Chapter 9

10.4K 353 25
                                    

MARIEYAH

"Oh, bakit ang sad ng mukha mo, Ieyah?" tanong ng pinsan ko. Magmula ng nawala si Isaac parang ang lungkot ng paligid ko.

"Naisip ko lang na maging malungkot. Masama ba?" nakanguso kong sabi.

"Don't tell me nami-miss mo si Isaac? Aminin mo na kasi, halatang-halata ka! Magmula ng mawala si Isaac ganyan ka na." Tinabihan ako ng pinsan ko.

"Oo na nga! Kainis kasi wala akong maaway kaya nami-miss ko ang gago," naiinis na sabi ko. Ewan ko ba nasanay na akong inaaway si Isaac. Hindi kumpleto ang araw ko kapag hindi ko naaaway ang hambog na iyon.

"May number ako ni Isaac gusto mo i-text mo?" sabi ng pinsan ko.

"Ayoko nga! Baka sabihin niya may gusto pa ako sa mayabang na iyon," nakanguso kong sabi.

"Sus, nagpapaka-plastic ka pa diyan. If I know gusto mo ng makausap si Isaac. Ayie!" Siniko ako ng pinsan ko. Inirapan ko ito.

"Magtigil ka diyan! Kainis ka!" tumayo ako para lumabas ng condo. Nang nasa labas na ako napatingin ako sa condo nila Isaac. Naalala ko dito sa kinatatayuan ko ang una naming pagkikita ni Isaac. Napangiti ako kasi nakakatawa ang nangyaring iyon. Napabuntong-hininga ako. Anong nangyayari sa akin bakit ko ba naiisip ang lalaking iyon?

Nagpunta ako sa coffee shop na malapit dito. Umupo ako malapit sa glass kita ang labas. Habang umiinom naisip ko na naman si Isaac. Napangiti ako nang maalala ang huli naming pagsasama ni Isaac.

(Flashback)

Nagulat ako nang may ibinigay na bulaklak si Isaac. Nakita daw niya kaya pinitas niya. Isa itong santan iba iba ang kulay nila. May puti,pula at pink.

"Salamat. Kahit kainis ka na-apprciate ko ito," sabay ngiti ko sa walanghiya.

Napatingin ako sa paligid. Napakaganda. Nasa taas na bahagi kami ng lugar kaya matatanaw  ang buong lugar.

"Nakikita mo iyon?" itinuro niya ang malayong lugar. May mga building. Dahil malayo ang kinalalagyan namin maliit na ang tingin doon. "Metro Manila iyan. Madalas ako dito kasama ang mga pinsan ko. Mahilig kasi kaming umakyat ng bundok. Noong buhay pa ang Lolo namin palagi niya kaming isinasama sa pagha-hiking. Elementary pa kami noon palagi niya kaming sinasama. I miss my Lolo," biglang nalungkot si Isaac. Inakbayan ko siya at hindi ko alintana kung magkaaway kami. Pero ngayon ceasefire muna kami.

"Atleast na-spend niyo naman ang mga oras na nandito pa ang lolo niyo. Hindi naman siya mawawala dahil lagi siya diyan sa puso mo." Itinuro ko ang tapat ng puso niya. Napatitig sa akin si Isaac. Napakakisig nito. Hindi siya nagsisinungaling na guwapo talaga siya. Pero yung macho medyo sumablay lang siya doon  dahil mas macho si Noah sa kanya.

Hinawakan niya ang palad ko. Hinagkan niya ito habang nakatitig sa akin.

"Thank you, baby. Pinagaan mo ang loob ko. Sorry kung lagi kitang inaaway. Hindi naman ako seryoso sa mga sinasabi ko. Mabiro lang talaga akong tao. Hindi kasi ako sanay sa mga sad moment. I want to be happy always. Iyon palagi ang sinasabi ni Lolo sa amin. Kahit may mga dumating na problema sa buhay ng tao hindi dapat tayo panghihinaan ng loob. Part sa buhay ang problema. Itawa mo lang iyan. Problema na nga proproblemahan mo pa?" natawa ako sa tinuran ni Isaac. Oo nga naman. Ginagap nito ang palad ko.

