XIII
✞The Clock✞
Roger Santos P.O.V.
Tik! Tak! Tik! Tak!
Katahimikan.
Tanging tunog lang ng orasan ang naririnig ko. Nakakabingiang tunog nito. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko.Ngayon lang ako kinabahan ng ganito. Bukod dito, napakagulo rin ng isipan ko, hindi ako makapag-isip nang maayos.
I looked at the time on my phone. It's already midnight. Narito ako ngayon sa malaking sala ng tinatawag nilang Ka Pineng na isa raw mahusay na paranormal expert. Marami nang naging kliyente na halos mayayaman, kaya nga ito at nakapagpundar na ng malaking bahay.
I don't believe in paranormal stuff, but my wife insisted to come here. Kung iyon ang paraan niya para makalampas a grief, susunod na lang ako. Para din naman sa anak namin ang lahat ng ito.
Kasama kong pumunta rito ang pulis na kasamahang tenant ni Mrs. Maria Ocampo na si Isko. Kami ang nauna dahil may nakalimutan si Nana sa bahay namin, sinamahan naman siya roon ni Mrs. Ocampo. Kino-contact ko sila pero uncontacted pareho ang dalawang babae.
Tik! Tak! Tik! Tak!
Hindi ko na namalayan ang oras. Hindi ko rin maintindihan ang nararamdaman ko.Giniginaw ako ngunit tagaktak ang pawis ko.
Kahit si Madge na naiwan din sa hospital para bantayan si Janice, hindi rin sumasagot.
Katahimikan.
Biglang nawala yung ingay na likha ng orasan. Tumayo ako at nagpalinga-linga sa paligid. Nasaan kaya iyong orasan? Bakit wala naman akong makitang orasan dito sa sala? Kung gayon, saan nanggagaling ang tunog na iyon kanina?
I looked again at my wristwatch again... para lang magtaka. Why did it stop? Anong nangyari? Bago lang ito kaya imposible namang sira ang battery.
Itinaktak ko ito. Saka ko lang napansin ang oras dito, it's 10:15 in the evening. Bigla tuloy akong naguluhan. Anong oras na ba talaga? Tiningnan ko iyong oras sa cellphone ko.
10:15 din?! Bakit kanina ay alas dose na ng hating gabi? Namalikmata lang ba ako? Bumalik ako sa wristwatch ko, bakit pareho ang oras sa phone ko kung huminto ito? Does this imply that my phone's time is also broken?
Biglang kumurap iyong ilaw dahilan para mapatingala ako. Maya-maya'y may narinig akong ingay.
May bumubulong.
Saan kaya nanggagaling ang ingay na iyon?
Sinilip ko yung makitid na pasilyo. May naririnig talaga akong bumubulong. Humakbang ako patungo roon. Ilang hakbang pa lang ay may natanaw na ako.
BINABASA MO ANG
I Love You, ARA
ParanormalBased on true story. A psychological Romance-Horror-Paranormal novel by Jamille Fumah. Please read with caution. Highest rank: Consistent #1 both in horror and paranormal 2015-start of 2016. Artist: Aeious Plata
