SIRENA 18

305 13 0
                                    

SARAH'S POV

"Miz! Lia! Sa wakas nandito narin kayo!"

Mabilis na lumangoy papunta sa amin si Karamthiya at niyakap kami.

"Sa wakas! Magkakasama na tayong muli! Hehe. Tara doon tayo!" at hinila niya kami papasok sa kanilang tirahan.

"Grabe! Wala paring pinagbago sa tirahan niyo Thiya!" bulalas ko habang nililibot ng tingin ang kanilang tirahan.

"Hehe si ina kasi eh. Kahit lumipas pa ang mahabang panahon. Hindi niya to babaguhin. Mahalagang-mahalaga kasi to para sa kanya." kwento niya.

"Lia, balita namin ay napatapon ka raw sa mundo ng mga tao. Totoo ba yun? Anong dahilan?" tanong ni Miz sa akin.

Bigla ko namang naalala ang mga nangyari sa akin sa mundong yun. May mga nakilala ako. Marami narin akong alaala kasama sila. At kahit sa kaunting panahon na nandoon ako ay napalapit narin ako sa kanila. May mga nadiskubre akong bagong mga bagay, marami rin akong natutuhan. At higit sa lahat ay natutunan kong umibig.

Nalungkot naman ako sa aking naiisip. Tinanggal ko na pala ang kanilang alaala sa akin.

"Bakit? Anong problema Lia?" nag alalang tanong ni Thiya nang makita akong nalungkot.

"W-wala. Ahm. Oo. Totoo yun. Napatapon ako sa mundo ng mga tao." sabi ko sa kanila.

Bahagya naman silang nagulat dahil alam nila kung gaano ako kagalit sa mga tagalupa noon.

Malayo-layo pa naman ang hatinggabi kaya kinuwento ko nalang sa kanila ang lahat.

Simula sa pwersahang pagpapagawa sa akin ng aking kapatid na Sarahadifia ng pinagbabawal na bagay. Hanggang sa pagpaparusa sa akin at sa kung anong nangyari sa akin sa mundo ng mga tagalupa.

Sinabi ko din sa kanila ang aking plano para mamaya at tutulungan daw nila ako.

Pagkatapos ay pumunta kami sa palasyo para sunduin ang tatlong dama na sina Larsham, Trehfwen, at Geirchal.

Hatinggabi na at nakasigurado ako na naging bato na ang aking kapatid ngayon. At gamit na naman ang lagusan na nagmumula sa mahiwagang kabibe ni Pharanmiz ay agad kaming nakarating sa Colugania.

Sobrang tahimik ng lugar at maraming mababangis na isda ang nakabantay palibot sa Colugania.

"Miz at Thiya. Ngayon na." sabi ko sa kanila at tumango naman sila sa akin tsaka lumabas sa aming pinagtataguan na malaking bato.

Ang plano ay lilibangin at pahahabulin nila Miz ang mga nagbabantay para kaming apat kasama ko ang mga dama, ay makakapasok sa loob. At magpapanggap kaming inutusan ni Harliwa.

Nang natuon ang atensyon ng mga tagabantay kina Miz ay dali-dali kaming pumasok sa loob.

Pagpasok namin ay agad naming hinanap kung nasaan sina ama at ina. Sobrang rami naman pala ng nakakulong rito. Nung nasa kalagitnaan na kami ng paghahanap nang biglang may dalawang bantay ang papalapit sa amin.

"Patay tayo." narinig kong bulong ni Larsham.

"Mga dama, anong ginagawa niyo dito? Hatinggabi na ah? Sino ang nag utos sa inyo?" tanong nung isa nang makalapit sila sa aming kinaroroonan.

Nakakatakot naman ang kanyang boses. WAAAAAAH! Kaya ko to!

"A-ah! Ahm inutusan po kami ni Harliwa na ihatid ito sa dating hari at reyna." palusot ko sabay pakita ng mga dala naming lagayan.

"Ahh. Nandoon sa itaas sila nakakulong."

"M-maraming salamat po." sabi ko at akmang lalangoy ng...

"Ah! Teka! Mga mababangis na isda na nagbabantay dito. Pwede niyo ba kaming samahan? Hindi namin alam kung saan dadaan." sabi ko sa kanila at nagkatinginan naman silang dalawa tsaka tumango.

"Sige. Sundan niyo kami." at lumangoy na sila.

"Kamahalan. Sigurado ho ba kayo? Paano natin mapapakawalan ang hari at reyna kung nandiyan sila?" bulong na tanong sa akin ni Larsham.

"Basta. May plano ako." bulong ko.

Nakarating kami sa dulong bahagi at may nakita kaming isang pintuan. Binuksan nila ito at pumasok kaya pumasok din kami. Pagpasok namin ay ay daan pataas kaya lumangoy kami paitaas. Pagkarating namin sa itaas ay may pinto na naman at pumasok kami doon. Pagpasok namin ay bumungad kaagad sa amin ang mga kulungan.

"Nasa dulong bahagi ang dating hari at reyna." sabi nong isang tagabantay.

"Ahh. Sige po." sabi ko at may tinuro sa pinanggalingan namin sabay sigaw.

"Hala! Tignan niyo!" turo ko at kunwaring may nakitang nakakatakot sa likod nila.

Pagtingin nila sa likod ay agad ko silang pinag-umpog at tinulak tsaka sinara ang pinto.

"Geirchal at Trehfwen bantayan niyo ang pintuan." utos ko sa kanilang dalawa.

"Samahan moko Larsham. Kailangan nating magmadali." baling ko naman kay Larsham at lumangoy na patungo sa dulo.

Nadaanan ko naman ang mga membro ng konseho at ang mga katiwala nina ama at ina na nakakulong doon. May mga takip ang kanilang mga bibig at pinosasan ang mga kamay. Inutusan ko naman si Larsham na pakawalan sila at ako na ang bahala kina ama at ina.

Pagkarating ko sa dulo ay nanghina ang aking kalooban dahil sa aking nakikita. Sina ama at ina, magkasamang nakatali ng itim na kuryente at hinang-hina na sila. Agad akong lumapit sa selda nila at inalis ang aking balat-kayo.

"A-ama...i-ina?" naluluha kong tugon.

Nagising naman sila at dahan-dahang inangat ang paningin sa akin.

"S-s-sarahd...l-lia...a-anak" tawag ni ina at tuluyan ng bumagsak ang aking mga luha.

"A-anak ko. Nagbalik kana." saad ni ama.

"I-ina! Ama! Ilalabas ko kayo rito. Pakakawalan ko po kayo." sabi ko at akmang hahawakan ang pintuan ng selda nang may malakas na pwersa ang biglang tumulak sa akin palayo.

Agad akong lumangoy pabalik sa selda nila at hinanda ang aking sarili. Itinaas ko ang aking kanang kamay at nagpalabas ng bilog na enerhiya. Ibinato ko ito sa pintuan ng selda at nagliwanag ito tsaka nawala ang enerhiya na nakapalibot dito. Lumapit na ako at binuksan ang pintuan.

"A-anak! Hindi mo na sana iyon ginawa. Nagsasayang kalang ng iyong lakas." bungad sa akin ni ama.

Hindi ako nagsalita at agad na nagpalabas ng puting enerhiya sa aking kamay dahil kaunti nalang ang natitira naming oras. Ibinato ko ito sa itim na kuryenteng nakagapos sa kanila ngunit nilamon lang nito ang aking kapangyarihan.

"B-bakit?" gulat kong tanong at sinubukan uli ngunit nilamon na naman ito.

"Anak. Hindi pa sapat ang iyong kapangyarihan para matalo ang kapangyarihan na nasa iyong kapatid ngayon. Kailangan mo pang magpalakas ng husto. Huwag mo na kami alalahanin ng ina mo, ayos lang kami rito." mahabang saad ni ama.

"H-hindi ama. Ilalabas ko kayo ngayon dito at babawiin natin kay Sarahadifia ang iyong mahiwagang trident."

Sarah SirenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon