakumpol na silang tatlo sa harap ng PC ko.

"Anong meron dyan?" tanong ko sa kanila habang palapit ako.

"May nakitang anime si Allen, mukhang maganda. Ano ulit title?" tanong ni Jomar kay Allen.

"Shingeki no Kyojin." sagot naman ni Allen, at sakto pagkasabi niya nun ay nakita ko ang isang higante na nakadungaw sa mataas na pader.

Actually, alam ko na yan. 'Attack on Titans' ang title niya sa English. Nakita ko sa wall post ng mga kaibigan ko sa FB kaya tinignan ko rin. Nagandahan ako kaya pinanuod ko. Bitin nga sa anime eh. Sana ituloy na nila yun. Ang haba pa nun sa manga eh.

"Panuorin natin?" pag-aya ko sa kanila.

Sabay-sabay silang lumingon sa akin at tumango.

Kinuha ko yung flash drive ko sa cabinet ng computer table ko at isinaksak ko iyon sa USB port ng TV ko.

Nagsi-upuan naman sila sa may kama at sinusubaybayan ang bawat galaw ko.

"Actually, matagal ko na 'tong pinanuod. At ang ganda talaga! Maa-adik din kayo pag pinanuod niyo 'to." pagmamayabang ko sa kanila habang hinahanap ko yung folder nung sa mga anime.

Nung makita ko na ay agad kong pinlay ang episode 1 at tumabi ako kay Jomar. Gusto ko sanang tumabi kay Allen, kaya lang pinapagitnaan siya nung dalawa eh. Tch.

"Fast forward mo nga! Tapos na kami dyan eh." utos ni Allen kaya ginawa ko naman.

Natatawa ako pag nakikita ko kung paano sila manuod. Napaka-seryoso! Napapa-igtad pa si Allen pag nakikita niyang napipisat yung mga tao o kaya kinakain ng mga Titans.

So Into You (BxB)Where stories live. Discover now