🐚PROLOGUE🐬

1K 29 2
                                    

"Mahal kong ama! Patawarin niyo po ako sa aking naging kasalanan. Gagawin ko po ang lahat huwag niyo lang po akong ipatapon sa mundo ng mga tagalupa! Magtitino na po ako! Pangako po yan. Ama!" pagsusumamo ng isang munting makulit na prinsesa ng mga sirena sa kanyang amang hari.

"Patawarin mo ako aking anak sapagkat ang kaparusahan sa iyong nagawang kasalanan ay ang ipatapon ka sa mundo ng mga tao." sagot sa kanya ng kanyang amang hari at mababakas sa mukha nito ang pagkadismaya at kalungkutan.

Sa tabi naman ng kanyang amang hari ay ang kanyang inang reyna na lumuluha at pinapatahan ng kanyang mataray na nakatatandang kapatid.

"Mahal kong ina." Naluluha niyang tawag sa ina.

"Wala na akong magagawa mahal kong anak. Nakatakda na ang iyong kaparusahan ngayong araw." naiiyak na sabi ng kanyang ina.

Tinignan naman niya ang kanyang nakatatandang kapatid at nanghingi siya ng tulong ngunit inirapan lang siya nito.

"Patawarin mo sana ako anak ko. Palagi mong ingatan ang iyong sarili. Mahal ka namin." sabi ng kanyang amang hari at itinutok nito sa kanyang direksyon ang makapangyarihang trident.

May nakakasilaw na puting liwanag na bumabalot sa kanyang katawan at unti-unting napalitan ang kanyang kulay gintong buntot ng mga binti at paa. Ang kanyang kulay gintong buhok na isang metro ang haba ay napalitan din ng kulay itim at hanggang beywang nalang ang haba nito.

"H-hindi! A-ayoko nito! Ama! A-ayokong maging tagalu-----" naputol ang kanyang pagprotesta nang bigla nalang siyang mawalan ng malay.

A/N: Thank you for supporting and reading my story!😊💕
Sana ay samahan niyo ang ating makulit na prinsesa ng mga sirena na si Sarah sa kanyang bagong mundo. Ang mundo ng mga tao! Hmmm. Ano kaya ang mangyayari sa kanya sa mundong kinaiinisan niya? ABANGAAAAAAAN!😍🐬

PS: Napost ko na po ito sa isang fb group page.
PPS: Kung may mga wrong grammars man o kahit anong pagkakamali, ako po'y nagso-sorry. Di po ako perfect.

PLAGIARISM IS A CRIME SO DON'T YOU DARE COPY MY STORY! PINAGHIRAPAN KO PARIN TO NO! LOLS! HEHE

Sarah SirenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon