Chapter 20 : Apologize - Fulfill

17.6K 354 34
                                    

ALLEN'S POV

Lagpas isang buwan na mula nung awayin kami ni Karl, actually, malapit na ngang mag-bakasyon eh, pero ako na lang ang hindi niya pinagkakakausap ng masyado. Si Jason kasi, nag-usap na sila nun after lang ng isang linggo. Ako, araw-araw na akong nagso-sorry, kahit wala naman akong matandaan na pagkakasala ko sa kanya, ay hindi pa rin niya pinapansin masyado. Minsan nga gusto ko na siyang suntukin sa pagiging sobrang childish niya eh, I mean, pwede naman niya akong kausapin para malaman ko problema niya diba? Bakit hindi niya magawa? Ako na nga 'tong nagri-reach out, ako pa na-i-itsepwera!

"Kaaarl! Sorry na!" kahit wala naman akong kasalanan!

"Bitawan mo nga ako!" sinigawan niya ako!?

Oh edi bitawan! Ang arte!

"Sorry na kasi eh. Sorry na kung may nagawa man akong kasalanan, kahit wala naman akong matandaan na may nagawa nga ako." sabi ko. Nandito na kami sa hallway, papunta na kami ng 2nd subject namin.

Medyo pinagtitinginan kami ng ibang schoolmates namin pero, THE HELL I CARE?! Nagso-sorry ako sa kaibigan ko at mas mahalaga yun kesa kahihiyang gusto nilang i-imply sa titig nila!

"Karl! Please! Sorry na kasi!" pagmamaktol ko habang nililingkis ko ulit yung kamay ko sa braso niya. Pero pinigilan niya yung kamay ko at tinulak ako ng bahagya.

Nasaan ba sina Jomar at Jason pag kailangan mo sila? Kailangan ko ng tulong dito oh!?

"Allen!" si Jake 'to, promise!

Bago ako lumingon ay nakita kong nauna nang lumingon si Karl. Magkasalubong na naman kilay niya.

"Allen-baby!" sigaw pa ni Jake.

Naku! Sigaw siya ng sigaw sa harap ng maraming tao ng ganyan, mamaya isipin nilang may relasyon kami!

Lalapitan ko sana si Jake kaso may pumigil naman sa braso ko.

"Karl?" tanong ko sa kanya. Bakit niya ako pinipigilan? Papatawarin na ba niya ako?

"Tuparin mo yung pinangako mo ha?" mahina pero seryoso niyang sabi.

Huh? Pinangako ko? Ano yung pinangako ko? Parang wala naman akong matandaan!

Bigla na lang niya akong binitawan tapos ay lumingon siya kay Jake.

"Pare!" nakakabigla niyang sabi tapos ngumiti pa siya at bahagyang kumaway. Wow! Ano yun?! Si Karl ba yun?

Nakita ko namang napangiti si Jake na para bang kinakabahan at nagdududa at the same time. Kahit naman ako magdududa eh. Nakakagulat kaya yung attitude change niya!

Lumapit na lang si Jake sa amin, kasi na-stun talaga ako sa attitude ni Karl eh. PARAMIS! Nakakabigla talaga!

"Problema nyan? Parang may binabalak ah?" bulong sa akin ni Jake at nagulat ako ng bigla siyang umaray kasabay ng malakas na tunog.

Nakangiwing umaray si Jake at parang inabot yung parteng hinampas. Hinampas siya ni Karl sa likod!

"Ay, sorry, napalakas! Wala akong binabalak!" nakangiting sabi ni Karl na para bang pilit na pilit, ang awkward kasi nung ngiti!

"Jakey, mamaya na lang tayo mag-usap okay? Si Karl muna pagtutuunan ko ng pansin, magkagalit kami eh." bulong ko kay Jake.

Nag-pout siya na parang tanga! Hindi kaya bagay sa kanya!

"Oh, yung reward ko?" bigla niyang tanong. Naalala niya pa yun?

Sinulyapan ko si Karl at nakita kong nakangiti pa rin siya. Sumenyas ako na sasaglit lang ako at tumango naman siya.

So Into You (BxB)Where stories live. Discover now