Rue

85 5 0
                                    

Sabi nila, "the more you hate, the more you love".

Kapag galit na galit ka raw sa isang taong wala namang ginagawa sa'yo ay posibleng may gusto ka roon.

Na kaya ka nagkakaganoon ay dahil 'di mo lang matanggap na ikaw mismo ay nahuhulog na sa kanya.

Well, I half-believed in that. May parteng naniniwala ako sa quote na 'yun, at may parte ring hindi.

I do believe because I do love a guy which I hated.

Habang galit na galit o inis na inis ako ay mayroon na pala akong namumuong pagkagusto sa kanya.

Hindi ko rin alam kung bakit ako nagkagusto. Ayaw ko rin amining nagkakagusto ako.

Sinabi ko kasi sa sarili ko na hindi ako mahuhulog gaya ng iba. Wala naman kasing katangi-tangi sa kanya.

I hate him but my system just keeps finding a way to like him.

But maybe, it doesn't go for some people.

While I'm hating and loving, I had a friend who also disliked the guy and no, she never fell for him.

I don't know why.

Hinding-hindi raw siya magkakagusto sa lalaking 'yon.

Natuwa naman ako kasi kahit papaano ay nabawasan din ako ng kaagaw. At kaibigan ko siya, siguro hindi niya naman ako aahasin.

Tahimik lang akong nagkagusto kay Zac. Ayaw ko kasi ng bulgaran. Nakakahiya masyado. At saka in this way naman nagkakaroon kami ng interactions dahil tahimik lang din siya. Kaya in some ways, nagkakapareho kami.

At ang kaibigan ko namang iyon, habang nilalabas niya ang inis para kay Zac, ay gumagawa pa ng mga bagay tungkol doon sa lalaki.

My classmates thought a love and hate relationship was cute. Kaya ang pagkainis niya kay Zac ay ang naging tulay pa para sila'y tuksuhin ng klase.

Okay lang naman ako ro'n, since I knew na hindi talaga siya magkakagusto at support siya para sa'min ng gusto ko.

But nothing happened. Walang naging progress sa'min ni Zac at wala ring nagtangkang tuksuhin kami sa isa't isa.

Naging love team sila. Naging close sila ni Zac. Dahil sa mga kaklase namin ay nagkausap sila at naging magkaibigan sila. Pero hindi pa rin DAW natatanggal ang inis niya sa lalaki, na para bang 'di siya nauubusan ng dahilan para mainis rito, kahit mukhang maayos na naman sila.

'Di rin nagtagal ay lumabas rin ang katotohanan.

I knew that the quote was true.

Naging sila. Umamin si Zac sa kanya.

She hated him. She despised him. Pero habang sila'y tinutukso at habang sila'y nagkakalapit ay hindi niya maiwasang mahulog. Ayaw niya lang tanggapin iyon kaya naghanap siya ng dahilan para kainisan pa ito. Pero hindi nito natabunan ang pagkagusto niya para kay Zac.

Itinuloy niya lang ang pagkainis, pero kunwari na lang ito. Para siya'y mag stand out. Para lalo silang tuksuhin. Para mapansin pa siya lalo ni Zac. At nagtagumpay naman siya.

Napangiti na lang ako nang mapait nang sabihin niya sa'kin ang lahat ng naging motibo niya.

She said sorry. Nagmahal lang naman daw siya.

I don't know what to say...

Because I'm used to her being all grumpy when we're talking about him.

Ngumiti siya at tinignan si Zac mula sa malayo.

Look at what love did to her. Hindi pa ako sanay sa mga ngiti niyang abot mata dahil kay Zac.

I'm in pain but I chose to hide it.

I chose to give up.

Bago pa tumulo ang aking mga luha ay tumayo na agad ako para umalis.

Dapat pala hindi ako nakampante. I should've made a move. Hindi ko naman kasi alam na maagawan ako. Pinili ko ang pagiging tahimik para mag-stand out. But it wasn't enough. Ako pa rin ang may kasalanan. Masyado akong nagtiwala sa kanya.

"Sorry, sorry, sorry talaga." Paulit-ulit niyang sambit sa'kin.

And so to make her stop, I pretended to be okay. Just for them to be happy.

A tear fell as he approached her. She clung her arms to his. Ugh, these tears suck.

Sabi nila, 'The more you hate, the more you love '.

I now believe in that.

Hindi mo lang malalaman na mahal mo na pala yung tao kasi natatakpan pa ito ng inis mo sa kanya.

And the more you keep on denying it, the more your love for him grows.

Na kahit ano pang kinaaayawan mo sa kanya ay hindi mo pa rin maitatanggi na iba ang epekto niya sa'yo. Na kaya mo siya kinaaayawan ay dahil may nagagawa siya sa'yong hindi pa nagagawa ng kahit sino.

Akala ko may makakapagpatunay na hindi lahat ng inis ay mapupunta pagkagusto.

Pero akala ko lang pala 'yon.

Kaya ito ako, pinagmamasdan ang kaibigan ko habang sine-sermonan si Zac. Inis pa rin pala siya roon. Pero nang mahagip niya ang sugat nito sa noo ay makikitang-makikita ang pag-aalala sa kanyang mga mata. Hinawakan niya iyon nang marahan at tumingkayad para tignan nang mas malapit ang sugat. Inakbayan naman siya nito.

Napangiti ako nang mapait. Ako sana 'yon, e...

ChaosWhere stories live. Discover now