UNO✞

2.7M 51.1K 95.2K
                                        


I

You'll Love Her Too: A Documentary

BALITA SA RADYO: Pasado alas-diyes ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng isang dalagita sa isang tapsihan. Ang buong akala ng mga napapadaan sa naturang lugar ay nakatulog lamang ito dala ng kalasingan. Pero nang lapitan ito ng isa sa mga waiter ng nasabing kainan, doon napag-alamang wala na itong buhay.



Ara's P.O.V.


It's Monday at tinanghali ako ng gising. Pagmulat ko ng aking mga mata, doon ko lang napagtanto na naka-unifom pa pala ako nang makatulog ako kagabi. Hindi ko masyadong maalala ang mga nangyari. Bumalikwas ako ng bangon at mabilis na hinanap ang aking red doll shoes na iniregalo sa akin ni Nana, ang aking ina.


Ayoko nang ma-late today sa subject ni Mrs. Ocampo, ito ang prof ko sa first subject, Community Health Nursing. Second year ako this year. Nataon pang si Mrs. Ocampo ay mother ng best friend kong si Janice, at kakilala rin ng parents ko.


Anyway, I'll focus on finding my red shoes first. Okay lang naman siguro na iyon ang suutin ko today sa university. Sasalisi na lang ako sa guard. Oh, I forgot to mention that last Friday was my birthday. My 18th birthday. It had been three days since I received those red shoes from Nana as a gift. Palagi talagang kulay pula ang natatanggap kong regalo galing sa kanya.


Hindi ko makita so I quit. Next time ko na lang hahanapin dahil baka ma-late pa ako knowing that I don't even have any idea what time is it already. Basta, alam ko lang ay Lunes ngayon.


Nagmadali akong lumabas ng aking kwarto at bumaba ngunit pinilit kong maging marahan. Plano kong dumiretso na sa school since naka-uniform naman na ako. Wala naman akong naaamoy na kakaiba sa sarili ko at malinis pa rin naman ang suot ko, so okay lang na dumiretso na nang hindi naliligo at nagpapalit ng damit. Hindi naman halatang hindi ako naligo at ipinantulog ko pa ang suot kong uniform.


I packed my things and checked my wallet and I'm ready to go. Subalit bago pa man ako tuluyang makarating sa may pintuan ay bumungad na agad sa akin ang isangstamp note sa aming refrigerator. 'ARA, you're grounded!'


Three days nga pala akong hindi umuwi since I left after my birthday party last Friday. Sumama ako kay Roli—'Uncle Roli', my mother's younger adopted brother.


Roli Villaverde. He was not legally adopted but was given the surname Villaverde as he did not have one when my late maternal grandfather, Emilio Villaverde, took him in. Siguro ay pinalabas na lang na malayo siyang kamaganak at maari ding ginamitan ng pera at koneksyon, dahil isa raw sa pinakamayaman at makapangyarihang tao sa probinsiya nila noon ang lolo ko. And that old man was very fond of him because he did not have a son. 


Oh, speaking of Roli... I miss him.


Ano kayang ginagawa ng lalaking iyon ngayon? Baka tulala na naman. Ganoon kasi si Roli, mahilig tumulala. Madalas kasing tahimik at tila may malalim na iniisip. Ganoong klase siya ng tao. Kahit bata pa ay masyado nang seryoso at malalim.


Ilang sandali bago pa man ako tuluyang makalabas ay nahagip na ng paningin ko si Nana habang tahimik na naghuhugas ng mga plato. Seryoso ang kanyang mukha at walang kakurap-kurap ang maganda niyang mga mata. Tumikhim ako upang ipahiwatid sa kanya ang aking presensya habang unti-unting inaalis ang bag na nakasukbit sa aking balikat. Pansamantala naman siyang huminto sa kanyang ginagawa at bahagyang yumukod. Humakbang ako nang kaunti upang lumapit sa kanyang kinatatayuan. Kahit nakatalikod siya sa akin ay ramdam ko ang galit niya.

I Love You, ARA Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon