Chapter 14

10.1K 344 31
                                    

ISAAC

Tangina namang buhay ito. Nakatakas nga kami sa mga teroristang iyon. Naligaw naman kami sa malawak na gubat na ito.

Hindi ko na alam kung nasaan na si Kuya Kael. Nagkawatak-watak kami. Si Major Esteban Manuel at iba pang kasama ko ngayon.

Nagtago kami sa kuwebang nadaanan namin habang naglalakad patakas sa kuta ng terorista. Buti may malapit na sapa rito kaya may maiinom kaming tubig. 

"Anong lugar na itong napuntahan natin Major Manuel?" Tanong ko. May hinugot itong compass at tiningnan ang location namin.

"Nasa South tayo. Malayo tayo sa kampo ng mga sundalo. Nasa bandang East iyon." Napabuntong-hininga ito. Kinuha ko ang kahoy na pinulot namin kanina. Kailangang makagawa ng apoy. Lumalamig na ang simoy ng hangin at malamok ang kuweba. Naiinis ako dahil puro kagat na ako ng lamok. Bumagsak na nga ang macho kong katawan. Puro galis ang balat ko. Napa tsk ako dahil sa inis.

"Pupunta lang ako roon para magmatiyag. Kayo muna bahala dito," sabi ni Major Manuel. Napaangat ang tingin. Nakahahanga ang isang ito. Sa kabila ng nangyari sa amin kalmado lang siya kahit nasa bingit na kami ng kamatayan. Samantalang ako hindi ko na alam kung ano'ng iisipin at gagawin ko.

Nakagawa na ako ng apoy kaya nagkaroon ng liwanag sa paligid ng kuweba. Hinugot ko ang swiss knife na nakatago sa sapatos ko upang gumawa ng sibat. Bukas ng umaga manghuhuli ako ng isda sa sapa. Baka sakaling meron. Mamatay kami sa gutom kapag hindi kami gumalaw. Kailangan ko ring maghanap ng mga prutas na puwede naming kainin. Kahit nanghihina na ako. Pinipilit kong magpakatatag dahil hinihintay ako ni Marieyah. Ayokong umiyak ang mahal ko kapag may nangyaring masama sa akin. We need to get out of here as soon as possible.

Hindi ako makatulog nang maayos dahil kailangan naming maging alerto dahil baka may mga teroristang dumating. Nasa bukana ng kuweba si Major Manuel. Nakasandal ito sa malaking bato. Tumayo ako para ibigay ang sibat na ginawa ko.

"Here you can use this to protect yourself," sabi ko. Kinuha naman nito ang sibat na ginawa ko.

"Thanks, comdrade." Itinabi niya iyon sa may gilid.

"Do you have a family? I mean wife?" Tanong ko. Ilang minuto itong hindi nagsalita.

"Yes, I have a wife, but she died sa isang engkwentro," sabi nito.

"Sorry sa nangyari." Hindi na ako nagtangkang magtanong dahil mukhang masakit sa kanya ang maalala ang nakaraan. Siguro kung sa akin din iyon mangyayari ganyan din ang mararamdaman ko.

"Namatay ang asawa ko at pati na ang pinagbubuntis nito. Kasalanan ko kung bakit nadamay ang mag-ina ko. Hindi ko dapat sila isinama sa lugar na iyon. Dahil ayokong malayo siya kaya ko nagawa iyon. Kung sana hindi na ako nagpumilit na isama siya. Buhay pa sana ang asawa at anak ko. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko," malungkot na kuwento nito.

"It's not your fault. Hindi naman natin alam ang mangyayari. You need to forgive yourself. Siguradong malulungkot ang asawa mo kung laging sinisisi mo ang sarili." Napatango siya sa sinabi ko. Kahit ganito naman ako puro ka-machohan at ka-guwapuhan ang alam ko. Minsan lumalabas ng kusa ang pagiging magaling ko sa pagpayo.

"Ikaw ano naman ang kuwento ng buhay mo?" Tanong nito sa akin. Napangiti ako nang maalala ko ang mahal kong biday.

"I have a girlfriend. Actually bago palang kami kaya nahihirapan akong malayo sa kanya. Nakakatawa nga ang una naming pagkikita. Para kaming aso at pusa kung magbangayan. Ganoon pala kapag natagpuan mo na ang babaeng para sa iyo magbabago ang lahat sa iyo. Ganoon ang nangyari sa akin. Mula sa pagkababaero ko naging one woman man ako. Sa kanya lang uminog ang ka-guwapuhan at ka-machohan ko. Hindi kumpleto ang araw ko kapag hindi ko siya nakikita o nakakausap man lang. Siya na ang babaeng ihaharap ko sa dambana," nakangiting kuwento ko kay Major Manuel. Natawa ito ng mahina.

