DISI-OCHO✞

519K 17.2K 6.2K
                                    

DISI-OCHO✞

[ START ]


ROGER's POV

Totoo ba itong nakikita ko? Kanina lang kausap niya ako.
Nananaginip ba ako? O bangungot lang ito?

Iniliwan ko ulit itong mukha niya.


Iyong mukha niya, puro dugo. Tapos sabog ang kanyang bungo.

Nayupi yata iyong kanyang noo.

Hindi na siya humihinga!

Patay na si Fin.

Ilang beses ko pang ikinurap ang aking mga mata. Naroon pa rin siya sa aking harapan. Nangangatog ako. Hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan. Gusto kong tumakbo sa takot pero kinakabahan ako. Hindi ako makakilos, ni makalingon kahit saan.

Para kasing ang bilis ng mga pangyayari. Nalingat lang ako tapos ganito na. Ilang segundo ba akong nawala? Minuto ba? Oras ba? Oh, crap! Hindi pa rin ako makapaniwala.

Sisigaw ba ako? Oo! Tatawagin ko si Cary. Tatawagin ko si Ka Pineng.


Pero hindi! Mahigpit na ipinagbilin ni Ka Pineng na wag akong gagawa ng ingay. Eh, puta anong gagawin ko?


"Ka Pineng..." Nawala ako sa sarili. Nasambit ko. Pero kulang. Mahina ang tinig ko.


"Ka Pineng." Sabi ko. Pero usal lang ito.

"Ka Pineng!" Sigaw ko. Hindi na ako nakapagtimpi, napasigaw ako.

Maya-maya, iyong mga sinulid. Iyong sinulid sa paligid ko. Gumagalaw. Lahat ng sinulid. Gumagalaw. Itong sinulid na nakakonekta kay Fin. Gumagalaw.

Anong ibig sabihin nito? Bakit gumagalaw lahat?


Itong mga sinulid. Gumagalaw lahat.


Then huminto lahat sa paggalaw.



Katahimikan.



Tapos may narinig ako.


Tapos may narinig akong nananakbo. Mula sa ibaba, may nananakbo. Papunta sa hagdan ay may nananakbo.



Pataas ng hagdan, may nananakbo.

Palapit yata sa akin yung nananakbo.


Pero ano ito? Hindi ako makagalaw pano 'to?!


Kaya dumapa na lang ako. Nanginginig kong pinatay itong flashlight ko. Pinilit kong gumalaw, gumapang ako.



Papalapit na 'yung nananakbo.


Gumapang ako. Mabilis ang gapang ko


Malapit na yung nananakbo.


Gapang pa! Gumapang pa ako.

Hayan na 'yung nananakbo.

Ako naman, lalong bumilis ang paggapang ko.


Heto na yung nananakbo.


Kaya ako, gumapang pa nang todo.



Madilim. Basta gumapang lang ako.





Tapos may nakapa ako. Ano ito? Tila ba balat ng tao.


Nakatayo. Malamig. Para bang paa ng tao.


Kaso madilim. Hindi ko makita kung kaninong paa ito.


Basta humakbang ito. Papasok sa pinto. Sa loob ng isang kwarto.



Gumapang ako. Sinundan ko ito. Namalayan ko na lang na nasa loob nga ako ng isang silid. Buong lakas akong umupo at marahang isinara ang pinto. Pagkatapos, gumapang pa ako. Hindi ko na nga alam ang ginagapangan ko. Kagagapang ko, may nakapa akong butas. Butas sa pader, malaking butas. Siguro kasya ang isang tao.


Pumasok ako dun, gumapang ako. Tingin ko, sa kabilang kwarto din yun. Gumapang pa ako. Hanggang sa may nakapa ako. Ano kaya ito? Animo'y isang libro. Kinuha ko. Bahagya kong inilawan. Oh! Photo album pala ito. Kanino kaya ito? Isinilid ko muna sa pocket ng coat ko.

Naramdaman ko na lang na tagaktak na pala ang pawis ko. Luminga ako sa paligid. Madilim. Wala akong makita. So binuksan ko itong flashlight ko. At hayun, nasa loob din ako ng isa pang kwarto. Inilawan ko yung butas na nilusutan ko, tanaw ko yung pinto na pinasukan ko. Dun sa kabilang kwarto.


Sino kaya yung nananakbo? Iyong papalapit sa aking nananakbo? Kanino kayang paa iyong nahawakan ko? Iyong pumasok sa kwartong ito? Sino kaya yung bata kanina na nakita ko?


Biglang lumangitngit iyong pinto. Iyong pintong inilawan ko.

Heto na naman yung kaba ko!


Marahang bumubukas yung pinto.

Napalunok ako.


Iyong pinto, bumubukas ito. Napaatras ako. Malapit ng bumukas yung pinto.

Humihingal na ako.

At heto na, bumukas na yung pinto.

Itong flashlight ko, nakatutok pa rin dito.

Pero walang pupamasok. Bumukas ito pero walang tao.


Naghintay pa ako. Pero wala talagang pumasok mula sa labas nito.

Tatayo na ba ako? At isasara ko ito?





Pupuntahan ko na sana kaso may pumasok na.


Napaatras pa ako sa aking nakita.


May pumasok kasing isang babae. Bahagyang nakatingala, nakaliyad pa!


Nakaputi, mahaba ang buhok ng putangina!

Lumalakad pero wala namang paa.

Gusto kong sumigaw pero napipilan ako. Nilingon pa kasi ako nitong babae. Jesus! Ano ito, multo? Iyong bata kaninang nakita ko? Multo? Iyong paang nahawakan ko? Multo? Nawala ako sa sarili, basta tumakbo na lang ako.

Hindi ko alam kung saan ako nakarating. Wala kasing patid sa pagtakbo itong mga paa ko. Ang naaalala ko lang, natalisod ako. Heto ako ngayon sa ilalim ng lamesa. Bvllshit! Akala ko naiwan ko na itong flashlight ko! Hindi na kasi umiilaw. Tinapik-tapik ko. Hindi pa rin umilaw.


Tapos may narinig akong mga hakbang.

Naglalakad.


Nakita ko mula sa ilalim ng lamesa.

Lumalakad.


Marahan lang ito, parang may hinahanap.

Huminto ito sa paglakad.


Napaigtad ako ng bumulong ito. "Roger..."


Namilog ang mga mata.


Si Cary!


Tatayo na ako ng may narinig ako. Ugh!


Damn! Ano yun?



Ugh!ugh!


Tapos may lumagabog.


Cary? Anong nangyari?


Wala akong makita. Madilim kasi.


Tinapik ko ulit itong flashlight ko. Ayaw talaga umilaw. Nilakasan ko nga yung pagtapik. Hayun! Umilaw! Kasabay non yung – muntik na akong mapahiyaw!


Oh, God! Si Cary!


Si Cary

Panu ba 'to? Si Cary.

Si Cary kasi. Si Cary.



Napaluha ako. Halos tumulo ang laway ko.

Si Cary nakahiga.


Yumugyog ang balikat ko. Napayuko ako.


Si Cary nakatingin sa akin.


Nakadapa ako. Sa ilalim ng mesang ito.


Si Cary dilat ang mata.

Pero hindi na siya humihinga.

Duguan ang mukha niya.

Basag ang kanyang panga.


Umikot ang paningin ko. Nagtatakbo ulit ako. Hindi ko na alam kung nasaan ako. Namalayan ko na lang na nasa banyo ako. Sa ibaba nitong bahay na 'to.


Ano ba talagang nangyayari? Ano bang meron sa bahay na 'to? Kanina multo yung nakita ko. Tapos ngayon, patay na tao! Hindi! Buhay pa sana si Cary, pero may pumatay sa kanya. Hindi ko lang natitiyak kung sino siya!


Lalabas sana ako ng banyo nang natigilan ako. Bigla kasi akong may natanaw na tao.

Mula sa liwanag ng buwan mula sa labas – kitang-kita ko ito.

Nakasuot itong cowboy hat at may dalang martilyo.

Sino ito? Sino ang babaeng ito?


"Roger..." Napabalikwas ako ng may bumulong sa likod ko.

"S-Sino yan?" Bulong ko.

"Ka Pineng..."


Hindi ko siya makita. Madilim kasi. Pero nabuhayan ako ng dugo ng marinig ko siya. "Oh thank God..."

"Wag kang maingay, baka marinig niya tayo..." Sabi niya.

"Nasaan ka?" Tanong ko.

"Narito lang ako sa likod mo."

"So nakikita mo rin siya." Sabay silip ko ulit sa pintuan.

"Oo..."

"Sino siya?" Nakasilip pa rin ako.

"Siya yung – pumatay kay Ara."

Nanlaki ang mga mata ko. "Papatayin ko siya Ka Pineng... papatayin ko siya..." Madiin ang pagbigkas ko.


"Teka Roger. Pagmasdan mo siya." Awat niya sa akin.

Pinagmasdan ko naman ang kilos nitong killer.

"Tingnan mong mabuti ang paggalaw niya."

"Anong meron sa pagkilos niya?" Naroon pa rin ang paningin ko rito.

"Babae siya pero mukhang sanay ang mga mata niya sa dilim," narinig kong napalunok si Ka Pineng. "Alam kong kaya natin siyang patumbahin. Pero dehado tayo sa isang taong sanay pumatay."

"Ha?"

"Delikado tayo Roger. Nakikita niya tayo pero hindi natin siya nakikita. At isa pa, sa tindig pa lang nyan, mukhang marami nang napatay ang taong 'yan. Ang taong yan, baliw ang taong yan." Parang naiiyak na si Ka Pineng sa takot.

Tama si Ka Pineng. Posibleng ang babaeng ito ay sanay ang paningin sa dilim. Hindi ito magdadalawang isip na patayin kami once na makita nito kami. Samantalang ako, hindi ko alam kung paano ko ito papatayin. "So anong gagawin natin?"

"Ang dapat nating gawin ay hanapin si Ara at makalabas dito sa bahay na 'to at makahingi ng tulong."


Sinabi ni Ka Pineng sa amin na kailangan naming makita si Ara dahil umaasa pa rin kaming makikipagtulungan ito sa amin. At dito sa bahay na ito ang pinakamalaking posibilidad na mahanap namin ito dahil dito raw ito pinatay. Iyon ang purpose nitong activity na ito.

"Kailangan nating makita si Ara bago niya tayo mapatay." Kahit hindi ko siya makita, alam kong nakatanaw siya dun sa killer.

Ano?! Ilang multo pa ba ang makikita ko bago ko makita si Ara? "A-Anong plano natin?" Bigla na naman akong kinabahan.

"Dito ko sa baba hahanapin si Ara, ikaw dun sa taas."

"Panu ko gagawin yun? Baka paglabas ko pa lang nitong pintuan eh patayin na ako ng tarantadong iyan. Ni baka nga hindi na ako makarating sa hagdan paakyat sa sobrang dilim." Pinagpapawisan na naman ako.

"Gamitin mo ang flashlight ng CP mo."

Kinuha ko nga ang cellphone ko sa bulsa ko. Ganun pa rin ito, walang signal. Kanina ko pa kasi binabalak na tumawag at humingi ng tulong.

"Makinig ka," hinugot niya rin ang cellphone niya. Doon ko lang siya nakita. "I-aalarm ko itong cellphone kong ito in a minute para kapag tumunog ito dito, makuha natin ang atensyon niya." Habang pinipindot na nga niya ang CP niya. "Tumakbo ka papunta sa itaas. Kapag nakita mo si Ara, buksan mo ang garapon na ito." Inabutan niya ako ng garapon.

"Pagkatapos?"

"Pagkatapos ay makukuha na natin si Ara. Sa ibang lugar ko na lang siya kakausapin." Inilapag na niya yung cellphone sa lapag.

"You mean, kusa siyang papasok sa garapon na ito?"

"Basta gawin mo na lang Roger. At saka halika na! Maya-maya lang ay mag-a-alarm na itong phone ko."

Humugot muna ako ng malalim na paghinga. Hinanda ko ang sarili ko sa pagtakbo. Sa kaliwang pasilyo kasi paglabas dito sa banyo, may papasok dun patungo sa kusina. Kapag dun kami dumaan, maiiwasan namin itong killer na nasa sala. Heto na nga ako. Handa ng tumakbo.


Isa.



Dalawa.





Takbo!





Tumakbo lang ako nang tumakbo.


Namalayan ko na nga lang na nasa kusina na ako.

Sa tabi ko, naririnig kong hinihingal din si Ka Pineng. Minuto nga lang at tumunog na yung alarm ng CP niya. Papunta na marahil dun sa banyo yung killer.

"Roger, tumakbo ka na pataas!" Utos niya.

"Saan ka?" Malalim ang aking paghinga.


"Hay naku Roger! Nakinig ka ba sa plano natin kanina?"

"Alam ko! Pero paano tayo magkikita? Paano ko malalalaman na nakita mo na si Ara? Paano ko sasabihin sa'yo kapag nakita ko si Ara?" Mukha kaming tanga. Parehas kaming natataranta.


"Putangina bahala na! Basta pilitin mong makalabas at pumunta ka sa sasakyan natin." Tapos naramdaman kong nanakbo na siya.

Ako naman, tumakbo na rin pataas ng hagdan. Naririnig ko pa rin yung ingay ng alarm ng cellphone. Halos hindi ako makagulapay sa hingal. Heto na ulit ako. Nasa tabi ni –


Fin!



Bahala na! Basta sana makita ko si Ara.


Tapos heto na naman. Dahil sa ingay ng alarm, yung mga sinulid ay naggagalawan.


Tangina! Sa mga sinulid na ito, saan kaya naroon si Ara?

Then isa-isang tumigil sa paggalaw. Itong mga sinulid, isa-isang natigil sa paggalaw.



Hanggang sa isa na lang ang gumagalaw.



Oo! Isa na lang ang gumagalaw!


Sinundan ko ng tingin kung saan nakakonekta.



Hayun. Dun sa –





Sa likuran ko! Dun nakakonekta!



Gumagalaw pa rin!


Itong sinulid – sinundan ko ng tingin! Patungo ang aking tingin – dun sa likuran ko – dun ako titingin!



Marahan akong lumingon.



Gamit ang CP ko, inilawan ko iyon.



At hayun.



Sa aking likod nandun.





May isang babae dun.

Dioys ko po! Sino yun?!





Iyong nasa likuran kong iyon.





Kinakalabit niya yung sinulid.





Kaya pala gumagalaw yun.





Napaatras ako! Muntik na akong mapatalon.


Paano kase. Iyung babae –



nasa kisame nakatungtong!


Tapos kumurap, nawala itong flashlight ng aking cellphone.


Nung bumukas ulit, hindi ko na siya matunton.


Nawala yung tunog ng alarm.





Katahimikan.

Nawala siya sa paningin ko.





Katahimikan.

Ilang multo pa ba ang makikita ko? At sino-sino ang mga multong iyon? Nasaan ba ang anak ko?! Ang multo lang ng anak ko ang nais kong makita!




Katahimikan.

Marahan akong gumalaw, tatakbo ako.


Katahimikan.

Kaso, may humihingal sa likod.





Putangina sino 'to?

Napaluha ako.

Itong garapon, gagamitin ko.
Ipanghahampas ko ito.


Pero nung gagawin ko na iyon, bigla itong nagsalita. "Roger..." Oh Lord! Ginulat niya ako. Si Ka Pineng lang pala ito.

"Tangina tinakot mo ko!" Sigaw ko pero pabulong.

"Roger..."

"Ano?!" Inilawan ko yung mukha niya.

"May iba pa bang daan palabas dito?" Dun siya nakatingin sa kaliwa ko.

"Meron," tiningnan korin yung tinitingnan niya.

"Saan?" Nangangatog siya.


Sa kaliwa namin. Naruon yung hagdan pababa. Kaso,may nakatayo dun. Naka-cowboy hat at may hawak na martilyo. Hindi ko mangaanung nakikita. Pero naaaninagan ko. Tumugon ako sa kanyang tanong. "S-Sa –bintana."


Tapos marahan siyang humarap sa akin. "Roger..."


Humarap din ako sa kanya. "Ano..."


"Takbo!"


Sabay kaming tumakbo! Agad kung binuksan ang binataat hindi na ako nag-isip na talunin iyon. Nang bumagsak ako sa lupa, narinig korin ang pagbagsak ni Ka Pineng. Parehas kaming halos di makatayo sa sakit ngpaa namin.


Ngunit manhid iyon sa pakiramdam namin. Dali kamingtumayo at tinungo itong sasakyan namin.


"Roger! Ang susi!" Nanginginig siya.


"Aba ewan ko! Ikaw ang nagmamaneho kanina, eh!"Tagaktak ang pawis ko.


"Ilawan mo itong sasakyan!" Natataranta niyanghinanap yun.


Napabaling ako sa rearview mirror. "Ka Pineng..."


"Tulungan mo ako maghanap!"


Natulala lang ako. "K-Ka Pineng..." Kandautal ako.


"Ano!?"


Ngayon, sa rearview mirror, sabay na kamingnakatingin.


Itong killer, papunta sa amin.


Shit! Halos magkauntugan kami sa paghahanap nitongsusi. "My God! My God! My God!" Hanggang sa nakapa ko na nga itong susi. "Oh,thank God!"


Agad na ipinasok ni Ka Pineng sa igniton key. Kasohayun. Bakit ganun?


"Bakit Ka Pineng?"


Namumutla siyang napatingin sa akin. "Kailangangitulak."


Sa rearview mirror, napatingin ako ulit. Hayun ang killer.Papalapit shit!


"Sige na, Roger! Itulak mo na!"

Hindi na ako tumugon. Mabilis akong bumaba ng kotseat buong lakas na itinulak iyon.

Tapos napalingon ako.




Nilingon ko.





Lalong lumakas yung pagtulak ko.





Kasi itong killer – nananakbo!





Malapit na ito!





Kaya itinulak ko pa ng todo!





Please umandar ka na oh!





Kung hindi – mamamatay ako!





Tapos heto na ito.





Malapit na sa tabi ko!





Saka lang umandar itong sasakyan ko!





"Roger takbo!"





Huli na. Kasi yung killer –




heto na sa likod ko!!!





I Love You, ARA Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon