Short-lived 'Thrills'

22 1 0
                                    

2000

Alam kong matagal na akong may gusto sa kanya. Matagal ko na siyang hinahangaan, sinusulyapan lang sa malayo, hindi nilalapitan.

That year, I was too shy to ask him to be my friend just so our relationship would level up. Kaya nganga lang ako noong taong iyon.

Pinagmasdan ko siya habang ako'y nakapangalumbaba. I am really interested with everything that he does.
Every talent, every hobby, and every achievement.

I adored him so much.

2001

Mabuti na lang at magkaklase pa rin kami. Sa totoo lang ay last year lang kami nagsimulang maging magkaklase kaya naman kung gusto ko na siya noon, mas lalo lamang lumalim ang nararamdaman ko ngayong halos abot-kamay ko na siya.

But... I still didn't get the chance to befriend him. Siguro, next year.

I stared at him with my dreamy eyes...

And my eyes almost popped out because he caught me staring! Ngumiti naman siya sa akin. I also smiled, still embarrassed.

Halata na ba ako masyado? Kasi lagot na talaga kapag nalaman niya na gusto ko siya! Nakakahiya iyon!

Siguro nga ay dapat ko na siyang kaibiganin para wala nang mag-isip pa ng malisya sa mga ginagawa ko.

Malay niya ba kung siya 'yung tinititigan ko kanina.

Ibinaling ko na ang aking atensyon sa sasagutan.

Kaya ko naman kaya 'yon?

Kaya ko bang kaibiganin siya?

Iniisip ko pa lang ay nag-iinit na ang aking mga pisngi.

Sana nga ay kayanin ko dahil gusto ko na siyang makausap.

2002

Ilang taon ko na ba siyang kilala? Simula elementary ay pareho kami ng paaralang pinapasukan. Hanggang ngayon na huling taon sa sekondarya ay dito pa rin kami sa paaralang ito nananatili.

Mabuti nga't magkaklase uli kami.

Maisasagawa ko na kaya ang plano ko?

Hindi na ako makapaghintay. Tamang-tama lang na sa huling taon ako makikipagkaibigan para 'man lang makapag-iwan ako ng mumunting alaala sa kaunting oras na magkakasama kami.

Sa totoo lang ay naiinggit na rin kasi ako sa mga kaklase naming may gusto rin sa kanya. Halos lahat o lahat ata ay malapit naman sa kanya. Ako lang ang hindi. Madalas nga rin siyang asarin sa iba't-ibang babae dahil sa kanyang kakisigan at katalinuhan.

Nagseselos nga ako.

Napatingin ako sa kanyang katatapos lamang kausapin si Trisha.

Napairap na lamang ako sa kawalan.

Tss. Akala mo a.

I will catch your attention. I will be your friend. I will make you like me.

Nilapitan ko siya.

Ito na.

Gagawin ko na.

"Dylan," ngumiti ako at tumabi sa kanya. "Hi."

ChaosWhere stories live. Discover now