EPILOGUE✞

826K 20.2K 42.8K
                                    

EPILOGUE

PRESINTO


"GOOD MORNING, ATTORNEY ROGER SANTOS."


Isang matangkad at batang pulis ang tumabi kay Roger sa mahabang upuan na nasa lounge ng station.


"SPO2 Lyndon P. Romulo nga pala. Kaibigan ho ako ni Arthur." Pakilala ng batang pulis. "Nakikiramay ako sa lahat ng mga pinatay. Lalo na sa mga kaibigan kong pulis... sina Art at iyong kapatid nito."


Tango lang ang naisagot ni Roger.


"Astig no'ng ginawa mo pero mali iyon, Attorney," anito pagkuwan.


"Alam ko," maiksing tugon niya.


"Sana sinaksak mo na lang kasi siya, o kaya naman ay hinampas sa ulo." Umiling-iling pa ang pulis. "Kaya lang nilason mo, eh! Syempre ang iisipin nila ay pinagplanuhan mong paslangin ang asawa mo. Hindi mo pwedeng sabihing self defense iyon."


Pagod at walang gana niyang nilingon ang makulit na pulis. Kaya nga siya nagtungo agad dito matapos niyang patayin si Clarisse, at mailibing ang kakambal nitong si Ara. Handa na siyang makulong. Kung gusto siya nitong ikulong, walang paki sa Roger. Kahit bitayin pa siya, mas lalong wala siyang paki. Wala na rin naman kasing saysay ang buhay niya sa totoo lang.


Nakatalikod na si SPO2 Lyndon Romulo ay nakatingin pa rin siya rito. Mapagkakatiwalaan niya ba ang Romulo na ito? Sa itsura kasi nito ay mukha itong maloko. Pulis ito pero mas mukha pa itong modelo dahil sa itsura at tangkad nito. Tingin niya ay may pagka-happy go lucky ang lalaki... pero sa di malamang dahilan ay magaan ang loob niya rito.


"Sandali, hijo!" habol niya kay SPO2 Romulo.


Tinaasan siya nito ng kilay. "Ano?"


"Paano niyo nahuli si..."


Ngumisi ito. "Iyong bayaw mong hilaw na si Roli Villaverde?"


Tumango siya.


"Hindi namin siya hinuli."


"Ha? What do you mean?"


"Sumuko siya, Attorney." 


Nagulat siya bagamat hindi nagpahalata. "S-sige... Kakausapin ko siya."


Dinala siya nito sa tila isang bartolina sa istasyong iyon. Ayon dito ay inihiwalay nito si Roli sa ibang preso dahil sa madalas daw itong magwala.


"Hindi na siya nagsalita pa matapos niyang sabihin sa amin na gusto ka niyang makausap." Itinuro nito sa kanya ang isang bakal na pinto na may maliit na bintana. "Hihintayin kita dito, kausapin mo na siya."


Naabutan niya Roli na nakasalampak sa sahig at tila natutulog.


I Love You, ARA Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon