Chapter 19

11K 316 34
                                    

ISAAC

MATAPOS ang proposal ko inayos ko na ang wedding namin. Nagpasya ang buong pamilya sa Tagaytay ang venue ng kasal. At doon na din namin gaganapin ang honeymoon. Masaya ako  sa wakas makakaariba na ako.

I am lucky to have her. Nasa kanya ang lahat. Napatunayan ko iyon nang ma-abduct Mukha akong tanga na nakangiti na nasa harapan ng papeles na binabasa ko.

"Sir, may naghahanap po sa inyo a certain name Leonardo Romano," sabi ng tauhan ko.

"Papasukin mo siya. I am expecting him today," utos ko sa kanya. 

Pumasok ang nakangiting Leonardo. Tumayo ako para mag-man hug kaming dalawa. Naging kaibigan ko ito noong nasa high school palang kami. Nagkita lang kami lately. Nagkamustahan sa isa't isa hanggang nagkikita kapag walang trabaho.

"Kumusta, brod!" sabi nito sa akin.

"Ayos lang, brod. Excited ako sa nalalapit kong kasal," sabi ko.

"Everything's is set already that's why I went here to inform you. Siguradong magugustuhan ni Marieyah ang venue ng kasal niyo. Regalo ko na iyan sa inyo." napangiti ako ng malawak. Nagmamay-ari din kasi ito ng Company na nag-oorganize ng mga events at catering Services. Kaya sila ang kinuha ko para iisa na lang. Kaso dahil sa kaibigan ko siya. Hindi na niya ako siningil. Free service na lang daw iyon. Pero tinanggihan ko pero ipinilit pa din ang huli.

"Salamat, brod. Kapag ikaw naman ang ikakasal, sagot ko naman," sabi ko. Nakakahiya naman na buong kasal ko gastos niya. Natawa ito sa sinabi ko. Balita ko may girlfriend itong half italian- half Filipina. Na naka-base sa Italy.

"Hindi yata ako makakapag-asawa. Mukhang tatandang binata yata ako," natatawang sabi nito.

"Hindi ba may girlfriend kang italyana?" tanong ko.

"Wala na kami. Iba ang priority niya hindi ako. Hindi naman ako nanghihinayang doon. Pero may mas higit akong pinanghihinayangang tao." Napakunot ako ng noo sa sinabi niya.

"Sino naman iyon, brod? Care to share it to me?" seryoso kong saad. Isang malalim na buntong -hininga ang pinakawalan nito.

"She is my Secretary. Sa una akala ko pagkakaibigan at pagiging kapatid ang turing ko. That's why masyado kaming malapit sa isa't isa. To the point na sa bahay ko na siya tumitira," napatitig ako sa kanya.

"Mali ang iniisip mo, brod! Doon lang siya sa bahay natutulog, pero wala kaming relasyon. I thought she's just like a sister to me, pero nagkamali ako. Mayroon na pala siya dito." Itinuro nito ang puso niya.

"Where she is now?"

"I don't know. Bigla na lang siyang nag-resign noong time na nasa Italy ako. Pagkauwi ko wala na siya. Hindi ko alam kung nasaan na siya. I asked her younger sister, pero hindi niya sinabi kung nasaan siya. But her ate told me she went abroad. Hindi ko nga alam kung bakit magkaiba ang sinabi ng magkapatid."

"Bakit hindi mo hanapin? Kung mahal mo suyuin mo. Ganyan ang mga babae gusto nilang sinusuyo sila. Kahit gaano pa ang galit nila pero kung nakita naman nila ang paghihirap mo sa pagsuyo sa kanila. Balewala na iyon."

"Yeah, I know."

"Umaasa ako na magkakaayos din kayo." Tinapik ko ang balikat nito. Napangiti ito ng mapakla.

"Magkakaayos din kayo. Huwag kang mag-alala" sabi ko. Tumango tango ito bilang pagsang-ayon niya sa sinabi ko.

SINUNDO ko si Marieyah sa kanyang coffee shop. I always do this dahil gusto kong maging safe ang Marieyah ko. At para nakakahalik ako sa mahal ko. 

Pagkapasok ko sa loob ng coffee shop nawala ang malawak na ngiti ko. Bumungad sa mga mata ko ang iniiwasan kong babaeng baliw. Kausap nito si Marieyah na kunot na kunot ang noo. Nilapitan ko si Marieyah at masuyo kong hinapit sa kanyang beywang upang mapalapit sa akin.

"What are you doing here?" tanong ko. Ngumiti ito ng tipid. Parang may iba sa babaeng ito.

"Nandito ako para i-congratulate kayong dalawa. I'm not here to make trouble. I am so sorry Isaac, kung nagulo ko ang buhay mo. Hindi ko lang kasi natanggap na hindi ako ang minahal mula noon. But anyway hindi na ako manggugulo sa buhay mo dahil tanggap ko na," sabi nito. Hindi ko alam kung paniniwalaan ko ito. Baliw kasi ito.

"I know hindi ka naniniwala sa sinabi ko. Mayroon na akong boyfriend. Siya ang nagpabago ng buhay ko. Pinaramdam niya sa akin ang tunay na pagmamahal." Kinikilig pa ito.

"Nandito na pala ang man of my life." Napatingin kami sa pumasok na lalaki. Wow ang macho. Para lang muscle na tinubuan ng katawan.

"By the way he is my boyfriend. Nataniel." Pakilala nito. Nakipagkamay ako sa kanya.

"Nice meeting you guys," sabi nito. In fairness malaki ang boses. Machong-macho talaga. Matangkad at may maipagmamalaki. May mga lalaking malaki ang muscle pero boses ipis. 

Nang makaalis na ang dalawang magsing-irog. Hinarap ko naman ang mahal kong Marieyah.

"So wala na tayong problema ngayon. Tuloy na tuloy na ating nalalapit na kasal," sabi ko.

"Oo nga. Wala ng naghahabol sa ka-machohan mo. Mas hamak na macho ang boyfriend niya sa iyo. Mukha ka lang kawayan kapag nagtabi kayo," natatawang sabi ni Marieyah. 

Sumimangot ako sa sinabi niya. Macho na kaya ako ngayon. Hindi kagaya noong na-abduct kami ng terorista. Hindi ko talaga makakalimutan ang pangyayaring iyon sa buhay ko. Para iyong bangungot na ayaw kong balikan. 

Kiniliti niya ako sa beywang ko. Hindi ako natinag. Sumama kasi ang loob ko sa sinabi niyang hindi na ako macho. 


Copyright©2018
All Rights Reserved
By coalchamber13















BARAKO SERIES 7  Faraway (Isaac Dela Costa Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon