Chapter 10 : Sorry - Peace

23K 487 30
                                    

AT DAHIL LAGPAS NA SA 500 READS ANG "SO INTO YOU" INIHAHANDOG KO SA INYO ANG CHAPTER 10! Kalma-kalma daw sabi ni Allen oh?! Hahaha. Medyo natagalan ang pag-upload kasi may pumasok na idea sa utak ko kaya ginawa ko siyang bagong story. But I won't be posting that thing until I get a concrete plot for it. For the mean time, enjoyin muna natin ang boring na chapter na ito. Hahaha. :)))

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

ALLEN'S POV

Almost a week na mula nung suntukin ni Koopa si Jake. At hanggang ngayon ay hindi pa siya humihingi ng sorry tungkol sa issue na yun.

Wala akong paki kung may pinagdadaanan siya, ang punto ko lang, bakit niya pa kelangang saktan si Jake?

"Okay, class. Today we will be having a paired up work. Kelangan ng dalawang tao sa experiment na 'to, okay? So, I'm expecting everyone of you to help each other." nakangiting sabi ng prof namin.

"Kayo po ba ang pipili ng partners namin?" tanong ni Alice, ang Over-Achiever ng klase namin.

"Oo, pero bilang wala pa kayong class president at wala pang seat plan sakin at hindi ko pa kayo kilala lahat, napagpasiyahan kong i-partner kayo sa katabi niyo." pagpapaliwanag pa ng prof namin.

Okay, that sucks! Galit ako sa katabi ko tapos magiging mag-partner kami? Sana lang may matapos kami nito.

KARL VINCENT'S POV

Ayos! Buti na lang at kami ang magka-partner! Kukunin ko na ang opportunity na ito para mag-sorry sa kanya.

Tinawag ko ng mahina yung pangalan niya pero hindi niya ako nilingon. Kinuha niya pa nga yung cellphone niya at may tinext.

Sinubukan ko ulit siyang tawagin pero tumayo naman siya at lumapit sa prof namin. Mukhang may tinatanong siya.

Nung bumalik naman siya sa upuan namin ay binalak ko ulit siyang kausapin, pero bago pa may lumabas na boses sa bibig ko ay nakangiti niyang tinignan yung cellphone niya at parang nag-reply.

Ngayon ko lang napansin yung ngiti niya. Napaka-radiant, yung tipong maka-captivate ka, matutulala at mapapangiti na rin? Sino ba kausap niya't ganyan siya makangiti?

Napansin kong nilapag niya yung cellphone niya sa table tapos lumapit siya kina Jomar kasi tinawag siya nito.

Ano ba? Bakit parang ayaw magpa-kausap nitong si Allen? Sa tuwing kakausapin ko siya, may ginagawa siya. Pag hindi ko naman siya nakausap ngayon, baka lalo pang madagdagan yung galit niya.

*Bzzt, bzzt, bzzt*

Papansin naman 'tong cellphone na to! Sa sobrang inis ko ay dinampot ko ang cellphone ni Allen at tinignan kung sino ang nagtext. Nang makita ko kung sino nga iyon ay nadagdagan ang inis ko.

Si Jake! Si Jake yung katext niya.

Sa hindi sinasadyang pagkilos ng daliri ko ay napindot ko ang 'Read' at bumukas ang message.

|I love you, Baby! :* :))))| sabi sa text.

Tang! Ano bang pinag-uusapan nila at may pa-I-la-I-love you pa 'tong si Jake? Nakakairita na 'to ah?

"Hoy! Akin na nga yang cellphone ko! Pakielamero ka ha?" galit na hinablot ni Allen yung cellphone niya mula sa kamay ko.

Tatanungin ko sana siya kung ano talagang meron sa kanila ni Jake pero pumunta siya sa prof namin at mukhang nagpaalam tapos ay lumabas siya nang padabog.

Lumapit din ako sa prof namin at nagpaalam na magba-banyo lang. Pumayag naman siya kaya tumakbo ako palabas at sinundan si Allen.

Wala siya sa CR. Wala din siya sa Faculty Room. Where the hell is he? Kailangan niyang magpaliwanag sakin!

So Into You (BxB)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum