...



PAGKALIPAS nga ng dalawang buwan ay hiniling na ni Ara na makabalik siya sa kanilang mansyon. Nagulat pa siya ng makitang duguan si Ara habang naglalaro ito ng chess. Napansin din niya ang nagkalat na bangkay ng tao sa paligid.

Ganito ang hilig ng kakambal niya, ang makipaglaban sa larong chess. Ang problema, kapag may natatalo ito ay ipinapapatay nito sa ama. Ang kadalasang kinakalaro nito ay ang mga tauhan nila sa hacienda. Sa totoo lang, malapit ng maubos ang mga trabahador nila dahil sa larong ito ni Ara.



"Checkmate!" Sigaw ni Ara sa kalaro nito ng madatnan niya ito sa malawak nilang sala.


Napangiwi naman ang binatang kalaro nito. "Maawa po kayo..." Naluluha ito.


Nilapitan naman ni Emilio ang binata at walang awa nitong pinukol iyon ng palakol. Tirik ang mata nito nang tamaan ito sa panga. Talsik ang malapot nitong dugo sa katawan ni Ara. Kaya pala maging ito ay duguan din. Hindi matatapos ang larong ito hangga't hindi nagsasawa si Ara.


Sa kabilang gilid naman ay naroon lang nakatayo si Inang at ang dalawang katulong na parang walang krimeng nagaganap sa harapan ng mga ito. Tila naaaliw pa ang dalawang katulong na katabi ni Inang habang nanunuod.


Ganoon ka-makapangyarihan ang mga Villaverde. Walang makakapalag sa kanila kahit pa mag-aklas ang buong baryo laban sa makapangyarihang si Don Emilio Villaverde. Maraming kapit ang Pamilyang ito at maraming tauhan. Ang mga simpleng trabahador sa lugar nila ay hindi makakalaban sa kanila kahit pa gustuhin ng mga ito.


"Next!" Sigaw ni Ara.


Maya-maya ay may lumapit muling batang lalaki at umupo sa harap ng chess board.


Napansin naman siya ni Ara. "Clarisse! Nariyan ka na pala. Halika! Panoorin mo ako maglaro."


Lumapit naman siya rito.


"Alam mo bang hanggang ngayon ay wala pa ring nakakatalo sa akin." Nakangiti ito na aakalaing napakabait sa kabila ng mga dugo nito sa mukha.


Napabaling siya sa kalaro nitong batang lalaki. Kakaiba kasi ang isang ito. Parang walang takot at hindi kinakabahan na di tulad ng mga ilang nakaharap na ni Ara sa larong ito. Wala siya sa sariling naitanong niya ang pangalan nito. "Anong pangalan mo?"


Napatingin sa kanya ang lahat.


Napasimangot si Ara. "Clarisse – ayokong kinakausap ang kalaro ko." May galit sa tinig nito. Maldita talaga itong kakambal niya, pero kahit ganoon si Ara ay mahal niya ito.


Nginitian niya si Ara. "Hindi ba mas maganda kung malalaman mo ang pangalan ng makakalaro mo bago mo ito talunin?"

Tumingin ito sa kanya nang masama. Pero maya-maya ay ngumiti na naman ito na para bang maamong bata. "Kung sabagay..." Bumaling ito sa batang lalaki. "Anong pangalan mo?"

Nag-angat naman ng mukha ang batang lalaki na sa tantiya niya ay nasa edad sampu. Mas matanda sila rito ni Ara. "Roli po..." Tugon nito. "Taga-kabilang baryo po ako... Ulila na."

"Okay! Maglaro na tayo" Pumalakpak si Ara. "Alam mo naman siguro na kapag natalo kita ay mamamatay ka."

Tumango lang si Roli na parang hindi kakikitaan ng takot.

Nagsimula na nga ang laro ng mga ito. Tumagal iyon ng dalawang oras na may limang rounds. Pero sa limang rounds na ito, hindi nanalo si Ara. Ito yata ang unang pagkakataon na may nakatalo kay Ara sa larong chess at limang beses pa!

Kita na sa mukha ni Ara ang pagkapikon. "Nakakainis! Bakit hindi kita matalo?" Hanggang sa ika-anim na round ay natalo pa rin si Ara. Galit na galit ito kay Roli. "Papa. Patayin mo siya."

Lumapit naman si Emilio kay Roli at bumwelo hawak ang malaking palakol.

"Sandali!" Sigaw niya.

Napahinto ang kanyang ama.

"Kapag pinatay mo siya Ara, mawawalan ka ng magaling na kalaban." Nakabaling siya kay Ara.

Napaisip si Ara. "Kung sabagay tama ka." Tapos ay bumaling ito kay Inang. "Sige, si Inang na lang ang ipapa-patay ko."

Namutla ang ginang! Maging siya ay nagulat din. Napaluhod siya sa harapan ng kakambal. "Huwag, Ara, maawa ka..." Si Inang kasi ang pinakamalapit sa kanya sa lahat ng katulong nila. Ito rin ang nag-alaga sa kanila mula ng pagkabata nila kaya isang Ina na ang turing niya rito.

Napapikit si Ara. "Oh, sige. Hindi ko ipapapatay si Inang. Pero gusto ko ang mga kuko niya sa paa."

Nanlaki ang mga mata ni Inang. Alam nito na kapag hindi nito tinupad ang kahilingan ng alaga ay mamatay ito ngayon din.

Tumingin na lang siya kay Inang at tinanguan niya iyon. Mas mabuti na kasi iyon kaysa ang ipapatay ito.

Si Emilio naman ay humugot ng plies sa bulsa at ibinigay ito kay Inang. "Hugutin mo ang mga kuko mo sa paa."

Napalunok muna si Inang bago iyon tinanggap. Hindi nga nagtagal at binunot nito isa-isa ang sarili nitong mga kuko sa paa upang ibigay kay Ara. Halos mapahagulgol ang ginang sa ginawa nito sa sarili. Iika-ika nitong iniabot kay Ara ang mga kuko nito.

Lumawak ang ngiti ni Ara. "Hindi ako kuntento rito." Bumaling ito sa isang katulong na nasa likuran ni Inang. "Ikaw!" Sigaw ni Ara dito. "Ibigay mo sa'kin ang kaliwang kamay mo..."

Napaatras naman ang isang katulong habang naluluhang umiiling. "Ayaw ko po..."

Lalong sumimangot si Ara.

Dahil sa takot, nagtatakbo ang katulong. Pero bago ito makalabas ng pintuan, nasapol ang likod nito ng ibinatong palakol ni Emilio. Nangisay ito bago ito bawian ng buhay.

Bumaling pa si Ara sa isa pang katulong sa likuran ni Inang. "Ibigay mo sa'kin ang kaliwang kamay mo."

Todo tango naman ang katulong na iyon. "Opo! Opo! Masusunod po!" Humiram ito ng palakol sa kanilang ama.

"Ayoko ng palakol ang gagamitin mo, gusto ko yung lagare." Matigas ang tinig ni Ara.

Lalong nanlaki ang mga mata ng katulong na ito nang abutan na ito ni Emilio ng lagare.

Tanging malakas na lang na tili ang maririnig sa loob ng malaking bahay na iyon. Dahil sa nilagaring kaliwang kamay nito, naubusan din ito ng dugo na ikinamatay nito.

Bumaling si Ara kay Roli. "Papa, gusto kong ampunin natin si Roli. Gusto ko siyang maging kapatid."

Iniangat naman ng malapad na kamay ni Emilio ang batang si Roli. "Simula ngayon, anak na kita. Ipapaayos ko ang mga papeles mo bukas upang mapabilang kang isa sa mga Villaverde."

Ngunit ang mukha ng batang si Roli ay hindi kakikitaan ng kagalakan. Bagkus ay tila mas mabangis pa ito kaysa kay Ara. Tiyak na higit itong mas malaking bulas kaysa sa kanilang ama kapag nagbinata na ito. Sa edad kasi nitong iyon kasi ay halos kasinglaki na nila ito ni Ara, na kung tutuusin ay ay labing-walong gulang na silang magka-kambal.


...

I Love You, ARA Where stories live. Discover now