SIRENA 1

664 25 0
                                    

SARAH'S POV

"Ang sakit ng ulo ko. Ugh! Hala? T-teka!? Nasaan ako!?" tinignan ko ang paligid at--

NASA ISANG SILID AKO NG MGA TAGALUPA! WAAAAAH!

Sa di kalayuan ay natanaw ko ang karagatan.

"Ang tahanan ko!" sabi ko at dali-daling pinuntahan yon.

"A-aray!" ang hirap naman gumamit ng mga binti nadapa ako!

T-teka!?

Mga binti!?

*tingin*

"WAAAAAAAH! Isa na akong tagalupa! Hindi! Hindi maaari ito! Kailangan kong bumalik sa palasyo!" dali-dali akong bumangon at ibinalanse ko ang sarili.

Dahan-dahan akong naglakad patungo roon sa---

"Aray! Ano ito!?"

May nakaharang pala ngunit bakit hindi ko ito nakikita at imbis ay natanaw ko ang karagatan?

"Paano na ito? Kailangan kong bumalik sa aking tahanan. Ayoko dito."

Gagamitin ko na sana ang aking kapangyarihan para mawala ang nakaharang sa aking dadaanan ngunit may narinig akong nagsalita.

"Gising ka na pala Ate. Gusto mo bang kumain? Hehe."

"WAAAAH! Tagalupa! Sino ka!? Bakit ako naririto!? Sino ang nagdala sa akin dito!?"

Tila nagulat naman siya sa aking pinagsasabi at sa aking postura dahil para akong makikipaglaban.

"A-ahh. Ano bang pinagsasabi niyo Ate? Hehe. Si Kuya nga po pala ang nagdala sa inyo rito. A-ahmm kung nagugutom ka na po. Nasa baba lang po kami." sabi niya at mabilis na tumakbo paalis.

Parang natakot ko siya ng husto. Kuya niya daw ang nagdala sa akin rito.

Ano ba yung Kuya? Iyon ba ang tawag sa mga kawal dito? Kuya? At narinig ko din ang salitang Ate kanina. Yun ba ang tawag sa mga dama dito? Tinawag niya ba akong dama!? Prinsesa ako! Hindi dama!

Ayoko talaga dito! Ayoko sa mga tagalupa! Kumakain sila ng mga isda!

'Anak, kailangan mong manatili sa mundong iyan hanggang sa may matutunan kang aral. Kailangan mong makihalubilo sa mga tao at maging mabait ka sa kanila. Mag-ingat ka palagi. Mahal ka namin anak.'

Muntik na akong matumba sa aking pagkakatayo nong bigla ko nalang narinig ang tinig ng aking ama. Hinahanap ko kung saan galing iyon ngunit ako ay nabigo.

Susundin ko nalang ang kanyang utos nang sa gayoy makabalik na ako sa aming tahanan.

Ano bang gagawin ko?

Nilibot ko ang aking tingin sa paligid at huminto sa dinaanan nong tagalupa kanina.

Dahan-dahan akong naglakad papunta doon.

Ano kayang tawag sa bagay na ito?

Lumakad pa ako hanggang sa nakalabas na ako sa silid.

Hmmm. Saan kaya pumunta yung tagalupa kanina?

Ahh. Naalala ko na. Nasa baba lang daw sila. Sino kayang sila?

Hinahanap ko yung daan pababa at nahanap ko naman.

Kung hindi ako nagkakamali, ito yung tinatawag nilang hagdanan. Nang makababa na ako ay bumungad sa akin ang iba't ibang kagamitan na hindi ko alam kung ano ang pangalan.

Sa bandang kanan naman ay may narinig akong nag-uusap. Nagtungo ako roon at nakita ko ang batang tagalupa na nagtungo sa silid kanina kasama ang isang matandang babae na tagalupa.

"Mama! Si Ate po." sabi ng batang tagalupa at huminto sa pagsubo ng pagkain at tinuro ako.

Lumingon naman sa akin ang matandang tagalupa at ngumiti.

"Magandang umaga hija. Nagugutom kana ba? Halika kumain kana." sabi ng tagalupa na matanda sa akin.

Hindi naman ako gutom. At baka pakakainin nila ako ng isda! WAAAAH! Ayokong kumain ng kalahi ko---

"Dito ka Ate! Tabi tayo! Hehe." tawag sa akin nong batang tagalupa.

Ano'ng gagawin ko? Babalik nalang ako sa kwarto.

"Sige na hija. Huwag ka nang mahiya. Feel at home." nakangiting tugon niya.

Feel at home? Ano yun? Yun ba yung pagkain nila!?

"Halika na Ate! Kain na!" nagulat ako ng bigla nalang akong hinila ng batang tagalupa at pinatabi sa kanya.

Pag-upo ko ay halos magwala na ako dahil sa aking nakita na nakahain sa mesa nila.

MGA ISDAAAAAA! WAAAAAH! PINATAY NILA YUNG MGA KALAHI KO AT KINAKAIN NILA!

Paglingon ko sa mga tagalupa ay nagtataka sila sa naging reaksyon ko.

"Bakit parang nakakita ka ng multo hija? Tikman mo yang luto ko. Masarap yan at talagang hindi ka magsisisi." nakangiting sabi ng matandang tagalupa at sumubo ng ulam nilang isda.

Halos maiyak na ako nong nilunok na niya yung kinain niya.

Hindi ko na nakayanan ang aking nakita at tumakbo ako paalis sa lugar na iyon. Hindi ko namalayan na nakaalis na ako sa kanilang tahanan at napunta sa dalampasigan.

Ayoko na! Ang sama-sama nilang mga tagalupa! Wala namang ginagawang masama yung mga isda para gawin nilang ulam! Unang araw ko pa lang dito sa mundo nila ay parang suko na ako. Huhu. Sana hindi ko nalang yon ginawa para hindi ako ipatapon dito sa mundong to. Huhuhuhu.

May nakita akong malaking bato kaya umupo ako dito.

Nakakapagod palang gumamit ng mga binti at paa.

Napatingin naman ako sa dinaanan ko at nakita ko ang mga kulay itim na perlas na nahulog galing sa aking mga mata. Kulay itim ito dahil nakaramdam ako ng galit. Sa madaling salita, luha ng galit ang aking nilabas.

Nabasa na ang aking katawan dahil sa mga malalaking hampas ng alon. Ang ipinagtataka ko lang ay, bakit hindi bumalik ang aking buntot nang mabasa ng tubig-dagat ang aking mga binti at paa? Diba dapat ay babalik yun? Hindi naba talaga ako makakabalik?

Naalala ko ang sinabi sa akin ni Ama.

'Anak, kailangan mong manatili sa mundong iyan hanggang sa may matutunan kang aral...'

Kailangan kong manatili? Kaya pala hindi bumalik yung buntot ko. At mababalik lang iyon kapag may matutununan daw akong aral.

NAKAKALUNGKOT NAMAN! HUHU GUSTO KO NANG LUMANGOY GAMIT ANG BUNTOT KO! AT GUSTO KO NA DING UMUWI.

Haaaay. Kumusta na kaya sina Ama at Ina? Kumusta na din kaya ang masungit at mataray kong kapatid? Ang mga kaibigan ko? Ang alaga kong mga kabibe at ang alaga kong si Potchi na pusit? Huhuhuhu. Gusto ko na silang makita at makasama.

Sarah SirenaWhere stories live. Discover now