Chapter 43 : Diminish - Another

15.7K 274 24
                                    


Galit ba kayo? Ikuda niyo yan sa cute na fan art sa multimedia section! :)))

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~

ALLEN'S POV

"Bakit ka nandito? Hindi naman dito ang building niyo ha?" gulat na gulat kong naitanong nang sumambulat sa amin ng mga kaibigan ko ang isang dilag.

"Bakit naman ang tagal niyo, hon? Kanina pa kaya ako nandito." naka-pout niyang sabi tapos ay dumekwatro siya sa kinauupuan niya. Actually, upuan ko yun. Ewan ko kung paano niya iyon nalaman.

"Allen! Girlfriend mo yan? Wow! Angas mo naman! Pahingi naman ng konting karisma dyan! Tangna! Kami 'tong tunay na lalaki, kami pa ang walang syota." biglang singit naman ng isa sa mga kaklase ko.

Naramdaman ko yung tensyon sa likod ko kaya nilingon ko sila at nginitian.

"Hayaan niyo na. Wala na tayong magagawa sa kagwapuhan ko eh." pabiro kong sabi sa kanila kaya nangiti sila, lalo na SIYA.

Nilingon ko uli si RR at inakbayan siya.

"R, mamaya na lang tayo mag-usap pwede? May klase pa kasi kami eh. Magkita na lang tayo sa field mamaya? May sasabihin din kasi ako sa'yo eh." seryoso kong sabi sa kanya pero hindi naman yung sa tonong galit ako.

Tumayo naman siya at tumango. Nilapitan niya ako at hinalikan sa pisngi saka siya lumabas.

Nung mawala na sa paningin namin si RR ay agad kaming umupo na apat.

Napasandal agad ako ng ulo at napatulala sa kisame.

Hay, buhay. Bakit ba kailangang habulin pa ako ng babaeng yun? High school pa lang, nililigawan na niya ako. Hindi ba niya talaga alam yung salitang 'SUKO'?

"Ano yung sasabihin mo sa kanya? Nakaka-curious eh." biglang tanong sa akin ni Karl, yung pabulong lang.

"Wag mo nang alamin, basta surprise yun." sagot ko naman sa kanya tapos kinaltukan ko yung noo niya para ilayo niya yung mukha niya sa mukha ko. Masyado kaming malapit sa isa't-isa eh.

Napatakip siya ng noo at nag-pout. Nung makita ko yun ay umayos ako ng upo at napangiti. Minsan talaga napaka-childish ng boyfriend ko. Pero in a cute way naman! Hahaha.

Nagulat ako ng bigla niyang hawakan yung kamay ko at pinaglingkis ang mga iyon.

Gusto kong kumawala mula sa hawak niya kaso lalo lang humigpit iyon dahil talagang pinaglapat-lapat na niya yung mga daliri namin. As in, holding hands na talaga ito!

"Karl!" pasigaw na bulong na babala ko sa kanya.

Nginitian niya lang ako tapos ay inilapit niya ulit yung mukha niya sa akin.

"Eh kasi gusto ko sanang pumasok tayo ng room kanina na naka-holding hands, umepal lang 'tong si Jason." bulong niya sa akin kaya naramdaman kong uminit yung pisngi ko.

*FLASHBACK*

Hay, hay, hay! Nakarating na rin ng school sa wakas!

"Babe, holding hands tayo hanggang sa room?" masayang pag-offer nito ni Karl sa akin.

Though masaya ako sa sinabi niya, hindi naman nawala yung pangamba ko.

"Eh paano kung may makakita sa atin?" tanong ko sa kanya.

"Eh ano naman? Iisipin lang naman nila na magka-holding hands yung dalawang magkaibigan eh. Besides, hindi kita nahawakan buong magdamag! Palagi mong pinapalo yung kamay ko pag pumupulupot sa baywang mo. Nakakatampo ka." naka-pout niyang sasbi na parang bata.

So Into You (BxB)Where stories live. Discover now