"Obvious nga. In love na in love ka sa nobya mo. Mahalaga sa relasyon ay pagtitiwala at komunikasyon. Kapag nawala ang isa man doon magiging mahina ang pundasyon ng relasyon niyo. Ganoon kasi ang nangyari sa amin ng asawa ko. Hindi ako nagtiwala sa kanya. Mas pinapaniwalaan ko ang ibang tao kaysa mismo sa asawa ko. Pinilit ko siyang sumama kung saan ako madedestino. Kahit alam kong delikado. Naging sarado ang isip ko noon. Dahil sa selos at pangamba na baka maagaw ng iba ang asawa ko." Nakita ko ang lungkot sa mga mata niya. Tinapik ko siya sa balikat.

"Mahal mo lang ang asawa mo kaya nagawa mo iyon. Kung mayroon ka man pagkakamali ay iyong nasobrahan ka ng pagmamahal sa kanya. " Napangiti siya sa akin.

NAGING alerto kami nang may narinig kaming kaluskos mula sa mga halaman. Nagtago kami sa malaking pitak ng bato. Hinawakan ko ng mahigpit ang sibat na ginawa ko. Maliwanag ang buwan kaya kita namin kung may paparating. Nagmasid pa kami ng ilang minuto nang may lumabas na baboy damo sa makapal na halaman. Biglang tumayo si Major Manuel. Sinundan nito ang baboy damo na tumakbo sa di kalayuan. Napakamot ako ng ulo. Anong gagawin nun? Wala pang ilang minuto. Nakita kong paparating si Major Manuel. May hila-hila itong patay na baboy damo. Napangisi ito.

"We have food now," anunsiyo nito. Nanlaki ang mata ko. What the fuck! Nagulat ako ng ibagsak niya mismo sa harapan ko ang patay na baboy damo. May nakatusok na sibat sa dibdib nito. Napatingin ako sa baboy damo na nasa harapan ko. Nakabuyangyang na parang nakabukaka. Natatawang tinalikuran ako ng kasama ko at nagpunta ng sapa.

Anong gagawin ko sa patay na baboy damo na ito? Nagsidatingan ang mga kasama namin. Tinapik nila ang balikat ko.

"Wow, brod, nakahuli ka ng baboy damo. Naks, ang galing mo!" sabi ng isang lalaki kung titingnan siya para siyang takas sa kulungan. Ang dami niyang tattoo sa katawan. At macho din katulad ko. Maalala ko palang hindi na ako macho. Tanginang kamote iyan!

"We need to cut this pig," sabi ni Major Manuel na kadarating lang. May dala itong bao ng niyog na may tubig at mga dahon ng saging.

Nilabas ni Major Manuel ang swiss knife at sinimulang hiwain ang baboy. Napangiwi ako ng makita ko ang bituka. Nagtawanan ang mga kasama ko dahil sa hitsura ko.

"It is your first brod na makakita ng kinakatay na baboy?" Tanong ng isa na parang batak na batak sa gym. Namumutiktik sa muscle parang si Logan lang ang pinsan ko.

"Yes, it's my first time." Hindi naman kasi ako lumaki sa ganitong environment. Na nagkakatatay ng baboy. Ni hindi nga kami pinadapuan ng langaw nila Mommy at Daddy. Natuto lang akong maghugas ng pinggan at maglinis ng paligid ng pumasok ako sa PMA. Natuto rin akong gumising ng maaga at kumain ng simpleng pagkain.

"Matuto ka ng kumain na walang asin at walang pampalasa sa pagkain. Dito sa bundok walang ganoon. Basta may makakain iyon ang mahalaga. Malamnan lang ang sikmura ay ayos na. Hindi ba mga brod!" Nagsang-ayunan ang mga kasama namin sa sinabi ng lalaking madaming tattoo sa katawan. Napabuntong-hininga ako. Parang ganoon na nga ang gagawin ko. Kailangan kong sanayin ang sarili ko. Mukhang magtatagal kami rito sa bundok.


Copyright©2018
All Rights Reserved
By coalchamber13

BARAKO SERIES 7  Faraway (Isaac Dela Costa Story)Where stories live. Discover now