SIRENA 7

367 20 0
                                    

SARAH' POV

"Argh! Damn this puppy of yours! Sarah!" iritang sigaw ni Clarisse habang tumatakbo.

HAHAHAHA ginalit niya kasi si Potchi kaya siya hinabol nito. Tama lang naman yan sa kanya. Bruha siya eh.

"Grrrrr! Arf! Arf! Arf!" sigaw ni Potchi habang hinahabol parin si Clarisse.

"Pffft." pagpipigil tawa ni Kiel na nasa tabi ko.

"HAHAHAHA! Ang epic ng mukha ni Ate Clarisse! Wahahahaha!" nasisiyahang sambit ni Yanyan habang kinukunan ang buong pangyayari gamit ang tinatawag niyang selpon kuno.

"Waaaaah! Kiel! Help me!" sigaw ni Clarisse ngunit hindi siya pinakinggan ni Kiel.

Patuloy lang siyang hinahabol ni Potchi at sigaw din siya ng sigaw.

Nang papalapit na siya sa amin ay ginamit ko ang aking kapangyarihan at sa isang iglap ay nadapa na siya sa harap namin.

"Ouch! Ouch! Shit! Argh!" daing niya.

Kami namang tatlo ay nagpipigil ng tawa sa harap niya.

Ang sama namin no? WAHAHAHA

"Potchi! Halika na. Tama na yan." utos ko at lumapit naman siya sa akin kaya binuhat ko siya.

"H-hija Clarisse! N-naku! Ano bang nangyari sa'yo?" biglang sulpot ni Mama Martha.

"Ouch! Kita ng nadapa ako eh." rinig kong bulong ni Clarisse.

"A-ano'ng ginawa niyong tatlo dyan? Bakit nakatayo lang kayo? Kiel! Tulungan mo ang ating bisita." baling ni Mama sa amin at inutusan si Kiel.

Wala namang magawa si Kiel kundi ang sumunod sa utos ng kanyang ina.

"O-ouch! Kiel! Dahan-dahan lang." pag iinarte ni Clarisse habang inaalalayan siya ni Kiel.

Tsk! Siya na nga tinutulungan, nag iinarte pa!

"Hahaha. Tama lang yan sa kanya. Diba Ate Sarah? Hehe." bulong ni Yanyan.

"Ssssh! Baka marinig ka ng bruha." bulong ko pabalik.

"Hehe bruha nga siya Ate. Hello cute na Potchi! Ang galing mo! Good job!" sabi niya kay Potchi.

"Arf! Arf! Arf!" (Siyempre ako pa! Hihi)

Sumunod na kami sa sala at nakita namin doon na ginagamot ni Mama Martha ang mga sugat ni Clarisse.

"O-ouch! T-tita! Ang hapdi!" bulyaw niya at tinabig ang kamay ni Mama.

Ang sama talaga! Walang galang! Pasalamat nga siya at tinulungan siya eh.

Umupo naman kami sa kabilang bahagi ng upuan at pinanood sila.

"Naku! Pasensya kana h-hija. Anong gusto mo? Juice?" tanong ni Mama.

"No thanks Tita." sagot niya at tumingin ng masama samin ni Yanyan.

Pati si Potchi ay tinignan niya din ng masama at inirapan.

Eh kung tusukin ko kaya mga mata nito?

Umalis naman sa sala si Mama Martha at pumunta sa kanilang kusina.

Maghahanda na siguro ng makakain.

"Tss. Akala ko mamatay na ako kanina. Kundi lapain ko yang aso mo." maarte niyang sabi sa akin.

"Ahm. Ate Clarisse, pano mo naman malalapa si Potchi kung patay kana diba?" pagtatanong ni Yanyan.

"Shut up! Hindi ikaw ang kinakausap ko. Bastos ka talagang bata ka!" galit niyang sabi kay Yanyan.

Nakita ko namang naiiyak na si Yanyan dahil sa pagsigaw niya rito.

"N-nagtatanong lang naman ako eh." bulong ni Yanyan at tumulo ang kanyang mga luha.

"Huwag mo ngang ganyanin si Yanyan. Wala ka bang awa sa kanya? Tsk." sambit ko sa kanya habang pinapatahan si Yanyan.

"Maiwan ko na nga kayo! Tse!" sabi niya at paika-ikang lumakad paakyat.

"Sana mahulog ka diyan sa hagdanan. Arf! Grrrr!" narinig kong bulong ni Potchi.

"Potchi. Wag ganyan ang sama mo." bulong ko sa kanya.

"Sana eh, kinagat ko nalang siya kanina. Arf! Arf!" bulong na naman niya.

"Haaay. Tama na yung ginawa mo. Baka matuluyan pa siyang mamatay." bulong ko.

"A-ate. K-kinakausap mo si P-potchi!? Nagkakaintindihan kayo? Waaaaaaah! Astig!" gulat na hiyaw ni Yanyan.

Hala! Lagot!

"A-ahh. Yanyan, hehe mabait ka naman na bata hindi ba?" tanong ko.

"Oo naman po!" nakangiti niyang sagot.

"Ahm. Sekreto lang natin to ha? Wag mong ipagsasabi sa iba." bilin ko sa kanya.

"Oo naman po Ate Sarah! Basta ikaw! Hehe"

"Arf! Arf!"(Salamat Yanyan!)

"Teka Ate? Anong sinabi ni Potchi?" tanong niya.

"Ahh Salamat daw sabi niya." sagot ko.

"Mahal na Prinsesa! Nasaan na yung makisig na tagalupa na kunwaring asawa mo? Arf! Arf!" mapanuksong tanong ni Potchi sa akin.

Enebeeee?? Kinilig ako---opssss hehe. *ehem!*

Hindi ko nalang pinansin ang pinagsasabi ni Potchi at binuhat ko nalang siya.

"Yanyan. Magpahinga muna kami ni Potchi. Paalam." pamamaalam ko at tumayo.

"Sige po Ate. Tatawagin ko nalang kayo pag kakain na. Babye po.*wagayway ng kamay*"

"Arf! Arf! Arf!" (Paalam din Yanyan!)

"Paalam din daw sabi ni Potchi." sabi ko.

"Hehe bye bye din Potchi!"

Lumakad na ako paakyat at pumasok na sa aking silid.

"Ito ang silid mo rito kamahalan? Ang ganda! Hehe. Arf! Arf!" komento ni Potchi pagkapasok namin.

Agad ko namang isinara ang pintuan at baka may makarinig sa akin na nakikipag usap kay Potchi. Eh ako lang naman ang nakakaintindi sa kanya.

"Ahm. Potchi, paano kaya kung babalik ako mamaya? Para matulungan ko na sina Ama at Ina." sabi ko at pinaupo siya sa kama.

"Naku! Kamahalan, huwag muna sa ngayon dahil hindi pa nagbabalik ang iyong mahiwagang buntot. At masyado pang mapanganib ang kaharian ngayon. Arf! Arf! Arf!" paliwanag niya.

"Eh? Kailangan ko nang iligtas sina Ama! At ang buong palasyo!" naiiyak kong sambit.

"Huwag kang mag alala kamahalan. May nasambit sa akin ng iyong ama bago niya ako gawing ganito at pabantayan ka. Nasambit niya sa akin na sa susunod na kabilugan ng buwan ay magbabalik ang iyong tunay anyo kapag nababasa ka ng tubig maalat. Arf! Arf! Arf! Arf!" mahaba niyang detalye tungkol sa sinabi ni Ama.

Sa susunod na kabilugan ng buwan? Ngunit matagal pa yun ah. Bago palang nagbibilog ang buwan nitong nakaraan.

Kailangan ko na talagang iligtas sina Ama.

Maghanda ka sa aking pagbabalik mahal kong kapatid na traydor at sakim sa kapangyarihan.

Sarah SirenaWhere stories live. Discover now