🐚EPILOGUE🐬

478 18 2
                                    

THIRD PERSON'S POV

Nagdiwang ang buong kaharian ng Sraildehia Sirenians dahil sa natalo na ang mga kalaban. At ang pagkakasilang ng bagong anak ng nakatataas na hari at reyna. Nagkaroon ng salo salo sa palasyo at imbitado ang lahat. Pati na ang ibang kaharian.

Magarbo ang paghahandang ito dahil imbitado rin ang kanilang mahal na dyosa. Ang siyang tumulong sa kanila.

Masaya ang lahat sa piging. May nagsasayawan at nagkakantahan.

Sa gitna ng piging ay tinanong ng kanilang ama si Sarahdlia kung ano ang kanilang hihilingin.

"Gusto ko pong magiging kamukha ko si Sarhemdil paglaki niya ama." hiling ni Sarahadifia.

Nagtawanan naman sila dahil sa hiling niyang iyon. Gustong-gusto niya talaga na magiging kamukha niya ang bunsong kapatid.

Nabaling naman ang kanilang atensyon kay Sarahdlia dahil siya na ang susunod na tatanungin.

"Ikaw mahal kong anak na Sarahdlia, ano'ng hihilingin mo anak ko?"

"Ama, nais ko sanang..." pabitin niya.

"Ano iyon mahal kong anak?"

"Nais kong bisitahin ang minamahal ko sa mundo ng mga tao." hiling niya.

"Hindi na kailangan iyon aking mahal na kapatid." sabi ni Sarahadifia at ngumiti.

"Ha? Ano'ng ibig mong sabigin kapatid ko?" naguguluhan na tanong ni Sarahdlia.

"May sorpresa kami sa iyo." ngiting-ngiti na sabi ng kapatid niya.

At biglang tumigil ang tugtog at napalitan ito. Bumukas ang pintuan ng bulwagan at pumasok ang tatlong panauhin na hindi inaasahan.

Si Martha, Kiel, at Yana.

Sila ay mga sirena din. Sapagkat sila ang nawawalang ina at mga kapatid ni Prinsesa Gushiltia ng kaharian ng Ersialnido Lathonia. Sa silangang bahagi.

Nanlalaki ang mga mata at nakaawang ang labi ni Sarahdlia dahil sa nakita.

Ang mga tao (noon) na gustong-gusto niyang makita ay naririto na sa kaniyang harapan. At silang tatlo ay nakangiti ngayon sa kaniya.

Nang makabawi na sa gulat ay agad niya silang niyakap. At humagulhol sa labis na kasiyahan.

"M-mama Martha! Yanyan! At K-kiel..."

"Sarah hija. Nami-miss mo ba ang specialty kong pinakbet? Ipagluluto kita." biro ni Martha o sa totoong pangalan ay Reyna Marthia.

"Hahahaha sige po."

"Wow! Ate Sarah! Ang ganda ng palasyo niyo at ang laki! Hehe." puri naman ni Yanyan o sa totoong pangalan ay Prinsesita Ilyaña.

"Maraming salamat Yanyan."

"Nasaan ba si Potchi Ate?"

"Hoy narito ako Yanyan." tawag ni Potchi.

"Hala Potchi! Bakit ka naging pusit? Waaaah! Namimiss ko ang balahibo mo." at niyakap niya si Potchi.

"Aray! Hindi ako makahinga! Ang higpit ng yakap mo." reklamo ni Potchi.

"Namiss kasi kita eh."

"Para mo na nga akong papatayin eh."

Nagtawanan naman sila sa kakulitan ng dalawa.

Nabaling naman ang tingin ni Sarahdlia kay Kiel (Prinsipe Kiehsno) na kanina pa pala nakatitig sa kaniya.

"Kiel... mahal ko."

Mabilis niya itong hinalikan at tinugon naman iyon ng binata.



~*WAKAS*~

Sarah SirenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon