"Uy kalma ka lang. Sinasakyan ko lang trip ni Allan kasi mukhang may tama na siya."

"Psh. Mga lalake talaga. Malilibog! Manyak!" At hinampas ko ulit siya pero dahil sa lalaki siya he held my wrist to made me stop.

"Anong aasahan mo dun? Eh bar yun?"

"Aish. Kahit na! Ok pa yung inom eh. Pero babae? Chicks? Arg!!!"

"Ano ka ba? May tama na kasi yung si Allan kaya ganon na yun magsalita."

"May tama na agad? Akala ko ba mag-iistart palang yung party?"

"Ganon talaga kapag di ka sanay. Eh di naman kami lagi umiinom."

"So....ibig sabihin nandon din si John? Arggg! Mapapatay ko yung lalaking yun eh."

"Di ko rin alam kaya alamin na natin. So pwede na mag-drive?"

"Tse." At lumingon nalang ako sa bintana. Si John nasa bar? May alak at babae?

Ughhh! This is so frustrating. Yung kaba ko napalitan ng inis!

Naging tahimik na yung byahe after nun kaya hindi ko nalang namalayan na nasa bar na kami. Sa labas palang maririnig mo na yung malakas na music. Past 6pm na rin kasi kami nakadating.

Palabas na ko ng sasakyan ng pigilan ako ni Angelo kaya tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Ahm sorry na." Then nag-puppy eyes siya katulad ng akin kaya natawa na ko.

"Hahaha! Huwag mo kong gayahin dre kasi hindi talaga bagay sayo."

"Ayan! Napatawa din kita. Huwag ka ng mag-isip ng kung ano-ano and let's just enjoy the party!!!"

"Oo na. So pwede ng bumaba?" Na tinguan naman niya.

Pagbaba ko ng sasakyan pinagsisihan ko na agad dahil sa mga iilang couples na kung makipaglaplapan parang wala ng bukas.

Pagpasok ko palang grabe na yung amoy ng alak at yosi na parang masusuka ako kaya nagpatulong ako kay Angelo kung saan yung cr.

Naghintay lang naman siya sa labas at nag-retouch lang ako ng kaunti.

Go Cha-Cha! It's now or never.

Papalabas na ko ng comfort room ng may makabangga ako.

"Ouch."

"Sorry." We said in unison.

"Ok ka lang ba? Are you hurt?" Sabi ng isang pamilyar na boses kaya pag-angat ko ng ulo ko. Nagulat ako pati siya.

"Chandria?! A-anong ginagawa mo dito?" Sabi ni Diego.

"Cha-Cha! Anong nangyare-" Pati si Angelo natigilan ng makita kami ni Diego.

"Ah eh surprise! Hehehe." Nasabi ko nalang para matigilan na sila sa katitig sakin.

"Angelo siya yung surprise na sinasabi mo?" Tanong ni Diego.

Si Mr.MP ?! (KathNiel)Where stories live. Discover now