Chapter 59 : Pageant - Clear

14.8K 294 70
                                    

ALLEN'S POV

Sa wakas! Tapos na kami sa midterms! Nabawasan na rin kami ng alalahanin dahil nakapag-defend na kami sa 2 thesis! Surprisingly, maayos kaming nakapag-present kahit na hiwa-hiwalay kaming gumawa nun. Nabigyan pa kami ng credit kasi nalaman ng panel na kanya-kanya kaming gawa ng apat na thesis, they're looking forward daw sa 2 pa naming thesis.

At bilang nabawasan na ako ng sakit sa ulo, naisipan kong maupo sa isang gazebo para makapag-relax. Magte-text sana ako kay Diane kaso may nahagip ang paningin ko.

May mga idinidikit na maliliit na tarpaulin sa may catwalk. Bilang nasa gilid ng daan ang mga gazebo, tanging likod nung tarpaulin ang nakikita ko. May mga napapatingin dun at biglang titili o kaya'y kukuha ng picture. Ah, alam ko na! Siguro yan na yung promotional tarpaulin nung mga kasali sa pageant! Diba sabi ni Jake sasali siya dito? Makita nga itsura nun kapag nasa tarpaulin na ang pagmumukha niya.

Tumayo ulit ako at kinuha ang bag ko. Inilabas ko agad ang phone ko para mabilis kong makunan ng picture ang itsura niya.

Palapit na ako sa pinakamalapit na tarpaulin pero natigilan ako dahil parang may tumawag ng atensyon ko. Napatingin ako sa lalaking nagkakabit nung mga promotional tarpaulins at napatulala sa kanya.

"P're! Pwedeng paabot?" bigla niyang sabi kaya natauhan ako.

Napatingin ako sa sahig at nakita ko ang alambre. Yun ata yung pinapaabot niya eh. Kinuha ko agad yun at iniabot sa kanya.

"Peste! Kinulang pa sa alambre oh! P're pwedeng pasuyo? Pahawak muna ako nito saglit. Kukuha lang ako ng alambre, kinulang ako eh." pakiusap niya. Nakpucha! Ano ba ako? Errand boy?

Tatanggi sana ako kaso nakita kong pinagpipiyestahan na nung mga babae yung tarpaulin. Si Kuya naman, hindi magkamayaw sa pag-protekta dun sa tarpaulin para hindi mahila nung mga die-hard fans.

"Sige ako nang bahala dyan." sabi ko.

Nirolyo niya yung tarp at iniabot ito sa akin. Hinawakan ko naman ng mabuti yun dahil ang sama ng mga titig na ibinabato nung mga babae sa akin.

"Paki-ingatan mo yan ha? Balita ko, siya ang pinakamalakas sa mga sasali eh. Pag nanalo yan, panalo ako sa pustahan namin ng girlfriend ko." sabi ni Kuya tapos ay umalis na.

Grabe! Pinagpustahan pa pati 'tong contest? Kapos ba si Kuya sa pera?

Pabalik na sana ako sa pwesto ko nang tawagin ng isang babae ang pansin ko.

"Kuya! Pakibuklat naman yan! Pi-picture-an ko lang" sabi nung isang babae. Ngiting-ngiti, nakalabas pa yung phone na para bang isa siyang paparazzi.

"Hindi pwede! Kung paano 'to binigay sa akin, ganun din dapat 'tong madatnan sa akin!" singhal ko naman sa kanya.

"Hindi naman iyo yan ah?" sabi naman niya sa akin na salubong ang kilay. Kung hindi lang talaga ako rumerespeto ng mga babae, baka nasampal ko na sa kanya 'tong kinakikiligan niyang tarp.

"Bakit, sa'yo ba 'to? Ikaw nagpa-print nito? Ikaw gumastos? Ikaw ba yung nandito sa tarp?" sunod-sunod kong tanong sa kanya with matching pagtaas pa ng kilay.

Nagbungisngisan ang iba sa paligid niya pero tinitigan niya lang ako ng masama.

"Bakla ka siguro. Kinukuha mo yung tarp na yan, eh lalaki nandyan." sabi niya at biglang gumatong ang mga bubuyog sa paligid namin.

Napatingin ako sa paligid at tinitigan sila isa-isa. Lakas maka-bully ng mga hinayupak na 'to.

"Oh eh ano naman kung bakla ako? At least ako, kahit ganito, hindi ako kasing haliparot na tulad mo. Kaya kong kontrolin ang sarili ko sa harap ng maraming tao. Eh ikaw? Tarp pa lang, halos tumulo na lahat ng fluids sa katawan mo. Kung ayaw mong lalo pang mapahiya sa mga tao, umalis ka na dito. Hinding-hindi mo 'to makukuha sa akin. Magpakamatay ka man dyan, wala kang mapapala." sabi ko sa kanya tapos ay tinalikuran ko siya.

So Into You (BxB)Where stories live. Discover now