Still Playing ♡ Chapter 27 & 28

Start from the beginning
                                    

Nagmamadali naman akong lumipat sa likod habang minumura ang sarili ko. Napaandar agad ni Mama ang kotse.

"Goodness!" she exclaimed. "Kung wala ako, hindi siguro kayo makakarating sa pupuntahan niyo nang hindi nadidisgrasiya dahil sa katarantahan niyo! Imbis na kayo ang kalmado at alam ang dapat gawin, kayo pa itong mas natataranta sa 'kin! Kalalaki niyong tao dinaig niyo pa ako kung mataranta!"

Tumahimik na lang kaming tatlo at hindi na sumagot sa sermon ni Mama. Baka lalo lang humaba ang sermon niya. At totoo naman ang sinabi niya, mas natataranta pa kami ngayon sa kanya!

Paano naman ako hindi matataranta kung si Lianne ang nawawala? Magkasakit pa nga lang siya ay sobrang nag-aalala na ako. Ang mawala pa kaya?

Tinawagan ko na lang ulit nang tinawagan si Hannah kahit network operator lang ang laging naririnig ko. Baka sakaling bigla ko na lang siyang ma-contact at sagutin niya ang tawag ko. Pero...

"Shit, Hannah!" naiinis ko nang bulong.

Kapag may nangyaring hindi maganda kay Lianne, hindi ko alam kung anong magagawa ko sa kanya kung may kinalaman siya sa nangyayari!

Naramdaman ko ang pagtingin sa akin ni Renz na kanina ay abala rin sa cellphone niya kanina. Nang mapatingin din ako sa kanya ay ang masama niyang tingin ang sumalubong sa akin.

What's his problem?!

"Seriously? Si Hannah pa rin talaga ang iniisip mo ngayon kesa si Lianne?" he hissed at me.

"I'm trying to reach Hannah para malaman ko kung nasaan sila," depensa ko.

Napahinga ako nang malalim para pigilin ang inis ko. Malamang ay mali rin ang iniisip niya dahil sa narinig niyang pag-uusap namin ni Lianne kanina. Walang kuwenta kung makikipagtalo ako sa kanyan.

"Really?!" Umiling siya na para bang hindi kapani-paniwala ang sinabi ko. "Sa tingin mo mako-contact mo siya ngayon? Baka nga siya pa ang kumuha kay Lianne!"

"Renz, ano 'yang mga sinasabi mo?" Lumingon sa amin si Papa na halatang nagulat sa sinabi ni Renz.

Ugh! He shouldn't have said that dahil hindi naman siya sigurado. Baka lalo lang magkagulo ang mga tao dahil sa sinabi niya.

"Mamaya na kayo mag-usap-usap when we get there. Hindi ako makapag-concentrate sa pagda-drive sa mga naririnig ko sa inyo. Baka mabangga pa tayo!" pagalit na namang saway sa amin ni Mama.

Tumahimik na kami hanggang makarating sa ospital. Kausap ni Tito Ed ang mga security ng ospital at may mga pulis na rin. Wala akong ibang magawa kung hindi ang mag-alala.

Nasaan na ba sila? Ngayon ko hiniling na sana ay hinayaan ko si Hannah na sabihin ang lahat sa akin. Pero nang sabihin niyang layuan ko si Lianne pansamantala ay nawalan agad ako ng gana sa kung ano pa ang gusto niyang sabihin.

Akala ko ay gumagawa lang siya ng paraan para paglayuin kami. Pero sa hindi ko malaman na dahilan ay hindi ko inisip na gusto niya lang gumanti kay Lianne. She was being a little off the past few weeks pero hindi ko inaasahan nag anito ang mangyayari. I trusted my guts that she'll never do any harm to Lianne.

But I think, I was wrong.

Lumapit ako sa kinaroroonan ng mga magulang namin na kausap pa rin ang mga pulis at security.

"I don't know if this will help," I started at napatingin sila sa akin. "The other day Hannah told me to avoid Lianne for a while or something will happen to her."

Lianne's POV

Ahh... ang sakit ng ulo ko. Naiiyak ako sa sobrang sakit kahit nakapikit pa ako. Ang sakit-sakit. Parang mabibiyak ang ulo ko. Lalo pa iyong sumakit nang sinubukan kong kumilos at noon ko lang rin naramdaman ang pananakit ng katawan ko at ang malamig at matigas na hinihigaan ko.

♡ Playing Love Games ♡Where stories live. Discover now