SIRENA 21 (Special Chapter)

312 13 0
                                    

SARAH'S POV

"Aking kapatid, madadaan pa natin ito sa masinsinang pag-uusap. Maawa ka. Mababalik pa natin ang lahat sa dati. Handa ka naming patawarin sa iyong nagawa ngayon." pagmamakaawa ko.

"Hahahaha! Niloloko mo ba ako Sarahdlia? Mabalik ang lahat sa dati? Tsk. Nagpapatawa ka ba? Natatawa ako eh. Hahahaha!" sabi niya at nilakasan ang kanyang pwersa.

Ang lakas. Hindi ko makakayang labanan ang mahiwagang trident.

"K-kapatid ko... p-please..maawa ka.. para man lang sa ating bunsong kapatid." umiiyak kong pagmamakaawa.

Naramdaman ko naman na para siyang natauhan dahil humihina ang kanyang pwersa ngunit saglit lang ito.

"Tsk. Hindi! Hindi ako magpapadala sa iyong pagmamakaawa! At naimpluwensyahan ka na ngang talaga ng mga tagalupa ha? Mainam dahil may naisip akong bagong plano. Ibabalik kita doon sa mundo nila!" sigaw niya at mas nilakasan ang pwersa niya.

Sa sobrang lakas nito ay nalamon ang aking pwersa at tumalsik ako sa pader.

Hindi ako maaaring sumuko. Aayusin ko ito. Ngunit papaubos na ang aking lakas? Papaano ito?

Dali-dali akong umupo nang may naalala ako. Nakita ko naman na itinaas ng aking kapatid ang mahiwagang trident at lumikha ng malaking bola ng itim na kuryente. Ngunit bago paman niya iyon ihagis papunta sa aking direksiyon ay itinaas ko ang nakabukas na gintong kabibe na ibinigay sa akin ni ina kanina.

Nagliwanag ito at may lumabas na bahaghari sa perlas na kakulay ng bahaghari. Nakakasilaw ang liwanag at bumalot ito sa buong silid. Sa sobrang silaw ay naipikit namin ang aming mga mata. Nang maibukas namin ang aming mga mata ay labis kaming nagulat at namangha.

Hindi na dapat ako magugulat at mamangha dahil inaasahan ko na ito. Ngunit hindi ko talaga mapigilan eh.

Nakakamangha talaga! Totoo siya! WAAAAAAAH! Para akong nananaginip!

"D-d-dyosa M-magindara... " gulat at hindi makapaniwalang sambit ni Sarahadifia. Unti-unti namang nawala ang malaking bola na kaniyang ginawa kanina.

Tumayo naman ako at yumuko sa kanya.

"M-mahal na dyosa." puno ng galang kong bati tsaka umayos ng tindig.

Nakita ko naman na halos hindi makagalaw ang aking kapatid at nanlalaki parin ang kaniyang mga matang nakatingin sa dyosang nasa harapan namin ngayon.

"Hindi na ako magpaligoy-ligoy pa. Sarahdlia, alam ko kung bakit mo ako tinatawag. Ngunit may mas malaki pa kayong suliranin na kailangan niyong harapin ngayon." mahinahon niyang sabi.

Bahagya naman akong nagulat dahil sa kaniyang sinabi.

Mas malaking suliranin? Ano?

"Mahal na Dyosa, ano po ang---"

"BOOOOOGSH!"

"WAAAAAAH"

Bago ko pa matapos ang aking itatanong ngunit parang sinagot na agad ito. Halos sabay kami ng aking kapatid na pumunta sa bintana ng kanyang silid upang silipin kung ano iyong kaguluhan sa labas ng palasyo.

Sa hindi kalayuan ay may nakita kami na hindi namin inaasahan. Nakakagulat! Nakakapanindig balahibo.

"Iyan ang mas malaki niyong suliranin. Kaya isantabi niyo muna iyang problema niyo ngayon dahil nanganganib ang buong Oceania." sabi niya sa amin.

"Ngunit, h-hindi namin sila kaya." diretso kong sabi at humarap sa kanya.

Ang ganda niya sobraaaa! Ay naku naman Sarahdlia! Umiiral na naman itong ugali mong to. Umayos ka.

"Kaya nga bago mo pa ako tinawag ay may inihanda na ako. Tara sa bulwagan." utos niya at naunang lumabas ng silid.

Nalilito man ay sumunod nalang kaming dalawa sa kanya.

Ano kaya ang kanyang inihanda? Piging kaya? Seryoso? Nagkakagulo na't lahat ay nakapaghanda pa siya ng isang piging? Pero nakaramdam ako ng gutom ah? Simula kagabi ay di pa ako kumakain! Haaay.

"Psh. Wala talagang kwenta." rinig kong komento ni Sarahadifia.

Tsk! Malamang ay naririnig niya ang mga pinagsasabi ko sa aking isipan. Sinadya ko naman na iparinig eh.

"Hahaha. Iba ka talaga Sarahdlia. Talagang hindi ka parin nagbabago. Kumusta pala ang kalagayan mo noong nandoon ka pa sa mundo ng mga tao?" tanong ni Dyosa Magindara habang patuloy kami sa paglalangoy.

Kami lang pala ni Sarahadifia ang lumalangoy. Lumulutang lang siya eh.

"Ahh. Ayos lang naman po." sagot ko sa kanya.

"Hmm. Nakikita ko nga."

Bahagya naman akong nagulat sa kaniyang sinabi. Para kasing dalawa ang kahulugan niyon eh. Nababaliw lang yata ako.

"Nandito na tayo." anunsyo niya at huminto.

Kung nagulat ako kanina ay mas nagulat ako ngayon! At mas hindi ako makapaniwala sa aking nakikita ngayon! Nandito ang lahat! Ang mga katiwala namin, mga membro ng konseho at pamilya nila, mga tapat naming dama at kawal, mga kaibigan ko, si Fhina na aking dama, si Potchi! at higit sa lahat sina ama at ina!

Nakangiti silang lahat sa aming tatlo ngayon. At nakasigurado ako na pinipigilan lang nila ang kanilang mga tawa dahil parang luluwa na ang aking mga mata.

"At Sarah hindi piging ang hinanda ko." bulong sa akin ni Dyosa Magindara sa ibang boses.

At nadagdagan pa ang aking gulat dahil doon! Kaya pala. Hindi talaga ako makapaniwala sa mga nangyayari ngayon. Grabe! Sobra!

Lalapit na sana ako para yakapin sina ama at ina ngunit may nauna na sa akin.

"A-ama! Ina! Patawad po! Patawad! Kasalanan ko lahat! Patawad! Huhuhuhu." at mas mas mas nagulat ako sa nakikita ko ngayon.

Tatlong mas na yan. Parang hindi ko na ito makakaya. Halo-halo na ang aking emosyon ngayon. Yung pagkain ng mga tao? Halo-halo. Sarahdlia umayos ka!

"Anak. Kahit hindi ka pa humingi ng tawad ay pinapatawad kana namin." sambit ni ama at yumakap pabalik.

"Anak kong Sarahadifia, parati ka naming patatawarin. Mahal na mahal ka namin." sabi naman ni ina at yinakap si Sarahadifia.

At namalayan ko nalang ang aking sarili na yumakap sa kanila.

"Patawarin niyo rin po sana ako mahal kong ama at ina. Ako po ang may kasalanan ng lahat." sabi ko sa gitna ng aming pagyayakapan.

"Hindi kapatid kong Sarahdlia. Wala kang kasalanan. Ako ang may kasalanan nito. Kung hindi sana ako nagpadala sa selos at galit." sabi ni Sarahadifia sakin habang humagulhol.

"Hindi. Ako ang may kasalanan." sabi ko at bumitaw sa pagkakayakap.

"Ako nga Sarahdlia." sabi niya at bumitaw rin sa pagkakayakap.

"Sabi nang ako eh!"

"Ako nga. Ang kulit mo talaga." natatawa niyang sambit.

"Wag na nga kayong mag-away kung sinong may kasalanan. Kung sino mang may kasalanan dito ay kami iyon na mga magulang niyo." suway ni ama samin.

"Oo nga. Ang laki ng aming kasalanan. Lalo na sa iyo, Sarahadifia." umiiyak na sambit ni ina habang nakahawak sa malaki na niyang tiyan.

"Haaay. Tsk. Wag na nga tayong mag ano dito! Tayo lang ang tinitingnan eh. Nakakailang na. At ama isinasauli ko na po ang iyong mahiwagang trident." sabi ni Sarahadifia at ibinigay kay ama ang mahiwagang trident.

"Sa iyo na muna iyan anak ko." at ibinalik ito ni ama sa kanya.

"T-talaga? Maraming salamat po ama." nagagalak niyang sambit.

Nakita naman namin na pumunta sa trono si Dyosa Magindara kaya nagbigay pugay kami.

"Mahal na Dyosa Magindara."

Sarah SirenaHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin