Chapter 7

11K 365 42
                                    

ISAAC

Napataas ng kilay ang pinsan kong si Noah dahil para akong lantang gulay. Umariba kasi ako kagabi dahil last day na namin at pupunta na kaming PMA.

"Para kang ni-rape sa hitsura mo. Pati ba bakla kinana mo na din?" pang-aasar sa akin ng pinsan ko. Binato ko sa kanya ang unan.

"Gago hindi ako pumapatol sa bakla! Babae lang ang kinana ko kagabi. Grabe isang babae lang iyon, pero katumbas ng limang babae ang lakas niya. Ako ang unang sumuko sa kanya!" sabi ko.

Napailing ang pinsan ko sa sinabi ko.

"Kapag nalaman ni Tita ang pinaggagawa mo mababatukan ka nun,"sabi nito.

Kaya sobra ang pag-iingat ko na malaman niya ang pangbabae ko. May galit kasi si Mommy sa mga babaero. Dati kasing babaero ang Daddy noong kabataan nila. Ilang beses na daw silang naghiwalay ni Mommy noon, pero dahil nainlababo si Daddy sa kagandahan ni Mommy nagbago ito.

"Subukan mong magsumbong makakatikim ka sa akin ng isang sapak,"pagbabanta ko sa kanya.

"Baka ikaw ang sapakin ko. " Napailag ako ng sipain ako ni Noah.

"Fuck, Noah!" whoah muntik na ako doon, ah?!

Tatawa-tawa itong naupo sa tabi ko.

"Magbago ka na! Aba, hindi ka na bumabata. Napakababaero mo pa din. Baka kapag nasobrahan ka sa kakakana mo maging lawlaw na iyan gago!" sabay tawa nito. Napaismid ako sa pinsan ko. Lawlaw talaga? Hindi ba lantutay?

Ano naman ang pakialam niya kung kumakana ako? Nagiging powerful ang etits ko kapag sagana sa ariba. Napatingin kaming pareho ng pinsan ko sa pinto dahil may nag-doorbell.

"Buksan mo ang pinto!" utos nito sa akin.

"Ikaw kaya ang magbukas malapit ka sa pinto!" singhal ko.

"Bubuksan mo o palalayasin kita sa condo ko?" inirapan ko ito. Tumayo na lang ako kaysa mapalayas ng wala sa oras.

Nagsalubong ang kilay ko dahil si Manang biday ang nasa harapan ng pinto kasama ang pinsan nitong si Daphne.

"Anong kailangan niyo?!" masungit na sabi ko. Bigla akong itinulak ni Manang Biday.

"Hindi ikaw kailangan namin! Tsura nito?! Makatanong akala mo may-ari ng condo! Umalis ka nga diyan sa harapan namin baka bigwasan ko iyang ano mo!" bigla akong napaatras. Bakit pati ang etits ko idadamay niya sa galit?

"Ang sungit naman nitong biday na ito. Akala mo naman ikinaganda mo ang pag-transform mo? Mukha ka pa din Manang!" singhal ko sa kanya.

Napansin ko kasing hindi na saya ang suot niya. Naka-dress na ito, pero mukha pa din siyang manang.

"Hey, mukha kang bakla pumapatol ka talaga sa babae?" sabi ni Noah sa akin. Sinamaan ko ito ng tingin. Umupo ako sa pang-isahang sofa at matalim ang tingin ko kay Biday.

"Noah, magpapatulong lang sana kami na magpabuhat ng cabinet. Nag-aayos kasi kami. Alam mo na New year na kailangan maiba naman ang hitsura ng condo ko. May rayuma kasi si Koya guard hindi daw siya makakabuhat," sabi ni Daphne. "Gusto mo bang tumulong, Sac?" tanong niya sa akin ng mapatingin sa gawi ko.

"Naku tinanong mo pa iyan!Hhindi naman tutulong iyan. Mawawasak ang mundo at maghuhukom na hindi iyan tutulong maniwala kayo!" napapalatak pa siya habang inaapi niya ang katauhan ko.

"Makaapi ka sa buong pagkatao ko akala mo naman kilala mo ako?! Alam mo ba kung kailan ako tumatae? O kailan ako tinuli? " tanong ko sa kanya. Grabe, makaapi sa akin para bang alam niya ang buhay ko.

"Hay, naku. Kayong dalawa tama na nga iyan! Lagi na lang kayo nag-aaway kapag nagkikita. Puwede kahit ngayon lang maging okay kayo?" sabi ni Daphne.

Napangiwi ako sa sinabi niya. Kahit ngayon hindi puwede. Hindi siya dapat kinakausap ng matino. Napakamanang niya!

BARAKO SERIES 7  Faraway (Isaac Dela Costa Story)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu