Chapter 1

18.8K 453 38
                                    

Isaac

"Tangina mo Jacob! Bakit mo sinabing nandito ako!" Singhal ko sa pinsan ko. Mas ahead sa akin ng isang taon kaya hindi ko na tinatawag na kuya. 

"Tangina mo din! Ang kulit kasi ng babaeng iyon. Tanong ng tanong sa akin kaya sinabi ko na kung nasaan ka. Alam mo namang maikli ang pisi ko sa makulit na babae. Gago ka din kasi ang babaero mong tarantado ka!" Singhal din nito sa akin.

Napahilamos ako ng mukha. Tanginang buhay ito. Iniiwasan ko na ang babaeng iyon. Kung bakit kasi pinatulan ko pa iyon nang minsan nalasing ako. Hindi ko naman kasi akalaing seseryosohin niya ang isang gabing may nangyari sa amin. 

Bwisit!

"I need to go! Kailangang maunahan ko ang babaeng iyon bago makarating na dito sa condo," natawa sa kabilang linya ang pinsan kong si Jacob.

"Mag-ala flash ka na ngayon! Baka nasa harapan ng pinto mo na iyong babae mo!" 

Pinatayan ko ng phone ang pinsan ko. Nagmadali akong pumunta sa silid ko. Tanginang buhay ito. Akala ko magiging masaya ang bakasyon ko dahil walang sagabal sa buhay ko. 

Kinuha ko ang duffle bag ko na ginagamit ko kapag umuuwi dito sa Manila. Mas magaan kasi itong dalhin kaysa sa maleta. Nakakairitang gamitin ang de hila pambakla lang iyon. 

Nang masiguro kong nakuha ko na ang mga importanteng bagay nagmadali na akong umalis. Nang papunta na ako sa elevator nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang babaeng humahabol sa kaguwapuhan ko. Bigla ay nataranta ako. 

"Fuck!" mahinang mura ko. 

May nakita akong babae na nakatayo sa tabi ng malaking paso na may makapal na halaman. Napaluhod ako at gumapang para hindi ako mapansin. Para lang may giyera may paggapang na nagaganap. Abala ang babae sa pagbabasa ng kung ano sa cell phone nito kaya hindi niya napansin ang presensya ko sa gilid nito. 

Nakasuot ng mahabang saya o palda ang babae. Biglang may naisip akong paraan paano makakapagtago sa babaeng humahabol sa akin. Napangiti ako. Nagulat ang babae nang pumasok ako sa mahaba nitong saya. 

"Shhhh... Silent ka lang, Miss. Huwag kang gagalaw diyan." Bulong ko habang nasa loob ako ng saya nito. Buti na lang maluwang ang saya kaya nagkasya ang kamachohan ko sa loob. 

Narinig ko ang boses ni Shiela na nagtatanong. "May nakita ka bang lalaki na matangkad? Medyo mapayat pero guwapo naman. Dumaan ba siya dito?" tanong nito.

Parang gusto kong magreklamo sa sinabi niyang medyo mapayat! Kamacho ko kaya! 

"Ahm, ah..." nauutal na sabi nito.." Wala!" Napataas ang boses ng babae dahil sa hindi sinasadyang nahimas ko ang kanyang legs. "S-Sorry I mean wala akong nakita." Napangisi ako.

Very Good.

Narinig ko na lang na umalis si Shiela dahil tunog ng heels nitong papalayo. Sumilip ako para siguraduhing nakalayo na ang babaeng iyon bago ako lumabas sa kinatataguan kong saya. 

"Wala na siya kaya puwede ba umalis ka na diyan!" singhal nito sa akin. Itinulak niya ang ulo kong nakasilip pa sa saya nito. Muntik na akong mapasubsob sa semento kundi lang naitukod ko ang mga palad ko. Kung wala lang akong utang na loob sa babaeng ito masisinghalan ko siya sa pagbatok niya sa ulo ko. 

Lumabas na ako sa lungga ng pinagtaguan ko. Nang makatayo na ako napagmasdan ko ng maigi ang mukha ng babae.

 Nang makatayo na ako napagmasdan ko ng maigi ang mukha ng babae

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Namangha ako dahil napakaganda niya. Pero nakaka-turn off lang dahil napakabaduy niyang manamit. Wala man lang ka-class-class parang sinauna.

"Salamat, huh. I owe you my life." Sabi ko. Kinindatan ko pa. Dahil sa saya ko kinabig ko ang kanyang magkabilang pisngi at hinagkan ko ang kanyang mga labi saka ako nagmadaling umalis. Naiwang nakatulala ang babaeng sinauna.

Marieyah

"Hoy! Kanina ka pa mukhang tanga diyan. Masakit ba iyang nguso mo? Bakit kanina ka pa nakahawak diyan?" Tanong ng pinsan kong nakatira dito sa condo na pinuntahan ko. Nandito ako dahil nagpapasama na mag-mall daw kami.

"W-wala hihikab sana ako kaso nawala, eh." Pagsisinungaling ko. Napakamot ako sa ulo ko. Ayokong sabihing may humalik sa akin. Walanghiyang iyon matapos kong tulungan iyon ang igaganti niya sa akin? Makikita ko lang ang lalaking iyon mapupukpok ko siya ng malaking payong ko! 

Napangiwi sa akin sa akin ang pinsan ko. Napatingin ito sa suot ko.  

"Iyan talaga ang susuutin mo? Ang init-init pero parang winter na ang suot mo. Duh! Ang baduy mo talaga. Halika dito pahihiramin kita ng leggings. Mukha kang timang diyan sa suot mo! Ano ka ba!" Wala akong nagawa nang hilahin niya ako sa loob ng silid nito. 

Ayoko kasing nae-expose ang binti ko kaya nagsusuot ako ng mahabang palda. sa tingin ko naman wala namang masama sa suot ko. Maraming kalalakihan dito sa Maynila na gustong makakita ng babaeng nakasuot ng maiksing kasuotan. Nakakapamboso sila. Hindi ko papayagang mangyari iyon sa akin.  

Bigla ko na namang naalala ang lalaking humalik sa labi ko. Pangahas ang lalaking iyon. Bakit hindi ako nakapagreklamo sa kanya kanina? Anong meron ang lalaking iyon at natulala lang ako sa ginawa niyang paghalik sa virgin ko pang labi? Ano kayang pangalan niya? Napahawak ako sa labi ko.

Copyright©2018
All Rights Reserved
By coalchamber13

BARAKO SERIES 7  Faraway (Isaac Dela Costa Story)Where stories live. Discover now