SEIS ✞

813K 23.3K 29.2K
                                    



VI

✞De Javu✞

Monday, 6:00 A.M.

Mrs. Maria Ocampo's P.O.V.


Mabilis kong tinungo ang daan palabas ng kwarto upang hanapin si Janice. Nakarating na ako sa sala subalit ni anino niya ay wala pa rin akong nakikita.


"Janice!" Hindi ko maipaliwanag ang kabog ng aking dibdib.


Tinungo ko ang kusina subalit wala siya roon. Sa banyo, subalit wala rin doon. Sa terrace, subalit wala pa rin. Bumalik ako sa sala nang nanlalambot ang tuhod. Where the hell is she? Sa puntong iyon ay hindi ko na napigilang maiyak. Why? Why is this happening? 


"Janice..." Napahagulhol na ako. Nasaan ang anak ko?


Makalipas ang ilang minuto, marahang bumukas ang pinto ng kwarto. Dahan-dahan ko namang iniangat ang aking ulo. Mula sa loob ay lumabas doon si Janice. "Mom? Bakit ka umiiyak?" Pupungay-pungay pa siya at halatang kagigising lang.


Napatigagal ako. 


Lalo akong napahagulhol. Lumapit sya sa akin at niyakap nya ako. "Mom, ano pong nangyayari?" Nanginginig ang boses nya.


Ginantihan ko ang yakap na ibinigay niya sa akin. "I'm sorry, anak... I'm sorry..."


"Mom..." Napaiyak na rin sya.


Katulad ng nararamdaman ko noong mga nakaraang araw, natatakot ako pa rin ako. Natatakot ako para sa kanya. Natatakot akong mawala sya sa akin. Ngayon ko mas lalong napatunayan kung gaano ko sya kamahal.


Pagkatapos ang madramang tagpo namin ni Janice, agad na kaming kumilos upang maghanda para sa pagpasok. Bago mag-alas-syete ay nakaalis na kami sa apartment at bumyahe na papunta sa prestehiyoso at pamosong unibersidad na aking pinagtatrabahuhan at siya ring pinapasukan ni Janice.


Since estudyante ko naman sya, hindi naging mahirap para sa akin ang mag-adjust sa oras ng paghahanda sa umaga. Kaya hindi ako nahihirapang asikasuhin sya at the same time.Hindi rin naman kasi malayo sa amin ang nasabing paaralan. Isang sakay lamang ng jeep mula sa aming apartment ay mararating na ito.


Saktong alas-syete nang nagsimula akong magklase. Kumpleto ng aking mga estudyante maliban sa isa─si Ara. Hindi nga ako nagkamali ng iniisip na hindi na naman siya papasok.


Ala-una nang natapos ang klase ko. Sinabi ko kay Janice na hintayin ako bago magtungo sa canteen. Gusto ko kasi syang makausap tungkol kay Ara dahil sa pagkakaalam ko, sya lang ang huling nakasama nito.Ayon kasi sa mga Santos, Biyernes pa nang umalis si Ara sa kanilang bahay at hanggang ngayon ay hindi pa rin ito umuuwi. Ni hindi man lang daw ito nagpaparamdam at hindi rin ma-contact.


"Janice, may gusto akong itanong sa'yo..." Nakatayo sya sa harapan ko habang nakatingin sa akin."Ikaw lang ang huling nakasama ni Ara noong Sabado, remember? Noong ginawa nyo yung group project niyo sa Science?"

I Love You, ARA Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon