Red

30 2 0
                                    

She was wearing my favorite color.

"Mahal, napakaganda mo talaga."

Ngumiti lamang siya. Bakit ba ang layo niya sa'kin? Bakit ba ayaw niyang lumapit?

"Tara dito."

Umiling siya at nanatiling tahimik.

Narito kami ngayon sa paborito naming lugar. Late nga siya e, pero okay lang. Saan kaya siya nanggaling? Ang lungkot-lungkot ng kanyang mga mata.

"Mahal... Bakit ba ayaw mong lumapit?"

Hindi pa rin siya sumasagot. Nagtatampo ba siya? Alam kong pagod siya galing sa trabaho, pero pinilit ko pa rin siyang pumunta rito.

Miss na miss ko na kasi siya e. Ilang araw na rin kaming hindi nagkikita dahil palagi siyang nag-o-overtime sa kanilang opisina.

"Mahal naman..."

Ako lang ang nagsasalita sa aming dalawa. Malayo pa rin siya sa akin.

Kung nagtatampo siya, bakit pa siya nag-ayos?

"Hay nako, nagpapakipot na naman ang asawa ko."

Humakbang ako papalapit at sumimangot lamang siya.

"May problema ba tayo?"

Habang lumalapit ako ay napansin ko ang kanyang damit.

Pula...

Ang paborito kong kulay.

Napangiti ako nang mapait.

I smelled a familiar stench coming from her dress.

Nang mas makalapit ako ay napansin ko ang tunay na kulay ng damit niya.

Hindi kaya...

Ayaw kong tanggapin pero...

Pula...

Hindi pala talaga pula ang damit niya...

Namutla ako.

"Kiera, anong ibig sabihin..."

Ngumiti lamang siya nang malungkot at umalis nang hindi nagpapaalam.

Dugo...

Tumunog ang aking cellphone.

"Kayo po ba ang asawa ni Kiera Castañeda? Dead on arr-"

ChaosWhere stories live. Discover now