DIES ✞

663K 20.9K 12.3K
                                        

X

Janice Part1

TWENTY-FOUR hours later after ARA was found dead.


Janice Ocampo's P.O.V.


Umaga na pala. Nasaan si Mama? "Janice!" tinig ni Mama mula sa labas ng kwarto. Pumasok siya sa pinto.


"Janice! Okay ka lang ba?" bungad nya sa akin. Nasa mukha niya ang pag-aalala.


Tumango lang ako. Saka ko lang napansin na pawisan pala ako.


"Nagsisisigaw ka. Binangungot ka na naman ba?"


Gusto kong sabihin kay Mommy na 'NO!', pero walang boses na lumabas sa bibig ko. I just nodded.


Napansin kong malungkot ang mukha ni Mommy. "Prepare yourself. Pupunta tayo kina Nana."


Pagkasabi niya noon, muling rumihistro sa isip ko ang mukha ni ARA. Oo! Si Ara! Kahapon lang, natagpuan ang katawanniya. 


Patay na SYA. Patay na si...ARA.


Yumakap sa akin si Mommy. "Lakasan mo ang loob mo, Janice."


Natagpuan ko na lang ang sarili kong humihikbi, lumuluha. Si ARA, wala na SYA. Bakit hindi ko matanggap? Mahal ko si Ara, I love her like a sister. Kaya napakasakit para sa akin. Pakiramdam ko, namatayan ako ng kapatid.


Bumitaw si Mommy mula sa pagkakayakap sa akin. "Pupuntahan natin si Ara ngayon ah. Wag ka nang malungkot."


Hindi ko sya kayang makita. Ayoko syang makita na nakahimlay sa loob ng kabaong. My best friend, my dear best friend.

 

"Sige na. Magbihis ka na." Pagkatapos ay hinalikan nya ako sa noo at saka lumabas ng kwarto.


Nangmakapaghanda na kami ay dumating si Tita Madge. Hindi maipinta ang mukha. May pinag-usapansila ni Mama na sila lang dalawa.


Hapon na kami nang makarating sa bahay ng mga Santos. Napakalungkot ng ambience doon. Ang mommy ni Ara na si Nana ay tulala. Tanging luha lang sa mga mata ang makikita.


Nilapitan siya ni Mama. "Our condolences, Clarise."

 

Tumingin lang si Nana sa amin. But after that, dumako ulit ang tingin niya sa kawalan. We all know kung gaano nya kamahal si Ara. Maybe ako man ang nasa kalagayan nya, as a mother, magkakaganito rin ako.


Lumabas si Tito Roger, Ara's dad, Attorney Roger Santos. "Tuloy kayo, Mrs. Ocampo, Madge." Ang pormal na mukha ay madilim. I could see the sorrow in his eyes.

 

May ilan nang nakikiramay bago pa kami dumating. Tiningnan ko kung nasaan ang kabaong. Doon nakahimlay si Ara. Natatanaw ko na siya. Hindi ko maihakbang ang mga paa ko upang lapitan siya. But wait, bakit pala ganito ang amoy sa lugar na ito?MALANSA!

I Love You, ARA Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon