“Oh, sumigla ulit si Zellor!”

Nilingon ko si Tiya na may dalang gatas. Ngumiti siya sa amin at nilapag niya ang gatas sa lamesa.

“Mabuti naman at tumahan na. Naku, ikaw yata ang gustong makita ng anak mo.” Humalakhak si Tiya Merna at saka umayos ng tayo. Naglakad siya patungo sa may pintuan at saka sinara ang pinto. Nilingon niya ako. “Marami yatang bisita. Naglalabasan ang mga bata rito nang nakakita ng helicopter.”

Umupo siya sa tapat ko at binuksan ang TV.

Tumango ako sa kanyang sinabi. “Opo, marami pero hindi ako nag-overtime dahil kay Z-Zellor.” Kinagat ko ang ibabang labi ko at nag-iwas ng tingin. Hinaplos ko ang likod ng anak ko at niyakap sa akin.

Mataman kaming pinagmasdan ni Tiya bago muli ibinaling ang tingin sa umaandar na TV. “Saglit lang naging makulit si Zellor. Inaantok na yata iyan.”

Tumango ako at tiningnan si Zellor na ngayon ay pinaglalaruan na ang buhok ko.

“Sleep na tayo, anak?” Kinuha ko ang gatas na nasa lamesa. “Inaantok ka na, eh.”

Tumayo na ako at nagpaalam na kay Tiya. Dumiretso ako sa kuwarto at inilapag si Zellor sa malambot na kama. Binuksan ko ang electric fan at saka ako tumabi sa kanya.

“Sleep na, baby. Nandito lang si Mama.” Mahina kong tinapik ang kanyang hita at ipinainom sa kanya ang gatas.

Habang umiinom ang anak ko ng gatas, pinagmasdan ko ang kanyang mukha. Hindi maipagkaila na nagmana siya kay Zachary. Medyo nakakatampo at kaya hindi ko makakalimutan si Zachary dahil sa anak ko na kamukhang-kamukha niya.

May kaunting pagkamoreno si Zachary habang maputi naman ako. Pero mas mabangis pa ang dugo ni Zachary na halos wala na akong naiambag sa anak ko. Kaya as much as possible, mag-iingat ako. I will never let him see my son. Hindi ko alam kung ano ang posible niyang gagawin kapag nalaman niya pero sigurado ako na hindi niya ito palalagpasin.

Kinabukasan ay maaga akong pumasok sa trabaho

Oups ! Cette image n'est pas conforme à nos directives de contenu. Afin de continuer la publication, veuillez la retirer ou télécharger une autre image.


Kinabukasan ay maaga akong pumasok sa trabaho. Sinadya ko talaga na agahan ang pagpasok sa trabaho para maiwasan si Zachary. Ayoko na magkaroon kami ng interaksyon kaya iiwas ako. Ayokong maulit ang kahapon dahil pagdating sa kanya, manghihina ako.

Palihim kong pinagdarasal na sana ay huwag niya akong gambalahin. Dalawang taon na ang nakalipas at tingin ko ay wala na siyang dapat ihabol sa akin lalo na hanggang ngayon ay kasal pa rin siya.

Nililigpit namin ngayon ang mga gamit na ginamit sa party. Ang iba namang kagamitan ay ibinalik namin sa dating arrangement. Siguro ay masaya kagabi kaya hindi na nila naisipan na magligpit. I even saw some guest swimming on the pool. Ang iba ay nag-uusap.

“Nanalo ako ng isang sakong bigas kagabi, Mars! Grabe, sinuwerte ang beauty ko kagabi!” kuwento ni Joel habang nagbubuhat kami ng upuan upang ilagay sa sasakyan.

“Masyado lang talagang malandi si Joela kagabi kaya siya ang nanalo,” sabat ni Leah sabay halakhak. “Kung narito ka lang talaga kagabi, Hazel, baka ikaw pa ang mahiya para sa kanya.”

Her Secret (COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant