Chapter 5

10.8K 351 17
                                    

MARIEYAH

Napadaan ako sa condo ni Isaac. Hindi ko na ito nakakasalubong magmula ng naghalikan kami. Dahil sa gusto kong malaman kung nasa loob ito. Lumapit ako sa tapat ng pinto ng condo ni Isaac. Idinikit ko ang tainga ko sa tapat ng pinto. 

Pinakinggan kong maigi kung may tao sa loob. Wala naman akong naririnig na kahit ano sa loob. May kumalabit sa akin. Hinawi ko lang iyon habang nakadikit sa pinto ang teynga ko.

"May tao ba?" tanong ng lalaki sa akin.

"Puwede Kuya umalis ka muna diyan. Ichecheck ko lang kung nandito iyong lalaking mukhang kalabaw" sabi ko sa lalaki. Baka si Kuya Guard ito.

"Oh, talaga? Mukhang kalabaw?" ulit nito sa sinabi ko.

"Oo nga Kuya mukha siyang puwit ng kalabaw. Kapag nakita mo iyon masasabi mo din ang sinabi ko" parang may narinig akong kalampag sa loob.

Napatakip ako sa bibig ko habang nakadikit pa din ang teynga ko sa pinto ni Isaac. Iniimagine ko na may kahalayang nagagaganap sa loob. Hala may ginagawa yatang milagro ang walanghiya.

"Oh, ano may narinig ka bang tao sa loob?!" naiiritang sabi ni Kuya.

"Puwede Kuya doon ka na lang sa lobby magbantay huwag dito," sabi ko. Kainis naman istorbo.

Napadapa ako ng biglang bumukas ang pinto. Para akong palaka na nakadapa sa carpeted floor. Napabalikwas ako nakita kong may nakatayong lalaki na nakasuot ng boxer. Napaangat pa ako ng tingin. Nanlaki ang mata ko dahil hindi si Isaac ang nakatayo sa harapan ko kung hindi iyong pinsan nitong si Noah. Nakahalf naked pa.

"What are you doing?" masungit na tanong ni Noah. Napatayo ako bigla. Pagkabaling ko sa gilid ko. Nakita ko si kalabaw este si Isaac. Salubong ang kilay nitong nakatingin din sa akin.

Parang gusto kong lumubog sa kinatatayuan ko. Ang sama ng tingin nila sa akin. Akala ko si Kuya Guard ang nasa likod ko. Si Isaac pala it means narinig niya ang sinabi kong mukhang kalabaw.

Napangiti ako ng alanganin. Napaatras ako ng dahan dahan. Bigla akong kumaripas ng takbo. Buti nag-open ang elevator. Pumasok ako at sinara agad ang pinto. Napahawak ako sa dibdib ko. Oh my god patay ako.

Bakit ba ako matatakot sa mukhang kalabaw na iyon. Ang dami niyang kasalanan sa akin, bagay lang sa kanya iyon.

Nagpasya akong pumunta sa paborito kong cafe magpapalamig lang.

ISAAC

Pagkalabas ko pa lang ng elevator napansin ko si Manang biday nasa tapat ng pinto ng condo ni Noah. Nakaluhod ito at nakadikit pa ang teynga nito sa may pinto.

Anong ginagawa niya? Nagpasya akong lapitan ito. Napatayo ako sa may likuran nito. Kinalabit ko ito sa balikat.

"May tao ba?" tanong ko kay Manang biday. Hinawi niya lang ang kamay ko.

"Puwede Kuya umalis ka muna diyan. Ichecheck ko lang kung nandito iyong lalaking mukhang kalabaw" aba't napagkamalan pa akong ibang tao.

"Oh, talaga? Mukhang kalabaw?" ulit ko sa sinabi nito.

"Oo nga Kuya mukha siyang puwit ng kalabaw. Kapag nakita mo iyon masasabi mo din ang sinabi ko" parang gusto kong haklitin ang babaeng ito. Ako mukhang kalabaw? Sa guwapo at macho kong ito? Kalabaw lang ang katapat. What the fuck!

Nakita kong napadikit pa lalo ang teynga nito sa pinto. Napatakip pa ito sa bibig nito habang nakadikit pa din ang teynga niya sa pinto.

Hindi man lang nakakahalata ang biday na ito kung sino ang nasa likuran niya?

"Ano may narinig ka bang tao sa loob?!" naiirita na sabi ko. Naiinip na akong nakatayo dito. Mukha kaming magnanakaw sa hitsura namin.

"Puwede Kuya doon ka na lang sa lobby magbantay huwag dito," sabi nito. Napagkamalan pa akong security guard. Kamukha ko ba si Kuya guard? Iyon nga ang mukhang kalabaw!

Napadapa si Manang biday ng biglang bumukas ang pinto. Para tuloy siyang palaka na nakadapa sa carpeted floor.

Nakita ko si Noah na nakasalubong ang kilay habang nakatingin kay Manang biday. Napabalikwas ng bangon ito at napahagod ng tingin kay Noah. Parang gusto kong takpan ang mata nito dahil naka-boxer at walang suot na pang-itaas ang pinsan ko.

"What are you doing?" masungit na tanong ni Noah kay Manang biday. Nataranta ito at hindi alam ang gagawin. Napatayo ito bigla. Napabaling sa akin ang tingin niya. Nanlalaki ang mata nitong nakatingin sa ka-machohan at ka-guwapuhan ko. Salubong ang kilay ko na nakatingin sa kanya na parang sinasabi ko ako mukhang kalabaw? Napangiti ito ng alanganin. Bigla itong kumaripas ng takbo. Hawak ang saya nito. Napailing ako sa babaeng Manang na iyon.

"Bakit ganyan ang suot mo?" tanong ko sa pinsan ko.

Napataas ito ng kilay sa tanong ko. "Gago ka ba condo ko ito natural na ganito ang suot ko. Ikaw anong ginagawa niyong dalawa sa harapan ng pinto?" nakasalaubong ang kilay na tanong nito.

"Naabutan ko si Manang biday na nasa tapat ng pinto mo parang may pinakikinggan. May kasama ka ba diyan?" tanong ko sa pinsan ko.

"Wala akong kasama. Naghahanda ako ng pagkain ko. Nakita ko kasi sa monitor ng CCTV ko na may tao kaya lumabas ako," sabi nito.

Pumasok na kami sa loob.

"Next week na balik natin sa PMA. Hindi ka ba aariba sa natitirang araw natin?" tanong ko sa pinsan ko.

"Hindi mo ako katulad! Aariba ka diyan? I spend my time with family." Napaismid ako.

"Hindi mo ba susuyuin si Aven?"

"It's not the right time. Gusto ko munang matapos sa college bago ko ayusin ang sa amin ni Aven. Bibigyan ko muna siya ng oras. Ayoko naman biglain ang mahal ko at baka mas lalong hindi na magpakita," napangisi ako. In love na in love talaga itong pinsan ko kay Aven.

Ako kaya kailan maiinlove ng ganito? Hindi ko pa nakikita ang babaeng para sa akin. Bigla kong naisip si Manang biday. Napangiwi ako. Paano kung siya pala ang babaeng itinadhana sa akin?

No way!!

"Tarantado huwag mo akong sinisigawan!" binatukan ako ng pinsan ko.

Sinigaw ko pala iyon? Napakamot ako sa ulo ko.

"Huwag kang pakasisiguro Isaac dahil baka iyang sinasabihan mo ng Manang biday mainlove ka sa kanya ng todo. Hindi mo mapipigilan iyan kapag naramdaman mo na" tatawa tawang sabi ng pinsan ko.

Napaismid ako sa kanya.

"Hinding hindi mangyayari iyon! Kahit siya pa ang huling babae sa balat ng lupa. Hindi ko siya magugustuhan. Mark my word!" pinal na sabi ko.

"Kakainin mo din ang sinabi mo gago!" sabay tawa nito. Never. Hindi maiinlove amg kaguwapuhan at kamachohan ko sa babaeng Manang na iyon.

 Hindi maiinlove amg kaguwapuhan at kamachohan ko sa babaeng Manang na iyon

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Copyright©2018
All Rights Reserved
By coalchamber13

BARAKO SERIES 7  Faraway (Isaac Dela Costa Story)Where stories live. Discover now