DOSE✞

683K 20.6K 53.3K
                                    

XII

The Killer

The Killer's P.O.V.

I love Ara, mahal na mahal ko siya. Mami-miss ko sya, sobra. 

Kaya lang kinailangan ko na talaga syang patayin. Masyado na siyang maraming nalalaman. Isa pa, nagkaroon sya ng relasyon kay Roli. Nagselos tuloy ako.

Sayang.

May plano pa ako sa kanya. Ihahanda ko si Ara para kay Ara. 

Si Ara ay para kay Ara... pero ngayon wala na si Ara? Paano na si Ara? 

Nangako ako sa kanya na bubuhayin ko siya sa pamamagitan ni Ara... kaya lang patay na rin si Ara katulad niya. 

Dapat kasi, hihintayin ko munang magdalaga nang husto si Ara bago ko sya patayin. Parang bunga lang ng isang puno, hinihintay munang mahinog bago pitasin. 

Pero hindi na ako nakapagpigil eh. Nangyari na ang nangyari.

Iyan tuloy, hindi na ako masaya. Mabuti na lang at narito pa SIYA–ang isa pang bungang pinapahinog ko pa. Pero para sa'kin ay hinog na sya. Ayun sya at pinagmamasdan ko. Narito ako ngayon sa lamay ni Ara. 

Hay...excited na akong patayin sya. Siya ang uunahin ko at isusunod ko ang mga kasama nya. Wala akong ititira sa kanila, lahat silang nagmamahal kay Ara.

Well, mahal ko rin sya katulad ng pagmamahal ko kay Ara. Kaya nga lang, mukhang hindi ko na mapigilang pumatay. Ang sarap pala, lalo na kapag mahal mo yung taong papatayin mo.

Nanginginig ang buong katawan ko. Ngayon ko lang ulit ito naramdaman. Sabik na sabik ako. Parang droga, nakaka-adik. 

Gusto kong pumatay! Gusto ko nang pumatay. 

Ngayong gabi, papatay ako. Papatayin ko si...

Janice!

Pero bago yun, pagmamasdan ko muna sya. At ngayon nga, natatanaw ko sya habang nakaupo sa isang tabi. Walang imik, walang kibo. 

Haaaaa! Mukhang di ko na matatagalan pang tingnan sya. Kapag nagpatuloy ito, baka mawala ako sa aking sarili. Kailangan kong maghintay ng tamang pagkakataon. 

Mamaya...papatayin ko sya.


Papatayin ko sya...



Janice Ocampo's P.O.V.

Paano ko ba ipapaliwanag kay Mommy na hindi naman malala ang sakit ko? Hindi lang talaga ako makapagsalita. And I don't know what's happening to me. Kaya naman labis ang pag-aalala nya dahil three days na akong walang voice.

To make my story short, narito na kami ngayon sa ospital. Galing kami sa lamay ni Ara. Well, I really hate talagang pumunta sa mga ganitong lugar. Matatakutin kasi ako. Hindi ko na sasabihin kung saang hospital 'to ah.

Anyway, alas-otso iyon ng gabi nang napilitan si Mommy na ipa-confine ako. 

Nakakainis nga eh, ayoko na ngang mag-stay dito. Ikinuha nya ako ng private room kung saan nandito kami ngayon nina Tita Madge. Speaking of Tita Madge, bakit ganun kaya syang makatingin? Parang ang talim. Kanina pa yun noong nasa lamay pa lang kami. Kakaiba 'yungtitig niya sa akin.

I Love You, ARA Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon