Chapter 35 : Party - Together

20.6K 385 79
                                    

ANOOOO!? LAGPAS ISANG LINGGO AKONG HINDI NAKAPAG-UPLOAD!?

Dahil kasi yun sa napakaraming kaganapan sa buhay ko nitong nakaraang linggo. Ewan ko ba kung bakit in-demand ako sa mga gatherings ngayon. Pero, anyways, sorry kung natagalan ha? Busy nga kasi sa personal craps.

Pero, whatevs, nandito na yung latest chapter para inyong basahin.

Babala lang ha? Dahil nga busy, medyo magulo ito. Nababaliw na kasi ako eh. Hehehe.

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

ALLEN'S POV

*FLASHBACK*

/ Allen, punta ka sa after grad party ko mamaya ha? Text ko sa'yo kung saan. /

/ Ha? Mamaya na agad? Wala man lang pasubali? /

/ After grad party nga eh. Natural, pagkatapos ng graduation yun gaganapin. Duh! /

/ Leche, MJ. Baka hindi ako pwede eh. May gagawin pa ako dito sa bahay. /

/ Allen naman! Minsan lang grumaduate kaibigan mo, ganyan ka pa? Sige ka, pag grumaduate ka tapos nagpa-party ka, hindi rin ako pupunta! /

/ As if namang malaki kang kawalan sa party ko, if ever. /

/ Ouch ha? Sige na kasi! Pumunta ka na! /

/ Hindi nga pwede! Mabuti kung marami akong kakilala dun eh. Kilala ko lang naman dun, sina Diegz pati yung mga kaklase mo eh. /

/ Hindi naman malaking party yun eh. Sila lang din naman makikita mo dun. Sige na, Allen! Please? Kung gusto mo, isama mo yung boyfriend mo. /

/ Walang binoyfriend, MJ! Sus! /

/ Tayo lang dalawa ang magkausap dito. Umayos ka! So, ano? Isasama mo ba siya? Sasama ka na ba? Pag hindi ka sumama, ibubulgar ko sa after grad party na kayo na nung kaibigan mo. Better think quick, Allen. I'm impatient. /

/ Kups! Oo na! Oo na! Pag sinabi mo yun sa lahat ng tao, papatayin kita. /

/ Yes! Sige, antayin ko kayo ng boyfriend mo ha? /

/ Hindi ko nga siya boyfriend. Ina ka! /

/ Oh edi hindi! Basta, isama mo na din siya para masaya. /

/ Oo na! Pero ita-try ko lang ha? Baka hindi pumayag yun eh. Pero umayos ka ha? Baka pag nakita mo siya, ipagduldulan mo sa mukha niya na may gusto ako sa kanya! /

/ Hindi yan, paramis! Akong bahala sa'yo! Gusto ko kasing kiligin eh. /

/ Lul, MJ! Tigilan mo ako ha? Saka anong kinalaman namin sa pagpapakilig sa'yo? /

/ Basta! Yung ginagawa niyo kasi, hindi ginagawa ng boyfriend ko sa akin noon. Nakakakilig kayong tignan dalawa. Ayieh! /

/ MJ ha!? Umayos ka! Hindi na lang ako pupunta kung gaganyanin mo ako. /

/ Ang arte mo, p're! Kung hindi ka pupunta, ipapaalam ko na boyfriend mo si Karl Vincent! /

/ Tang! Oo na! Sige na, tatawagan ko na siya. I-text mo yung lugar ha? /

/ Sige. Ayieh! Parang magde-date na rin sila oh! /

Binaba ko na yung linya bago ako makasagot ng iba pang katarantaduhan.

At dahil mahirap lang ako ay tinext ko lang si Karl na tawagan ako. After 5 minutes ay nagri-ring na yung cellphone ko.

/ Oh bakit? Pasensya ka na, ngayon ko lang nabasa text mo. Naligo kasi ako eh. /

So Into You (BxB)Where stories live. Discover now