Chapter 13

10.6K 372 47
                                    

ISAAC

ILANG araw na kami dito sa Zamboanga. Gusto ko ng umuwi dahil nami-miss ko na ang mahal kong Manang biday. Buti na may signal dito sa city. Nandito ang main camp namin. 

Tinawagan ko si Marieyah thru videocall. Ilang ring lang sinagot niya. Bumungad sa akin ang pinakamagandang babae sa balat ng kaguwapuhan ko.

"Hi, baby," bati ko. 

"Hi, Isaac the carabao." Napasimangot ako sa sinabi niya. Iyon pa din ang tawag niya sa akin. "Joke lang baby. Ito naman nagalit na agad. Namimiss na kita." 

"Miss na miss na din kita baby. I want to see your cleavage," pilyong sabi ko.

"Gago ka talaga, Isaac!" anito habang nanlalaki ang mata nito sabay takip sa cleavage niya. 

"Kung ayaw mong ipakita ako na lang ang magpapakita ng katawan kong macho at ang mahaba kong ti -" naputol ang sasabihin ko nang magsisigaw si Marieyah.

"Diyos ko, Isaac! Napakahalay mo at pati iyon ipapakita? Oh my god! Hindi na ako virgin!" sabay takip ng palad nito sa mata niya. Natatawa ako sa reaction niya.

"Anong bastos, baby. I will you show my 8 pack abs. Pababa sa aking puson. Makikita mo ang mahaba kong -" naputol na naman ang sasabihin ko nang magsalita si Marieyah.

"Isaac, napakahalay ng bunganga mo diyos ko naman!" 

Napahawak ito sa dibdib niya. Gusto kong tumawa ng malakas. Napaka-inosente talaga ng baby ko.

"Baby, anong masama sa mahabang biyas? Bago ka kasi mag-react huwag mong pinuputol ang sasabihin ko. Napaghahalata ka tuloy," birong sabi ko.

Napanguso ito. Sigurado na namumula na ang mukha nito. Inirapan niya ako.

" Ewan ko sa iyo!"

" By the way kumusta naman ang coffee shop mo?" tanong ko.

" Okay naman sales ng coffe shop ko. Medyo madami kaming customer ngayon. Malamig kasi ang panahon kaya madalas magkape ang mga tao." nakangiting sabi nito. 

Nagulat ako ng may narinig akong pagsabog sa background. 

"Isaac, ano iyon?" tanong ko. Bigla akong kinabahan dahil baka nilusob na sila ng kalaban.

"Tangina! Baby I need to go!" biglang nawala si Isaac sa linya. Napaupo ako at napahawak sa dibdib kong grabe ang tibok. Diyos ko ilayo mo po sa kapahamakan si Isaac. Kahit ang manyak manyak niya, mahal ko iyon. 

Ilang araw nang hindi nagparamdam si Isaac. Kaya mas lalo akong nag-alala. Hindi na ako makapag-concentrate sa coffee shop ko. Tinawagan ko ang number niya pero out of coverage area. Ano ba naman yan!

In-on ang TV para manood ng balita. Ano ba naman mga balita ito puro na lang mga addict ang nasa balita o hindi kaya mga addict.

"Mayroon pong pumasok na balita mula sa AFP. Magkakaroon po ng Press Conference. About po sa pagdukot ng mga terorista sa mga  sundalo na napalaban sa Jolo Sulu," sabi ng reporter sa isang TV station. Napatitig ako sa screen ng TV. Ipinakita ang General ng AFP nasa harapan siya ng mga press. Parang may press conference.

Halos gumuho ang mundo ko nang banggitin ang mga pangalan ng na-kidnap ng mga terorista. Kasama ang pangalan ni Isaac. Naluha ako dahil hindi biro ang mga taong iyon. Mamamatay tao sila.

Kailangan kong pumunta ng Mindanao! Hindi ako puwedeng nakaupo lang dito at walang ginagawa. Napahagulgol ako ng iyak dahil nag-aalala ako sa buhay ni Isaac.

Hindi muna ako pumasok sa coffe shop ko dahil wala akong lakas para magtrabaho. Ilang araw na din na hindi ako makakain ng maayos.

"Marieyah, kumain ka naman kahit kaunti lang. Diyos ko isang beses ka lang kumain sa isang araw kakapiranggot pa! Ano ka ba papatayin mo ba ang sarili mo?!" singhal sa akin ng pinsan kong si Daphne. "Uuwi sila Tito dito. Nag-aalala sila sa iyo." Napaiyak na naman ako.

BARAKO SERIES 7  Faraway (Isaac Dela Costa Story)Where stories live. Discover now