Napasandal ako sa malapad na balikat ni Isaac. Ang gaan ng feeling ko ngayon dahil kahit pala aso't pusa nagkakasundo din. Napangiti ako ng lihim.

"Baby, tawag nito sa akin. Nasanay na ako sa endearment niyang iyon, masarap pakinggan sa tainga.

"Hmmm. . ." sabi ko. Napalingon ako sa kanya.

"Ito na ang huling araw natin na magkasama. If ever na magkrus ang landas natin in the future I hope hindi mo sana kalimutan ang mukhang ito." Nagpogi sign siya. Kaya natawa ako. Tumango ako.

"Oo naman. Hindi ko talaga malilimutan ang mukhang iyan." Pinigil ko ang sarili kong tumawa. 

"Makakita lang ako ng puwit ng kalabaw maalala na kita agad." Sabay tawa ko ng malakas. Nakapagtatakang hindi ito napikon sa sinabi ko bagkus natawa din siya sa sinabi ko.

(End of Flashback)

Napabuntong-hininga ako ng malalim. Napasandal ako sa upuan habang nakatingin sa malayo.

"Ieyah may gustong kumausap sa iyo." Nangunot ang noo ko. Iniabot niya sa akin ang phone. Kinuha ko iyon at dinala sa tainga ko.

"Hello?" tipid na sabi ko.

"Hi, baby. Sabi ng pinsan mo nami-miss mo na daw ako?" nanlaki ang mata ko ng marinig ko ang boses ni Isaac.

"Ano?! Hindi kita nami-miss!" napanguso ako. Bakit ko naman aaminin na nami-miss ko nga siya?

"Hindi naman ako naniniwala sa iyo, baby. I know you miss me. I miss you too, baby," sabi nito. Himala hindi ito kumontra sa sinabi ko.

"T-Talaga you miss me too?" napatakip ako sa bibig ko. Hala, bakit ko sinabi yun?

Tumawa sa kabilang linya si Isaac na parang abnormal. Sinasabi ko na nga ba, eh. Pinagloloko ako ng walanghiyang iyon. Binigay ko sa pinsan ko ang phone nito.

"Oh, tapos na kayo mag-usap?" tanong ng pinsan ko.

"Sabihin mo sa Isaac na iyan huwag na niya ako kauusapin! I hate him! Mukha siyang puwit ng kalabaw!" sabi ko

"Oh, Isaac narinig mo iyon? Mukha ka daw puwit ng kalabaw," sabay tawa ng pinsan ko. Ni-loud speaker ng pinsan ko kaya narinig ko ang atungal ni Isaac de carabao.

"What the fuck! Ako mukhang kalabaw! Sabihin mo sa Manang na iyan humanda siya sa pag-uwi ko!" nai-imagine ko si Isaac. Labas ang litid, sigurado iyon. Ipagmamalaki na naman ang macho daw niyang katawan at kaguwapuhan.

"Sabihin mo din diyan sa kalabaw na iyan hindi na niya ako makikita. As if naman makakauwi pa siya! Mabubulok na siya diyan kasama ang etits niyang gaga-papalito! At iyang pinagmamalaki niyang betlog na gaga-pugo! At iyang sinasabi mong macho na katawan? Jusko! Para lang poste ang hugis ng katawan mo! Wala man lang abs!" sigaw ko din sa kanya. Halos manlaki ang mga mata ng nakakarinig sa akin. Napapasinghap pa sila.

Samantalang ang pinsan ko tawa nang tawa. Naririnig ko pa ang galit na Isaac sa kabilang linya.

"Ikaw Manang biday ka talaga! Hindi ka kagandahan para magsabi ng mga kasinungalingan sa kaguwapuhan ko! Kapag talaga nakauwi ako humanda ka sa akin. Buhok mo lang ang walang latay!" galit na galit na sabi ni Isaac. Dahil pinagtitinginan na ako nga mga tao sa coffee shop nag-walkout ako. Nakakainis ang lalaking iyon. Manloloko! Hindi na ako maniniwala sa ugok na iyon.


Copyright©2018
All Rights Reserved
By coalchamber13

BARAKO SERIES 7  Faraway (Isaac Dela Costa Story)Where stories live. Discover now