Uno

90 1 0
                                    

I was first to love her...

But she first loved him.

-'*'-

"Kuya, iniidolo naman kasi talaga kita!" Napangiti ako sa sinabi ng nakababata kong kapatid.

"Nako! E, mas matalino ka nga sa'kin. Naging ganito lang naman ako simula no'ng tumungtong ako ng high school." Napakamot na lamang ako sa kahihiyan. Ikwinento pa pala ako ni Pierre sa mga kaklase niya.

Totoong nagsimula lang ang pagkabihasa ko sa pag-aaral nang mag-high school ako. Back when I was still an elementary student, my parents couldn't even make it to conferences because they knew that my grades would be low.

Hindi ko talaga alam kung paano nangyari na ang mga tinuturo sa amin dati na napakahirap para sa akin ay sisiw na lang sa akin ngayon. Sobrang sisiw.

In contrast to my late-blooming intelligence, Pierre, my younger brother, was born an achiever. Simula pa lang noong bata ang kapatid ko ay nag-uumapaw na ang katalinuhan nito. Kaya naman ay lagi itong tutok ng aming mga magulang.

Lagi pa nga akong napapag-iwanan noon dahil masyado silang abala sa pagmamalaki ng mga medals na nakuha ng kapatid ko.

Pero wala na naman iyon sa akin ngayon. Dahil kung dati, may kaunti akong tampo, ngayon naman ay parang ibinuhos na sa akin lahat ng atensyong ipinagkait sa akin noong mga nakaraang taon.

Ganito pala talaga ang pakiramdam. Nakatutuwang naipagmamalaki ka ng iyong mga magulang pati ng iyong kapatid.

"Alam mo ba, ramdam ko na humahanga rin ang mga kaklase ko sa'yo. Tinanong kasi sa amin kung sino ang maituturing naming pinaka-hinahangaang tao at ipinasabi sa amin kung bakit namin sila hinahangaan. Ikaw kaya 'yung napili ko."

Napangiti ako sa sinabi niya.

"Talaga lang ha? Baka naman may iba ka nang hinahangaan?"

"Ha? Wala!" Napailing siya nang todo sa hindi malamang dahilan. "Alam mong pag-aaral muna ang iniintindi ko."

"Ayan... dapat lang 'yan." Kumunot naman ang aking noo nang mapansing abala siya sa pagtingin sa kanyang cellphone. O? Akala ko ba pag-aaral muna?

Napangisi ako nang mahuli ko siyang ngumingiti habang nakatuon pa rin ang pansin sa kanyang cellphone. Kaya pala ang tagal mong sumagot sa pag-uusap natin ha.

"Huli ka!" Inagaw ko ang kanyang cellphone. "Ano 'to, ha?"

Pilit niya namang kinuha sa akin iyon. Mas matangkad ako kaya naman ay nahirapan siyang kunin iyon. Tinignan ko ang kanina niya pang pinagkakaabalahan.

"Mali pala, sino 'to, Pierre?" Muli akong napangisi nang makita ko ang isang picture ng kapatid ko at isang babae, magkasama. Ito 'yung mga pagkakataon sigurong tinukso lamang sila at napagtripang kunan ng litrato dahil mukhang kabado ang babaeng kanyang katabi.

"Uuuuy, si Pierre! Akala ko ba pag-aaral muna?" Pilit pa ring kinuha ni Pierre ang kanyang cellphone. "Maganda siya ah! Pasado na, Pierre."

"Give me back my phone!" gigil niyang sabi habang tumatalon-talon pa para lang makuha sa akin iyon.

"Sino muna 'to? At anong mayroon sa inyong dalawa?" Seryoso kong sabi kahit na ang totoo ay gustong-gusto ko nang matawa sa mukha niyang hiyang-hiya dahil sa natuklasan ko.

ChaosWhere stories live. Discover now